VI: Status

497 20 0
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

"You all passed the examination. Now what's left is your status inside the university. Before I forgot, I am Victor Petronav, the university headmaster. So, shall we start?" Sabi nito gamit ang malalim na boses. Tindig pa lang niya ay alam mo nang kaya niya kaming patumbahin ng walang tulong at hindi pinagpapawisan. Kahit na may lumilitaw ng puting buhok sa ulo niya, makikita pa rin ang kakisigan nito at awra na nagsasabing hindi siya basta-basta.

Tumango kami bilang sagot sa tanong niya. Kung ano man ang mangyari ngayon, kailangan naming maging handa. Naramdaman kong gumalaw ng kaunti si Cian na parang inihahanda ang sarili niya sa mga susunod na mangyayari. Nakaramdam ako ng paggalaw sa harapan namin at napansin kong naglakad papunta sa amin yung binatang kasama ni Victor. Walang emosyong nakatingin lang siya sa amin na parang hindi kami karapat-dapat na makapasa sa exam.

"Children, relax. Wala ng mangyayaring laban. May kailangan lang siyang tignan sa mga dala niyo ngayon." Nakangiting sabi ni Victor at alam kong may iba sa ngiti niya kaya naman hindi ko tinanggl ang pagiging alerto ko ngunit hinayaan kong magrelax ang katawan ko. Ganun din ang ginawa ni Cian. May kakaiba sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi ko lang malaman kung dahil ba ito sa hindi siya sanay magsalita ng Filipino dahil sa lahi niya o may iba pang dahilan. Kung ano man iyon, ihahanda ko na lang ang sarili ko. Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong napaupo na ang iba sa sahig. Lima lang kaming nakatayo ngayon at hinihintay ang mga susunod na mangyayari.

Naglakad papuntang isang sulok si Victor at umupo sa isang upuan. Ngayon ko lang napansin ang upuang iyon. Mukhang dahil sa tensyon ay hindi ko na napapansin ang mga bagay na nasa paligid ko. Nakangiti lang siya habang pinapanood kami. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Huminto sa harapan namin ang binatang kasama niya at parang tinatamad na tinitigan kami isa-isa.

"Ilabas niyo ang mga cards na meron kayo pati na rin ang mga sandatang nakuha niyo habang nasa loob kayo ng gubat. Si Mikael na ang bahalang magsabi kung anong status niyo sa loob ng university." Sabi ni Victor matapos bumuntong-hininga. Isa-isa naming inilabas ang mga cards na meron kami. Ilalabas ko na sana ang baril na nakuha ko ng makaramdam ako ng paggalaw sa itaas namin. Naramdaman ata iyon ni Cian dahil nakita kong humigpit ang hawak niya sa punyal niya.

Hiniwakan ko ang hilt ng espada ko at umakto na parang ipinapakita ito sa pamamagitan ng paghawak din sa lagayan nito. Nakaramdam ako ng mabilis na paggalaw sa itaas namin kaya naman tinanggal ko kaagad ito sa lagayan at buong lakas na iwinasiwas iyon pataas. Nakarinig ako ng pagdaing at naramdaman ko ring may tumulong dugo sa mukha ko. Nakarinig ako ng daing sa paligid ko kaya naman inilibot ko ang paningin ko.

Patay at duguan lahat ng nakaupo kanina samantalang lima na lang kaming buhay at humihinga. Napansin kong hindi maipinta ang mukha ni Cian samantalang yung dalawang kasama pa naming nakapasa ay parang wala lang na pinunasan ang dugo sa mukha nila. Nakarinig ako ng tawa mula sa gilid namin at nakita ko si Victor na malaki ang ngiti. Si Mikael naman, yung binatang kasama ni Victor, ay parang natuwa sa nakita niya dahil may nakapaskil ng ngisi sa mukha niya.

"Another congratulation students! May status na kayo sa loob ng university." May ngiting sabi niya. Magrerelax na sana ang katawan ko ng bigla niyang itinaas ang kanyang kamay. May nagsilabasan na mga tao mula sa dilim at may kakaibang ngiti sa kanilang mga labi.

"But, isang normal na estudyante lamang kayo. Para naman magkaroon kayo ng mas mataas na status, kailangan niyong ipakita ang mga cards na hawak niyo pati na rin ang mga sandata ninyo. Huwag kayong mag-alala, wala ng mangyayaring patayan." Seryosong sabi ni Victor. Now that kind of reaction made me relax. Huminga ako ng malalim at ibinalik sa lagayan ang espadang hawak ko. Napansin kong may mga upuan na palang nakalagay sa harapan namin at doon nakaupo si Mikael kasama ang apat na taong lumabas galing sa dilim.

Tumayo si Victor at naglakad papunta sa gitna namin. Pansin kong nanonood lang samin sina Mikael. Nakita kong inaayos ng iba ang mga cards nila at pati na rin ang sandata nila. Bumalik ang tingin ko sa limang taong nakaupo sa harapan namin.

"Gusto kong ipakilala sa inyo ang mga leader ng mga malalakas na grupo sa loob ng university. Marami pang grupo sa university, pero sila lang ang binigyan ng previlege dahil sa ranking nila sa buong university" Seryosong sabi ni Victor habang nakatingin sa amin.

"The Joker, Cristina Dion." Sabi ni Victor sabay turo sa babaeng nakaupo sa pinakadulo sa kaliwa. Ngumiti sa amin si Cristina at napansin kong napalunok ang dalawang kasamahan naming lalaki except kay Cian. Yung kasama naman naming babae ay hindi maipinta ang mukha dahil sa nakikita niya. Hindi maipagkakaila ang angking ganda ni Cristina. Litaw ang pagiging banyaga nito dahil sa kulay asul nitong mata, matangos na ilong at manipis na labi. Mas lalong pumuti ang kulay nito dahil sa suot nitong itim na dress at kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito.

"The Ace, Hugo Walter." Saad ni Victor sabay turo sa lalaking nakaupo sa pinakadulo sa bandang kanan. Tinaas lang ng lalaki ang kanyang kamay at ibinaba rin iyon agad na parang napilitan siyang gawin iyon. Nakasuot si Hugo ng kulay puting t-shirt at itim na jeans. Nakapatong sa upuan ang suot niya kaninang coat. Matipuno ang pangangatawan nito pero hindi iyon ganun kalaki katulad ng mga taong babad sa gym.

"The Jack, Isaac Ferrer." Pag-agaw ni Victor sa atensyon namin sabay turo sa lalaking nakaupo sa kaliwa ni Mikael. Nasuot ito ng plain black shirt at jeans. Magulo ang ayos ng kulay blonde nitong buhok at kahit madilim, kitang-kita ko ang pagtitig nito sa amin gamit ang kulay emerald nitong mga mata. Tumango lamang ito sa sinabi ni Victor.

"The Queen, Meisa Kaoro." Sabi ni Victor sabay turo sa babaeng nakaupo sa kanan ni Mikael. Kumaway ito sa amin at parang tuwang-tuwa pa ito na makita kami. May suot itong pulang dress na gothic style. Ang cute niyang tignan ngunit alam kong hindi kami dapat papalinlang sa hitsura niya. Hindi siya magiging queen kung basta-basta lang siya.

"And lastly, the King, Mikael Nikiforov." Saad ni Victor sabay turo kay Mikael na nakaupo sa gitna at walang ganang nakatingin sa amin. Ramdam ko ang kakaiba nitong pagkilatis gamit ang kulay abo nitong mga mata. Ng walang makuhang reaksyon si Victor mula kay Mikael ay ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay. May lumabas na dalawang lalaki na may dalang mahabang mesa. Ipinuwesto nila iyon malapit kina Mikael.

"Ilapag niyo na ang mga nakuha niyong mga cards at sandata." Sabi ni Victor at umupo na sa inupuan niya kanina. Tahimik kaming sumunod sa sinabi ni Victor at isa-isang ibinaba ang mga cards na hawak namin sa mesa ganun din ang aming sandata. Napansin kong napaangat ng kaunti mula sa kanyang upuan si Cristina, the joker, ng makita niyang ibinaba ko ang isa sa mga card at mismong ibinigay sa akin, ang may design na damo. Nakita ko ang excitement sa mata niya ng makita iyon. Nakita kong nakatayo na lang ang mga kasama ko. Napatingin ako sa harapan ko at napansin kong espada lang pala ang nailabas ko, nakalimutan kong ilabas ang baril na nakuha ko.

Dinukot ko ang baril mula sa loob ng coat na suot ko at inilapag sa mesa. Nakarinig ako ng singhap sa kanan ko at kita ko ang paglaki ng mata ni Meisa, the queen, habang nakatingin sa baril na inilapag ko sa mesa. Nagtataka ako sa ikinilos niya.

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now