Inaamin kong may kagaspangan ang ugali ko, pero fvck! Ba't ipinagdadamot ni lolo sa'kin yung kwento?

"Basta tandaan mo lang apo, lumayo ka sa kan'ya." Napakunot noo ako sa sinabi ni lolo. Anong pinagsasabi n'yang lumayo sa kanya?' Kanino naman 'yan?

"God of Underworld" Dugtong pa n'ya at kinuha ang tungkod n'ya sa gilid ng bangko.

Ugh yeah, I remembered. Hades, the God of Underworld. He abducted Proserpine to make her as his wife and to make her the Goddess of Underworld.

Yeah, I know the plot of the story but I forgot about every single detail about it.

"Why?" Tanong ko kay lolo, bakit ko naman iiwasan si Hades? He's just a fvcking myth. Hindi s'ya totoo at sa panahon ngayon wala nang naniniwala sa kan'ya, meron pero kunti nalang.

Pumakawala si lolo ng isang napakalalim na buntong hininga bago nagsalita "Because you're Proserpine."

Agad akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. What?! That's absolutely hilarious.

I'm Proserpine? Hell no!

Napangisi nalang ako dahil sa sinabi ni lolo, matanda na tal'ga s'ya dahil gumagawa na naman s'ya ng kwentong kakatakutan ko. But fvck, I'm no longer a kid.






Pumasok ako sa isang napakalawak na library sa loob ng bahay. Kulay puti ang bookshelves dito at maging ang kulay ng covers ng mga libro ay puti.

Pabilog ang library at sobrang nakakalula dahil sa matataas na bookshelves na nakapalibot sa gilid ng library. Hindi ko na nabasa ang mga libro sa itaas dahil hindi ko na ito abot at kahit gumamit man ako ng hagdan ay hindi parin dahil takot ako sa matataas.

Lagi akong nagbabasa rito kaya't marunong akong mag-englis at magmura. Hindi naman kasi lahat ng nasa libro ay mababait e. Some of the authors put cusses to make the characters more effective. At ang palamurang ugali nila ay nakuha ko rin.

Kahit na lumaki ako sa gubat ay hindi masasabing isa akong ignorante dahil marunong naman akong bumasa at sumulat. Lahat din ng bagong inililimbag na libro ay binibili sa'kin ng tito ko para may libangan naman ako rito. Pero yung mga kulay puti lang ang binibili n'ya at minsan naman ay pinapasadya n'ya pang magpagawa ng white cover.

"Asan na ba- ugh sh!t!" Singhal ko nang may isang librong bigla nalang nahulog at tumama sa ulo ko.

Napahawak ako sa ulo ko kung saan tumama ang libro at napatingin sa puting sahig kung saan bumagsak ang libro.

Pinulot ko ito at tinignan "Greek Mythology" Basa ko sa Title sa cover ng libro.

Greek mythology? May mga libro naman akong greek myth ah? Sa katunayan nga, nagabundok na libro na ng Greek and Roman Mythology na ang nabasa ko. Hindi naman lahat nun ay natatandaan ko.

Naglakad ako palapit sa isang silya at mesa rito sa loob kung saan ako kadalasang nagbabasa. Binuklat ko ang laman ng libro at binasa ang nakasulat sa unang pahina "The Compilation of Greek and Roman Myths: Tagalog Version."

Aba't may Tagalog na pala nito? Ibang klase ba't ngayon ko lang nakita ang librong to? Umupo ako sa silya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Hades and Proserpine

Yan ang pinaka-unang nakasulat sa lahat ng myth na andito. Gusto kong basahin ang myth na'to na laging kinukwento ni lolo sa'kin mula nung bata pa ako. Ngayon ko lang kasi nakita na may libro pala nito rito e.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now