XV: Daughter's Love

563 18 4
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

Gusto ko man silang sisihin sa tagal nilang kumilos ay hindi ko magawa. Alam kong ako ang may kasalanan. Kung nakaabot sana ako agad sa kanya ay malamang ako ang nasa posisyon, may hininga pa siya at nakakalaban. Niyakap ko ng mahigpit ang katawan ni Mikael. Nanlalaki ang mata ko ng maramdaman ko ang mahinang haplos ng hininga niya sa leeg ko.

Pumito ako upang bigyan sila ng senyales. Inihiga ko muna pansamantala ang katawan niya sa lupa habang tinatalian ang sugat niya upang mapigilan lalo ang pagdaloy ng dugo. Tumayo na ako at hinarap si Rivera. Nakailang baling na ako pero hindi ko pa rin siya nahahanap. Ng makarating na ang mga kasamahan ko ay saka ko hinanap pa lalo si Rivera.

Nakita ko siya sa masukal na bahagi ng gubat at mukhang tatakas pa. Walang patumpik-tumpik na inambahan ko siya ng suntok. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas at galit ko sa atakeng iyon. Natumba si Rivera dahil sa lakas ng impact na nagawa ng kamao ko sa panga niya.

Aambahan ko na sana ulit siya ng atake pero mukhang nakabawi agad siya dahil nasalo na niya ang sumunod kong atake. Hindi ko iyon pinansin sa halip ay mas dinagdagan pa ang lakas ng bawat atake ko. Marami ng buhay ang nawala, marami ng tao ang nadamay, marami ng nasaktan, kailangan ng matapos ang lahat.

Puro atake lang ang ginagawa ko at paminsan-minsan lang nakakabalik ng atake si Rivera. Kahit matanda na siya ay malakas pa rin siya. Habang tumatagal ay ramdam ko ang pagod na kumakapit sa akin. Napatitig ako sa mukha niya at kita ko ang isang malaking ngisi na parang may binabalak siya. Itinigil ko ang pag-atake at tumingin sa kanya.

May naramdaman akong gumalaw sa kaliwa ko kaya napailag ako bigla. Napamura ako. Bakit ngayon ko lang napansin na mag-isa siya kanina pa? Imposibleng siya lang ang mag-isa dito gayong isa siyang head ng mafia. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at wala akong ibang nagawa kundi magtago sa likod ng isang puno.

Si Rivera naman ay nagmamadaling tumakbo palayo. Sinubukan ko siyang habulin pero patuloy lang sa pagpapaputok yung kasama niya. Napatingin ako sa taas ng puno. Agad ko iyong inakyat at tumawid sa mga sanga. Mukhang hindi na niya ako nakikita dahil nahinto na rin ang pagputok ng baril. Naabutan ko si Rivera pero hindi muna ako bumaba.

Mukhang naramdaman na niya ang presensya ko dahil napahinto siya at nagpalinga-linga. May napansin akong paggalaw sa di-kalayuan. Tinitigan ko pa iyon ng maigi at nakilala ko kaagad kung sino iyon. Napansin kong nakatingin siya sa akin kaya sumenyas ako na bababa na ako. Tumango naman siya kaya naman tinignan ko ulit si Rivera.

Patuloy siya sa paglingon na parang naghahanap pa rin. Naghintay ako ng tyempo at ng mapansing malapit na siya sa pwesto ko ay tumalon agad ako papalapit sa kanya habang nakaamba ang kamao ko. Tumama ang kamao ko sa pisnge niya at napahiga siya. Dinaganan ko siya saka tuloy-tuloy na sinuntok. Ng mapansin kong hindi na siya gumagalaw ay huminto na rin ako.

Na siya namang malaking pagkakamali ko. Dahil biglang nabaliktad ang pwesto namin at siya naman ang sumuntok ng sumuntok sa akin. Ihinarang ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Nagulat ako ng bigla niya akong sikmuraan. Naibaba ko ang kamay ko at wala akong nagawa ng sunod-sunod na niya akong sinuntok sa mukha.

Ginagalaw ko ang mga binti ko pero wala pa rin. Ramdam ko na ang pag-agos ng dugo sa ilong ko at pagkamanhid ng buong mukha ko. Gusto kong maiyak pero maski mga mata ko ay ayaw ng makisama. Nanghihina na rin ang buong katawan ko. Napatingala ako, itinaas ko ang kamay ko. Pilit ko siyang inaabot pero naiwawaksi niya lang ang kamay ko.

Mga ilang minuto ay napahinto siya. Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko si Bryan na nakatutok ang baril kay Rivera. Aatakihin sana ni Rivera si Bryan pero ginamit ko ang buong lakas ko at binaliktad ang pwesto namin. Nakadagan na ako sa kanya at hawak-hawak ang kamay niya.

Lumapit sa akin si Bryan at siya na ang gumawa nun. May inilabas siyang tali at itinali si Rivera sa kamay at paa. Medyo nahirapan pa siya dahil pilit na kumakawala si Rivera. Ng matapos siya ay hinayaan na niyang nakaupo sa sahig si Rivera pero nakatutok pa rin ang baril niya rito.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Napatingin ako sa yumakap sa akin at nakita si Kristoff. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin na para bang mawawala ako sa kanya. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako at pinanood ang susunod na mangyayari.

Nagulat ako ng lumabas si Charm at nakatutok ang baril niya kay Rivera. Bakit niya tinututukan ng baril ang tatay niya? Ganun na ba kalaki ang galit niya?

"Oh! Hahahaha! Nandito na pala ang magaling kong anak. Kumusta na?" Mapang-asar na sabi ni Rivera. Asar namang tumingin lang si Charm pero wala siyang ginawa na kahit ako kay Rivera.

"Why did you killed mom?" Puno ng galit na tanong ni Charm kay Rivera. Napangisi na lang si Rivera at mapang-asar na tumawa.

"That bitch?" Natatawang tanong ni Rivera. Kita kong mas lalong nagalit si Charm. Nanginginig na rin ang kamay niya na nakahawak sa baril na parang nagpipigil ng sobrang galit.

"I killed her because she's a whore! She's a bitch who spreads her legs to any man who wants her." Puno ng galit na sabi ni Rivera. Kita ko ang pagdaan ng lungkot at sakit sa mata ni Charm pero nawala din iyon agad. Sinubukan ko namang tumayo pero hindi na kaya ng katawan ko. Naramdaman kong tinulungan ako ni Kristoff na tumayo.

Saktong pagkatayo ko ay isang putok ng baril ang umalingawngaw. Napatingin ako kina Charm at kahit masakit ang katawan ay lumapit ako sa kanya at niyakap. Ramdam kong nakaalalay lang sa akin si Kristoff at nagbabantay sa malapit si Bryan.

Napatingin ako kay Rivera na ngayon ay may dugong tumutulo sa ulo dahil sa tama ng bala. Patay na si Rivera. Napatay ni Charm ang tatay niya. Mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. Tapos na ang lahat, pero alam kong nasasaktan ngayon si Charm.

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now