Naglakad na kami ni Julia papuntang kahera at hindi kami nag-imikan. Ayaw ko ring magsalita dahil baka ano na naman ang masabi ko at mag-aaway na naman kami. Ayaw kong mag-away kami. And what's worst is, ito rin 'yung sinimulan ng away namin noon. Ayaw niyang lumapit ako kay Selton dahil playboy daw 'to. And yes, confirmed, Selton is a playboy. But even so, he's not a bad person.

Nabigla ako nang magsalita si Julia. "Sorry sa inasta ko kanina, ha? Hindi ko lang kasi mapigilan. Ayaw kong mabiktima ka niya. He obviously likes you. And I don't like the thought that he does because men like him will just break your heart."

"I know you're just being concerned for me, Julia, nd I thank you for that. Thank you for always telling me about the people around me."

"Ayoko na! Sa mismong supermarket pa tayo nagdra-drama! Doon na lang tayo sa dorm." Sabi niya sabay tawa. Natawa na lang rin ako.

Pagdating namin sa dorm, agad kong nilantakan ang sushi set.

"Juls, want some?"

"Tirhan mo na lang ako, Zee. Mamaya lang ako."

"Oh, sige... By the way, kumusta naman 'yung ten-thousand word essay mo? Nai-pass mo na ba?"

"Oo, na-pass ko na."

"How was it?" Tanong ko.

"Okay naman. Worth it ang paghihirap ko dahil nagustuhan naman ni Prof 'yung gawa ko."

"Mabuti naman! Worth it talaga ang pagpupuyat mo mabuo lang yung essay!" Masaya kong sabi. Nagpuyat kasi siya ng isang linggo para lang mabuo yung ten-thousand word essay, and she deserves the praise!

"Oo. Nagpapasalamat din ako kay Godwin dahil kung hindi niya 'ko tinulungan sa mga ideya, hindi ko mabubuo 'yon." Sabi niya sabay halakhak.

Bago pa ako makasagot muli, may kumatok sa pintuan. Agad kaming nagkatinginan ni Julia. Hindi kasi kami masyadong sanay doon.

"I'll go get it," Aniya at umalis na.

I continued to eat the sushi at tinirhan ko ng anim si Julia. The sushi set contains 12 pieces of sushi kaya hinati ko sa aming dalawa.

"Zee, nandito si Godwin." Aniya at pagbalik ay kasama niya na ito.

"Uy, hello, Godwin!" Sabi ko sabay ngiti.

"Hi, Zaya!"

Bagay talaga sila ni Julia! I think tinadhana talaga sila para sa isa't-isa.

"Uhh, sige, punta muna ako sa taas." Sabi ko kasi parang ang awkward. Parang third party ako, eh. Kaya, makaalis na lang. Maybe the both of them needs space para makasama nila ang isa't-isa.

Nang makapasok na ako sa kwarto, may kung anong kumikinang akong nakita sa ilalim ng kama ko. Pinuntahan ko kaagad iyon at tinignan.

I was shocked as hell! Shit! I forgot about this book!

Agad-agad kong hinawakan ang libro tungkol sa kakaibang kapangyarihan. I forgot about this book! Marami yata akong iniisip in the past few months kaya nakalimutan kong kinuha ko pala ito mula sa library! Naku Zaya, hanggang ngayon for sure hinahanap ka pa rin nina Madame Selina dahil ninakaw mo 'yung librong mahalagang-mahalaga sa kanya! Crap!

May mga alikabok ito kaya pinaspas ko ang mga alikabok gamit ang kamay ko. I remember putting this inside my closet, pero kinuha ko rin ulit. At imbis na maibalik doon, sa ilalim ng kama ko na lang inilagay.

The book glowed dahil sa hinimas ko iyon gamit ang aking palad. Why is this book so damn strange? Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong libro in my whole life! The fuck, why did it glow?! What kind of book is this?

Naalarma ako nang pumihit bigla ng pinto kaya agad-agad kong pinadulas sa ilalim ng kama ko ang libro. Shit, ang tindi ng tibok ng puso ko!

"Zee, bakit nandiyan ka sa sahig?" Tanong ni Julia sa akin nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto.

"A-Ah, nadulas kasi ako," Shit, walang kwentang palusot 'yun pero sana maniwala siya!

"Hmm... Is that so? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"W-Wala naman. I-I'm perfectly fine." Pagsisinungaling ko sabay tayo.

"Sure ka? Baka mamaya nabalian ka na ng buto." Nag-aalala niyang sabi.

"No, really, I'm okay." I assured her.

Sorry, Julia...

"Okay, sige. I'll be just downstairs with Godwin, if you need me." Sabi niya na ikinatango ko lamang.

Nang makaalis na siya, I felt relieved. Muntikan na 'yon! Muntikan na akong mahuli! I need to be more careful! Ugh!

Pumunta agad ako sa banyo para magkulong doon kahit sandali lang dahil nanginginig pa ang buo kong katawan dahil sa nangyari kanina. Tumingin ako sa bathroom mirror sabay kuha ng tubig mula sa sink upang ihilamos sa mukha ko.

Shit, I'm trembling. Alam ko, walang sikretong hindi nabubunyag. Alam ko na mabubunyag at mabubunyag talaga 'tong sekreto 'to. Noon ko pa sana gustong palihim na ibalik ang libro tungkol sa matinding kapangyarihan pero hindi ko na magawa dahil nakita ko ang mukha ko roon. Bakit ako nandoon? I need to find out why.

Nang mahimasmasan na ako, lumabas na ako sa banyo at dumiretso sa kwarto.

At pagpasok na pagpasok ko, nakita ko s i Julia,hawak-hawak ang libro tungkol sa matinding kapangyarihan. She faced me and her eyes pierced through me like daggers.

Kanina, ang tindi ng panginginig ng katawan ko dahil sa kaba. Ngayon, mas lumala lang. Inisip ko na mabubunyag talaga ang sikreto ko anytime soon. And it turns out that it's now...

I'm caught. My best friend caught me and I don't know how to explain all of this to her...

-

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon