02: The Sleeping Beauty

Magsimula sa umpisa
                                    

Pasalamat? Diba dapat nga nilulubos-lubos na nya ang pangbubugbog sakin ngayon dahil pagkakataon na n'yang sirain ang ganda ko?

"And whats with my birthday?" Walang gana kong tanong.

"Nothing special" Sagot n'ya at lumabas sa kwarto.

Ugh, that girl! Hindi na n'ya ginalang ang tradisyon ng pamilya, kabilinbilinan ng mga ninuno namin na magsuot ng puti kapag pumasok sa gubat na'to pero s'ya sinusuot n'ya ang kahit anong kulay ng damit na maibigan n'ya. And now she's wearing pink and I hate it! So disgusting!





"You're so beautiful my dear granddaughter." Puri ni lolo habang tinitignan nila akong lahat pababa ng hagdanan na'to. Everything is white, lahat ng bagay na nakikita ko ngayon ay puti maliban sa suot ni Kate na pink.

"Hindi parin kumukupas ang ganda mo Faith" pamumuri naman ni Lance sa'kin at hinawakan naman ang kamay ko para alalayan akong bumaba. Why is he doing this?

Hindi naman ako nagsuot ng kahit anong sapin sa paa.

"Err, why am I wearing this kind of sh!t?" Tanong ko habang tinitignan ang suot kong damit.

"Because its your birthday" sabi naman ni Tito na ikinakunot ng noo ko. Ba't ganito? Hindi ba nila ako lalagyan ng pasa o kahit anong makakapagpapanget sa'kin?

"Hindi n'yo ba ako lalagyan ng pasa o kahit anong sugat sa mukha?" nagtatatakang tanong ko.

"We tried earlier but your skin is refusing from making any wound." Paliwanag ni Lance sa'kin. Refusing from making any wounds? What?

Agad akong tumakbo papuntang kusina at kunuha ang kutsilyo, hindi ako sanay na magdiwang ng kaarawang walang kasugat-sugat. Pakiramdam ko at may masamang mangyayari.

Sinubukan kong sugatan ang kanang kamay ko pero bigo ako. Pati gunting, blade at kahit anong hawakan kong pwedeng makapagpasugat sa'kin ay hindi pwede. Hindi ako nasusugatan o kahit anong gasgas manlang ay wala.

This is seriously Weird.

"See?" Ani tito at tinignan nila akong lahat.

Bakit ganito? Ba't parang hindi ako komportable at sobrang kinakabahan ako? Parang hindi pwedeng wala akong sugat ngayon.

"Wag n'yo na kasing ipilit kung ayaw." Agad kaming napalingon sa isang di pamilyar na boses ng lalaki na bigla nalang nagsalita.

"S-sino ka?!" Nanginginig na tanong ni lolo.

Who is he? Ngayon lang namin s'ya nakita. Ba't s'ya nakapasok sa loob ng bahay nato?

Nakasuot s'ya ng kulay puting manggas, at may hawak na gintong baston, may sombrero rin s'yang kulay ginto na may mga pakpak sa gilid. Ayon sa suot n'ya ngayon, malamang ay kilala ko s'ya.

Hell! I can't believe he's here. I can't believe he exists.

Lagi ko s'yang nababasa sa mga libro ko at ang itsura n'ya ay saktong-sakto sa itsura na nakasulat sa mga libro.

"Know me Faith?" Nakangising tanong n'ya habang nakatingin ng diretso sa'kin.

Hindi ko alam pero parang nanlalamig ako sa kinatatayuan ko at parang hindi ako makagalaw.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon