X: Last for a Lifetime

510 19 3
                                    

CATTLEYA'S POV

Nagtaka ako ng bigla akong abutan ni Mikaell ng maskara. Nagtatakang tinignan ko siya pero kinuha ko pa rin iyon. Hindi ko muna isinuot pero bigla niyang inagaw sa akin yung maskara at siya na mismo ang nagsuot.

"For your safety. Ayaw kong makilala ka kaagad ng ibang mabababang rank na grupo." Bulong nito sabay ayos ng maskara sa mukha ko. Tumango na lang ako. Wala na akong pakialam sa mga sasabihin o iuutos niya sa akin, ang mahalaga sa akin ngayon ay makita si Rivera at malibot ang buong mansyon na to.

"Pwede ba tayong maglibot dito?" Pag-agaw ko ng atensyon niya dahil busy siya sa pagkalikot ng phone niya. Saglit siyang napatingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa phone niya. Pinigilan ko ang sariling mapasimangot.

Hindi nagtagal ay may nagsidatingang mga tao at pawang may kasama ring nakamaskara. Mukhang sikreto ang mga partner ng leaders dahil nakamaskara talaga lahat. Hindi lang mga babae ang nakamaskara, may mga lalaki din dahil babae ang leader ng grupong iyon. Napansin kong nakatitig silang lahat sa akin at parang inaanalisa nila kung sino ako.

Naramdaman kong tumayo si Mikaell sa tabi ko at hinila ako patayo. Inilagay niya ang kamay sa likod ko at iginaya ako pataas ng mansyon. Narinig kong sumunod ang mga bagong dating sa amin. Lumiko siya sa kaliwang pasilyo at binuksan ang unang pinto roon. Pagkabukas niya ng pinto, unang nahagip ng mata ko ang mahabang mesa na nasa gitna ng kwarto na napapalibutan ng mga upuan.

Tuluyan na kaming pumasok at doon ko lang napansin ang isang lalaki na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Sa likuran niya ay may armadong lalaking nakatayo at nagmamatyag sa bawat kilos namin. Naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo ko ng makilala ko siya. Rivera, nagkita ulit tayo.

Iginaya ako ni Mikaell paupo sa kabilang dulo ng mesa katapat ni Rivera. Una niya akong pinaupo bago siya umupo sa tabi ko. Napansin ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Rivera. Mukhang may napansin siyang kakaiba.

"For the first time, may partner kang dinala dito, Nikiforov." Sabi ni Rivera gamit ang malamig na boses. Napansin ko ang biglang paghinto ng ibang leaders sa pag-upo at sabay-sabay na tumingin sa amin. Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko iyon ipinahalata, sa halip ay ngumisi rin ako.

"Nothing to be shocked about, Rivera. Alam mo kung anong klaseng mga lalaki ang Nikiforov. We choose one that will last." Parang wala lang na sabi ni Mikaell sabay tingin sa akin. Napansin kong nakangisi siya kaya lumaki lalo ang ngisi ko. Hmm, mukhang masayang makipaglaro sa taong to.

Ikinumpas ni Mikaell ang kamay niya kaya naman nagsiayos ng upo ang lahat. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na silang mag-usap-usap. Mostly ng pinag-usapan nila ay tungkol sa mga investments ng bawat grupo sa university at mga problema sa pagitan ng mga grupo na kailangan nilang ayusin.

Tahimik lang akong nakikinig ng may maramdaman akong papalapit na bagay sa akin. Sinalo ko iyon gamit ang kanang kamay ko ng hindi tumitingin. Naisip ko na kapag hindi ko iyon sinalo ay si Mikaell naman ang tatamaan kaya sinalo ko na lang. Lumingon ako sa pinanggalin ng nasalo kong punyal at walang sabi-sabing ibinato ko iyon pabalik. Nagulat ata sila dahil biglang tumili yung babae dahil nadaplisan siya sa leeg.

Biglang tumahimik sa buong kwarto dahil sa nangyari. Sinong baliw ang aatake ng bigla sa loob ng isang meeting? Napansin kong tumayo si Mikaell saka inilahad ang kamay niya sa harap ko. Walang alinlangang kinuha ko iyon at iginaya niya ako papalapit sa pintuan. Kita ko ang amusement sa mukha ni Rivera dahil sa nakita.

"Do that again, and I swear, you won't like the things I will do." May diin na sabi ni Mikaell bago niya tinanguan si Rivera na parang nagsasabing aalis na kami. Tumango lang pabalik si Rivera bilang sagot. Hinila na ako palabas ni Mikaell hanggang makarating kami sa labas ng mansyon.

Paglabas namin, may nag-aantay ng sasakyan sa harap at biglang bumukas ng pinto nito sa likod ng makita kami ng driver. Pinauna akong pumasok ni Mikaell bago siya sumunod. Pagkaupo namin ay napabuntong-hininga ako. Inalis ko na rin ang maskara ko at pinunasan ang mukha kong may pawis dahil sa maskara.

Napansin kong nakatingin sa akin si Mikaell kaya napahinto ako sa pagpupunas ng mukha ko at tinitigan siya. Hinihintay ko kung may sasabihin siya pero mukhang wala naman kaya ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ko ng mukha. Nang matapos ay isinandal ko ang likuran ko sa may sandalan at tumingin sa labas ng bintana.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon nina Mikaell. Somehow, ang weird para sa akin na sabihing nakatira rin ako sa mansyon na yan kaya mansyon nina Mikaell ang gagamitin ko. Pinagbuksan ako ng driver kaya naman nagpasalamat ako ng makalabas ako.

Nakita kong naghihintay si Mikaell sa may pintuan ng mansyon. Pagkarating ko sa tabi niya ay binuksan niya ang pintuan at pinauna na akong makapasok. Sumunod siya sa akin at isinara ang pintuan ng makapasok siya. Nakita kong sabay-sabay na napalingon ang mga taong nasa sala at para silang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa hitsura nila.

Tsaka ko lang naalala na kailangan palang may isang magbantay mula sa kanila sa akin. Akala ko papagalitan ni Mikaell ang mga members pero hinila niya lang ako hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kwarto ko.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid sa kwarto ko, Mikaell." Sabi ko sa kanya. Napansin ko ang pagtigil niya sa pagkilos na parang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko na lang iyon pinansin sa halip ay nagpasalamat sa kanya at ibinukas na ang pintuan ng kwarto. Bago ko pa man maisara ang pinto ay ihinarang ni Mikaell ang kamay niya kaya naman hindi ko tuluyang naisara ang pintuan.

Tinitigan ko lang siya na parang hinihintay ko kung may sasabihin siya ngunit lumipas na ang limang minuto ay puro titigan lang ang ginagawa naming dalawa. Isasara ko na sana ulit ang pintuan ng this time ay pinigilan niya ako at bigla siyang pumasok ng kwarto. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman napaatras ako. Isinara niya ang pinto saka humarap sa akin.

"Yung sinabi ko kanina sa meeting, totoo yun. Nikiforov men always choose someone that will last, for a lifetime." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nakakunot ang noo ko habang pilit na inaanalisa ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now