CHAPTER 8

257 11 10
                                    

Lila's Pov

He was wearing black pants and white t-shirt with black hat. My parents told me that he'll stay in our house for a while until the paperworks are done but still hindi ko pa din maintindihan bakit hindi siya sa kanila umuwi

Hindi ko den alam bakit hindi ko siya namukhaan kanina like grr yung mukhang yun

"Alam mo ba na hanggang ngayon hinihintay ka padin nila?" salita ko sakanya dahil tahimik lang ito na nakaupo

Gosh kahit konti pag aalala kay Ara wala talaga

"Hindi naman nila ako kailangan besides they can live without me lalo na si Gel" said coldly, He's no longer the Clifford we used to know

"But they don't deserve to be abandoned" Ayoko na nabwibwiset na ko aalis siya ng ganun ganun lang tapos he didn't even care about his sister's feelings

"Ano ba gusto mong mangyari? bumalik ako don ganun?" Halata naman na wala siyang balak gawin yun ano bang problema ng lalaking to

"Cliff kahit si Ara nalang" sabi ko ng may pagmamakaawa tangina hindi ko talaga alam na gagawin to

"Oo si Gel kaya niyang mag move on sayo, si Ara ba kaya niya?" Pinipilit ko na wag mainis dahil baka mapunta sa wala ang gagawin ko. Lila para naman kay Ara to maghulos dili ka

"Clif for 3 years ikaw lang iniintindi nung tao halos mabaliw na yun kakaisip kung kamusta ka na ba, may maayos ka bang natutuluyan" Napabuga nalang ako sa hangin dahil alam kong hindi naman niya ko pinakikinggan

"Simula nung umalis ka ng hindi man lang nagsabi halos hindi alam ni Ara kung saan ka hahanapin. Hindi siya makakain ng ayos dahil hanggang sa pag tulog niya ikaw pa din ang iniisip niya, alam mo kung bakit? kasi tangina mo alam mong namatay na nga si Tita tas iiwan mo pa si Ara. Yun ba Cliff, yun ba yung gusto mong iparamdam kay Kiara? yung maramdaman niya na kahit yun kaisa isang taong inaasahan niya na kasama niya ay iiwan lang din siya sa ere? Anong klaseng kapatid ka? Naturingan kang matalino pero mas pinairal mo yang galit mo!

Si Gel isa pa yun ayaw kong sumbatan ka Clif kasi naging kaibigan din kita at kapatid ka ng kaibigan ko pero sana man lang binigyan mo ng closure yung tao dba? Naglaho ka ng parang bula tapos babalik ka ng parang walang nangyari? Nabubuhay ka ng maayos samantalang yung mga taong iniwan mi hanggang ngayon hindi makatulog kakaisip sayo "

"Hoy! magsalita ka naman mukha akong tangang nakikipag usap sa hangin!" Ngunit imbis na sagutin ako ay tumayo ito at aakmang lalayasan ako

"HOY! JUSTINE CLIFFORD HUWAG MO KONG TALIKURAN BWISET KA!" Sigaw ko pero tuloy tuloy lang ang lakad niya putangina ina niya malutong

Grabe una sa mukha anlaki na ng pinagbago pangalawa sobrang cold niya na ano pang patay lang ang peg bwiset

Huminto ito saglit at lumingon

"Nagpunta na ko dun nakausap ko na din si Gel" sabi nito at tuluyan na kong nilayasan

Ibig sabihin nagkita na sila, kung nagkita na sila bakit pa siya nandito hindi ba dapat dun siya makituloy since bahay naman nila yun

Tama lang naman yung ginawa ko diba dapat naman talaga malaman ni Clif yung nangyayari sa kanila besides kasalanan naman niya kung bakit sila nagkakaganun

Bakit ganun hindi ako mapakali kung aware na sila kay cliff ano ng nangyari sa kanila

Puntahan ko kaya sila? Tama puntahan ko nalang sila pero gabi na hindi naman siguro nila mapapansin na wala ako since nag papahinga yung laging nagsusumbong sakin

Maingat akong lumabas ng bahay at dali-daling nagpunta sa kotse pina andar ko yun at umalis. Nagiiyakan kaya sila? i mean knowing Kiara, i know she misses his brother while Gel baka na shook or umiyak din kasi namiss niya argg no no nakamove na yun pero pwede din since marupok naman siya

Medyo mabilis ang takbo ng kotse sa hindi inaasahan huminto bigla yung kotse na nasa harapan ko at ng apakan ko ang break ay huli na ang lahat

Wow.. tangina ubos nanaman allowance ko nito

Shet yari ako sa dad ko e

"Tangina naman"

Bigla siyang bumaba sa kotse niya at chineck ang nasira niyang kotse

Lumabas ako ng kotse ko bakas sa mukha ko ang inis paano ba naman kasi nasira yung napakaganda kong purple na kotse tapos hihinto lang siya para bumangga sa kotse ko yung kotse niya

Pag ito nagwala susupalpalan ko to

"Ano bang problema mo at bigla bigla ka nalang humihinto sa daan "

Nilingon ako nito pero imbis na galit o iratado na mukha ang makita ko ay kalmado lang ito na para bang hindi big deal ang nangyari

"Miss I'm really sorry for what happen hindi ko alam na may kotse sa likod wala ako sa sarili kanina kaya I'm really sorry, don't worry if pagpapagawa lang ang problema mo here.." aniya at kinuha ang cell phone niya para magtype

"Here's my phone and also my phone number tawagan mo ko gamit ang cellphone na to tapos pag usapan nalang natin to and right away I'll transfer the money to you

right now mukhang nagmamadali ka, we'll talk about this next time, again I'm really sorry" aniya at bumalik sa kotse niya

Wow... that was fast and also.. weird

Hindi man lang ako hinayaan magsalita and direct to the point agad siya grabe pero mukha naman siyang mabait

Napailing iling ako, Hoy Lila umayos ka nasa gitna ka ng daan baka sira pa yung harapan ng kotse mo umayos ayos ka ha

Bumalik agad ako sa kotse dahil baka makita ako dito at mahuli pa ako. Pinaandar ko nalang ang kotse ko at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. May bukas pa kaya na repair shop ng gantong oras? Tangina naman kasi e hindi naman ako pwedeng umuwi ng ganto

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Gel

Calling......

No answer

Luh bakit ayaw sumagot. Si Ara kaya? Huhu please sana sumagot

Calling.......

No answer

Ok tangina ayoko na saan ako makikitulog nito. Tanga tanga ko talaga alam mo ng baka nageemote yung mga yun tatawagan mo

Bahala na pupunta nalang ako kila Ara bahala na si batman, ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng makita ko ulit yung cellphone na binigay niya

Weird lang pwede naman niyang hiramin yung cellphone ko pero bakit parang familiar siya sakin. Huminto ako saglit ng makakita ako ng bukas na repair shop binuksan ko ang cellphone na hawak at ngayon alam ko na bakit siya familiar

Ohh now I remember

"Wow.. so it was you Sam"

Young HeartsWhere stories live. Discover now