CHAPTER 7

353 9 9
                                    

sorry if ngayon lang ulit nakapag update, I'm still busy finishing my worksheets kaya I hope you like this update mwua
_

Kiara Pov

Nasa kotse kami ngayun ni Gel sa kanya
ako nakisabay dahil wala akong masasakyan

Ihahatid na sana namin si Lila kanina bago kami umalis para maka sure kami na ayos lang siyang nakabalik pero si gaga pinag tulakan kami

"Dito na tayo"

Agad kong tinanggal ang seatbelt at saka binuksan ang pinto ng kotse at lumabas

Hindi ko muna isinara ang pinto para maka usap ko pa siya

"Dito ka nalang muna kaya samin matulog anong oras  na din eh tawagan ko nalang sila Tita para sayo" pag aaya ko sa kanya

"Hindi na ayos lang " natatawang sabi nito

"Sge na dito kana matulog wala naman pasok bukas eh" pagpupumilit ko

Bumuntong hininga ito bago sumagot
"Okay okay fine ipaparada ko lang to" sagit niya na kinatuwa ko

Binuksan ko ang gate papasok at saka sinarado ito para buksan ang is pang gate para makapasok ang kotse ni Gel

Agad naman niyang ipinarada ito at bumaba

Pagpasok namin ay agad naman kaming binati ng mga maids

Nakita naman namin agad si Mama Reen sa sala nanonood ng Tv

Tumayo ito nang makita kami
"Good evening po" bati ni Gel

"Ginabi ka na yata ng uwi iha --oh ikaw pala Gel Kamusta kana?" bati niya 

"ayos na ayos naman po"sagot niya

Agad ko naman hinalikan sa pisnge si Mama  simula bata ako ay nakasanayan ko na lagi na halikan siya sa pisnge

"Dito ka ba matutulog ngayon? Kumain na ba kayo? "Mama asked

"Opo kumain na po kami salamat" sagot ni Gel at umalis na si Mama Pagkatapos niyang utusan ang mga maids na ayusin ang kwarto

Umupo naman kami ni Gel dahil talagang napagod kami buong araw

"Dapat pala inaya ko din si Lila no?" paguumpisa ko

"Alam naman natin pareho na hindi yun sasama ngayon nasa Hospital ang kapatid niya" sagot niya

Napatango nalang ako bilang sagot

10:30pm na pala hindi namin namalayan ang oras sobra kasi kaming nag enjoy kanina

Bigla naman nagring ang cellphone ni Gel na kinaputol ng pagmumuni muni niya

Talagang halos nakahiga na kami dahil sa sobrang pagod at nakatulala nalang kung saan

Halata sa mukha ni Gel ang irita nang biglang magring ang Cellphone nito

"Ano ba yan sino ba to---OH SHIT NAKALIMUTAN KONG MAGPAALAM" agad naman niyang sinagot ang tawag

Oo nga pala ipapaalam ko pa pala siya nakalimutan ko na agad shems

Tumayo si Gel at lumabas

Hindi naman maarte si Gel sanay na din naman sya na magkakatabi kami pag matutulog madalas kasi kaming mag sleepover at kotang kota yung bahay nila Lila

Dumeretso agad ako sa CR dahil kanina pa ko nagpipigil ng ihi ko e

Hindi din ako nagtagal at naghugas nako ng kamay

Pagbalik ko ay nakabalik na din si Gel at naka upo na ito sa couch at may nilalamon nanaman

"Maliligo ka ba? may extrang pajama ako sa drawer pumili ka nalang dun" tanong ko sakanya ng maabutan ko siya don

Linunok muna nito ang kinakain niya bago sumagot sa akin
"Maya maya ubusin ko lang tong cookies" sabi niya at agad sumubo ng dalawang piraso ng cookies

Kakakain lang namin kanina pero gutom nanaman siya walang kabusugan talaga ang tiyan ng taong to

Iniwan ko na siya doon at umakyat na sa kwarto dahil alam ko naman na hindi pa yun matatapos hanggat hindi pa niya nauubos yung mga cookies.

Pag akyat ko ng hagdan ay may napansin akong gumalaw tumingin ako sa lugar kung saan ko napansin

Sigurado akong may nakita akong tao e impossible naman may multo dito hindi naman totoo yun. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni kuya

Hindi kaya may magnanakaw sa loob ng kwarto? wala pa naman tao sa kwarto nun

Kinuha ko ang walis na nasa lapag at dahan dahan akong lumalapit sa kwarto

Paano kung magnanakaw nga? Kaya ba ng walis tambo yun pampukpok lang naman just in case e

Huminga ako ng malalim at dahan dahan na binuksan. Wala naman nabago hindi rin magulo at hindi rin mukhang nanakawan pero sure ako na may nakita ako e

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto dahil baka nasa paligid lang yun nagtatago grabe nakakakaba pala yung ganto

Naramdaman ko na may humawak sa likod ko at dahil dala na rin sa gulat ay nahampas ko ang walis tambo sa kanya

"Babae balak mo ba kong patayin?" sabi nito

Mabuti nalamg at nakaiwas siya kundi baka isang malaking pasa o bukol nanaman ang nasa ulo nito

"Akala ko kasi kung sino e sorry" sabi ko at napakabit baliktad nalang. Umiling lang siya sakin at saka hinila ako palabas

"Ano nanaman ba ginagawa mo don at may pa walis tambo ka pang nalalaman" tanong niya habang hila hila padin ako palabas

"May nakita kasi ako" himinto siya at lumingon sakin

"Baka guni guni mo lang yun?" tanong niya at halatang hindi naniniwala wala

"Besides wala naman daan sa likod at talagang sa harap lang ang daan  kaya imposibleng magnanakaw yun" dugtong pa nito

Napabuntong hininga nalang ako, baka nga guni guni ko lang yun o hindi kaya ay kung ano ano na nakikita ko dahil laging kulang ako sa tulog

Nginitian ko nalang siya at pumasok nalang kami sa loob ng kwarto. Umupo ako sa kama habang si Gel naman ay tumabi sa akin

"Gaano mo na kamiss si Clifford?" na patingin ako sakanya dahil sa lahat ng pwede niyang itanong ay yung tungkol pa sakanya

"Syempre miss na miss kuya ko yun e" sabi ko ng may mapait na ngiti sa aking mga labi

Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya, gusto ko din siyang intindihin pero hindi ko magawa dahil ilang taon na din siyang hindi umuuwi. Alam kong nasaktan din siya pero bakit parang wala lang ako sakanya

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko pabalik sa kanya. Nginitian lang niya pero alam ko gaya ko nalulukot din siya hindi ko alam kung gaano sila kaclose ni kuya noon pero alam kong may nararamdaman siya sakanya

Humingi muna ito nang malalim at hinarap ako

"Listen, No matter what happens don't let your emotion controls you ok?" sabi niya at halatang may gusto pa siyang sabihin pero nagpipigil siya

"Bakit? ayos ka lang ba?" Naguumpisa na kong mangamba hindi naman siya ganto e hindi kaya pinagtritripan ako neto pag talaga eto pinag tritripan lang ako tatadyakan ko na talaga siya

Humugot ito ng lakas ng loob at may kinuha sa bulsa niya

"Pinabibigay ni Clifford"

Young HeartsWhere stories live. Discover now