Chapter 33 ♬ Glissando Sisters

Magsimula sa umpisa
                                    

"Rico! Talaga bang may ganito sa room n'yo?" pasigaw kong tanong nang makita si Rico na nagda-drums sa isang mesa. Maingay kasi sa paligid at hindi kami magkarinigan.

"Ah?! Ano? Hindi kita marinig!" Inilapit niya ang tenga sa akin.

"Ang sabi ko talaga bang may ganito sa room n'yo?!"

"Aah oo! Music day kasi ngayon kaya masaya ang lahat!" sagot niya at saka ipinagpatuloy ang pagtatambol kasama si Shane.

Music Day? Ano 'yun? May ganu'n pala dito hindi ko man lang alam.

Nagtugtugan pa sila ng konti hanggang sa unti-unti ring tumila ang musika sa paligid. Tumunog na kasi ang bell na naghuhudyat para sa simula ng klase. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot. Ang ganda-ganda. Para akong bumalik sa lugar kung saan kami masayang nagkakantahan ng mga kaibigan ko noon sa Canada. Ganitong ganito kasi 'yun, nakakamiss.

Pumasok ang isang matandang lalaki sa loob ng room na may dalang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya 'yung adviser na si Mr. Romero kaya hindi siya pamilyar sa akin.

"Good Morning class! So are you ready?" Masigla nitong bati.

"Aye Aye!!" sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko sa paligid.

Sino kaya sya? Anong meron dito? Ang hirap talaga kapag bago ka sa isang classroom.

"Ano pang hinihintay n'yo? Let's go!" tawag niya sa amin sabay labas ng pinto. Naghiyawan at nagsigawan ang mga kaklase ko at masaya siyang sinundan.

Hala? Saan kami pupunta? Nagpalinga-linga ako sa paligid, naguguluhan kung ano ang nangyayari.

"Babes! Ano pang hinihintay mo? Tara na!" masayang tawag sa akin ni Rico kasama sila Nathan, Shane at syempre si Jace. Nagkukwentuhan silang tatlo.

Dali-dali akong humabol at tumabi sa kanila. Naglalakad na kami ngayon sa hallway kasama ang iba ko pang mga kaklase pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.

"Guys? Anong meron?" kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Music Day, ang pinakahihintay ng lahat twice a week." sagot sa akin ni Shane.

"Anong espesyal sa araw na 'yun? At saka saan ba tayo pupunta?"

May Music Day pala sila? Ngayon ko lang narinig na may special event ang mga Section A.

"Sa music week nagpeperform at nagsasama ang mga estudyante ng Section A para pumunta sa isang music room kung saan kumpleto ang lahat ng instrumento. Walang ibang gagawin sa buong kalahating araw kundi magkantahan lang na gusto ng lahat. Twice a week may mapipiling magpeperform na estudyante sa harap para ipakita ang mga talent nila, at ang pinakamagustuhan ni Mr. Fiatzo," mahaba niyang paliwanag sabay turo sa teacher na ngayon ko lang nakita. "ay may matatanggap na premyo mula sa kanya."

Kaya pala excited ang mga estudyante. Hula ko hindi rin pipitsugin ang premyo ni Mr. Fiatzo dahil excited na excited ang lahat lalo na kung subject na niya ang naka-schedule. Halos lahat din kasi ng nandito sa section na 'to ay anak mayaman. Hindi ko tuloy mapigilang mabalot ng kyuryosidad. Mabilis akong sumunod sa kanila at sabik na rin sa maaaring mangyari.

"Sino na nga ba ang magpeperform ngayon?" tanong ni Rico sa mga kabanda.

"Ang alam ko si Kari o kaya si Naomi." Sagot naman ni Nathan sa kanya.

"Naka-schedule ba ang magpeperform?" tanong ko ulit.

"Oo naman. Katatapos ko nga lang last week eh. Sayang babes hindi mo narinig ang maganda at kaakit-akit kong boses." Kindat pa sa akin ni Nathan. Iling na lamang akong natawa.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon