Singkitin ang malademonyong mata ni Hades, maputi't makinis naman ang kaniyang balat at may magandang pangangatawan na hindi malaswang tignan. Sa lalong madaling salita makisig ang demonyong ito.

Bwisit! Bakit ko ba naiisip to?!

Hades. Anong meron sa'yo?

"Anyone who tastes the food of Hades must remain in the Underworld forever." Hindi ko alam pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi n'ya.

Why would I? Bakit naman?

Anyone who tastes the food of Hades must remain in the Underworld forever.

Anyone who tastes the food of Hades must remain in the Underworld forever.

Ugh, ngayon ko lang naintindihan. Kaya pala pilit n'yang pinapakain ng prutas ang Diyosa para hindi na ito makaalis pa sa impyerno.

Ang galing niyang mag-isip. Sarap lasunin sa kademonyohan.

"Only evils could think about something like that." Nakangising saad nito at umupo sa gilid ng kama.

"Your evil smile, would you mind to erase that one?" Suhestiyon ko sa kan'ya. Dahil sa tuwing nakikita ko ang ngiting 'yon sa mga labi n'ya ay kinikilabutan ako. Para bang may masamang bagay na gagawin ang lalaking 'to.

At para siyang baliw na laging nakangisi ng wala namang sapat na dahilan. Pero kahit lagi siyang nakangisi hindi naman siya ganoon kasamang tignan dahil sa kasigan niyang taglay. Hindi lang maitatangging demonyo siya.

Mali, lagi pala s'yang may ginagawang masama.

"I'm not Hades when I'm smiling in an angelic way" natatawang saad nito.

Ugh yeah, he was right. He was born to be an evil, he was born possessing dark aura.

"Take a good rest, he will visit you later."

Ano'ng ibig n'yang sabihin? Sino naman ang bibisita sa'kin? Si lolo? Si tito? Si Lance? Eerr, si Hermes?

"Who?"

"Adonis"

"Why would he visit me? I don't know him."

"He's your son."

Agad akong napabangon sa sinabi n'ya. Son?! Ibig n'ya bang sabihin, anak na lalaki? Fvck, wala akong anak!

"Damn! I'm still virgin!" Pagkaklaro ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya lang. Nababaliw na ba s'ya?! Birhen pa'ko at wala akong anak.

"He was the infant Aphrodite gave to you when she needs someone to be his guardian." Pagpapaliwanag n'ya.

Ibig sabihin bata pa si Adonis? At hindi ko s'ya anak dahil pinabantayan lang s'ya sakin ng Diyosa na si Aphrodite. Ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan.

Hindi pala sa'kin, kay Proserpine pala pinabantayan yung bata. Why do I keep on claiming myself as Proserpine?! Stop it Faith!

Tandaan mong hindi ka diyosa! Tao ka lang! Tao!

Humiga akong muli sa kama at dinamdam ang lambot nito.

"You need to regain your strength." Suhestiyon ni Hades habang hindi parin inaalis ang tingin n'ya sa'kin.

Bahala s'ya tumingin s'ya hanggang sa magsawa s'ya.

"Hinding-hindi ako magsasawang tumingin sa angkin mong ganda." Nakangiting sambit nito.

I don't want to argue with a demon. He's the King in this world so I have nothing to do but to please him, because I'm on his territory.

"Okay" I murmured as I close my eyes and take a rest above this black warming bed. Regain an energy Faith.




"I missed you" agad akong sinalubong ng yakap ni Adonis nang makarating s'ya rito sa impyerno sakay ng kabayong itim.

"A-adonis?" Nag-aalinlangan kong saad. Sh!t I thought he's just a seven year old boy. Ba't parang magkasing-edad lang kami ng lalaking 'to?

Imposible? Paano ko naging anak-anakan ito? Baka kalaro lang siya ni Proserpine noon?

"Andito po ako para bisitahin kayo Ina. Nalaman ko po kasing nagbalik na ho kayo rito." Nakangiting sambit nito.

Kingina. Pano ako naging Ina ng isang lalaking kasing edad ko lang? Tumitingala pa ako kapag tinitignan ko s'ya dahil di hamak na masmatangkad pa s'ya sa'kin.

Nalaman ko kanina kay Hades na nahahati sa tatlo ang panahon ni Adonis sa loob ng isang taon, dahil nahirapan daw si Proserpine na isauli si Adonis noon kay Aphrodite sapagkat napamahal na s'ya rito. Kaya naman napagdesisyonan ni Zeus, Diyos ng lahat ng Diyos, na hatiin sa tatlo ang panahon nito. Adonis should spend one third of his life with Proserpine, one third with Aphrodite and one third with whoever he wished.

Ngayon binisita n'ya lang ako kahit hindi pa ngayon ang panahon para makasama n'ya ako o si Proserpine.

"Nanghihina raw ho kayo sabi ng hari" sambit n'ya habang naglalakad-lakad kami ngayon dito sa magulong paligid ng impyerno.

"Hindi na, bumalik na 'yong lakas ko dahil nakapagpahinga na ako." Pagpapaliwanag ko sa kan'ya.

Gusto kong manumbalik kaagad 'yong lakas ko. Gusto kong makalabas sa lugar na'to, total hindi pa naman ako nakakakain ng pagkain na inihanda ni Hades e. Ang nakakapagtaka lang ay hindi ako nagugutom.

Aalis talaga ako rito.

"Mabuti nama at andito na ulit kayo sa impyerno." Wika nito habang hindi parin inaalis ang ngiti sa kan'yang mga labi.

Aba't natutuwa pa s'ya na nandito ako ngayon sa impyerno? Hindi ba s'ya naaawa sa'kin? Ugh, he's also a demon like Hades.

"I'm having a hard time inside this hell" pag-amin ko sa kan'ya. Gusto ko nang lumabas sa mundong 'tong kailanma'y di nasisikatan ng araw.

"Everybody knows that. Pero Ina, magiging payapa po ang ang impyerno kapag andito kayo" seryosong saad nito. Aba't may kapayapaan bang mangyayari sa impyernong 'to? Tingin ko wala na 'tong kapag-apag-asang maging payapa e.

"You'll never find any piece of peacefulness in this hell."

"Nagkakamali ho kayo ina. Naging payapa po at matiwasay ang buong impyerno noong naging ganap na reyna ho kayo rito."

Nagawa ba tal'ga ni Proserpine 'yon? Well kung ano man 'yong mga nagawa n'ya noon malamang ay hindi ko 'yon magagawa ngayon. She's a goddess and I'm just a simple girl.

Hindi ko kayang paamohin ang mga patay no.

"Ano ba ang itsura ng mapayapang impyerno?" Tanong ko sa kan'ya sa tindi ng kyoryosidad. I can't picture out a hell with peace.

Pano ba? Tatahimik nalang ang mga nagmamakaawang kaluluwa sa isang tabi? O magkakantahan sila dahil masaya silang andito na ang reyna

"Pfft, kayo lang ho ang makakasagot sa tanong n'yong 'yan Ina."

Aba't may gana pa s'yang matawa? Hindi biro ang pinagdadaanan ko ngayon. And now he's trying to play mystery because he's not saying the things that I want to know.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now