II: Zyra

711 20 2
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

"Ladies, let's have a sit first, if you don't mind." Sabi ni Kristoff. Sinunod namin ang sinabi niya at umupo kami sa mga couches na nandito sa sala. Kaharap ko si Minzy, I mean si Zyra, na nakaupo sa pang-isahang couch habang magkatabi naman sa gilid namin sina Bryan at Kristoff.

"Dahil mukhang nalilito ka, I'll tell you everything." Sabi ni Minzy, I mean si Zyra. Nakakalito na talaga, kambal ba siya si Minzy?

"Carmin, the one you knew as Minzy, is my twin. Ginamit lang niya ang pangalang Minzy bilang fake name para hindi siya makilala agad ng iba." Sabi niya habang nakatingin sa akin. So kambal nga sila. Pero bakit nila kailangang gawin yun?

"Bakit niyo ginawa yun?" Takang tanong ko kay Zyra. Tahimik lang na nakamasid sa amin sina Bryan at Kristoff.

"Dahil iyon ang trabaho namin. Isa kami sa mga guardians mo, Althea." Parang wala lang na sagot niya sa tanong ko. Guardians? Akala ko ba apat lang ang guardians ko. Bakit naging kasama sila dun? Magtatanong pa sana ulit ako ng magsalita ulit si Zyra.

"Hindi mo man maalala, pero isa kami ni Carmin sa mga bata na pumasok sa kwarto kung kailan ka pumili ng guardians mo. Aalis na dapat kami ng mga araw na yun dahil hindi mo kami napili. Pero hindi pa man kami nakakalayo sa kwartong iyon ay lumapit na sa amin si Ms. Remilia at sinabing kaming dalawa ni Carmin ay kabilang sa mga guardians mo." Paliwanag naman niya. Magtatanong sana ako ng maunahan ako ni Bryan.

"Eomma picked the two of you? Why?" Pagtatanong ni Bryan. Mukhang hindi din niya natiis ang hindi pagsalita.

"Sa pagkakaalala ko, darating daw ang araw na kakailangan mo ng ibang guardians na hindi kilala ng iba, mga guardians na tanging si Althea lang ang nakakaalam na naroon sila." Sabi naman ni Zyra. Napatango na lang ako. Paano naiisip ni eomma ang mga bagay na yun? Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin ako dahil ginawa niya ang bagay na yun. Dahil kung hindi niya iyon ginawa, panigurado hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Paano mo siya nakilala Kristoff?" Pagtatanong ko ng maalalang si Kristoff nga pala ang tumawag kay Zyra.

"Sa akin sila pinagkatiwala ng ina mo, Althea. Ako ang naatasang magbantay sa kanila habang hindi ka pa nasa sapat na edad o hindi mo pa sila kailangan." Sagot naman ni Kristoff. Tumango na lang ako. Nukhang kailangan kong alamin at pag-aralan pa ang ilang mga bagay tungkol sa mafia namin.

"So let's start?" Masiglang tanong ni Zyra. Tumango na lang ako bilang sagot. Nilapitan niya ako at tinitigan. Hinawakan niya rin ang baba ko saka nilingon-lingon ang mukha sa iba't ibang direksyon.

"Hindi mo na kailangan ng prostethics, girl. Kaunting bago lang ng make-up style, ibang-iba na ang hitsura mo. Kaya naman, tuturuan kita kung paano gawin yun." Nakangiti niyang sabi sa akin. Napataas na lang pareho ang kilay ko sa sinabi niya. Make-up lang? Baka naman sobrang kapal ng make-up ko.

Hinila niya ako papuntang kwarto ko. Paano niya nalaman na dito ang kawrto ko? Hindi ko na siya natanong pa dahil bigla niya akong pinaupo sa harap ng vanity mirror at naglatag ng kung anu-anong make-up sa mesa. Pinapanood ko lang siyang ilabas lahat ng karga ng bag na hawak niya. Akala ko matatagalan pa siya pero laking pasasalamat ko ng makita kong wala na siyang nilalabas na kung anu-ano mula sa bag niya.

Tinuruan niya lang ako kung paano iapply ang make-up at kung style ang dapat kong gawin sa mukha ko. Inabot kami ng ilang oras at masasabi kong nakakapagod dahil kapag may mali ay pinapabura niya ulit lahat at ulitin ko daw mula sa umpisa. Matapos ang nakakapagod na pag-appy ng make-up, namangha na lang ko dahil sa resulta. Hindi halata na ako talaga ang nakikita ko sa salamin dahil nagbago ang korte ng mukha, ilong at mata ko.

Kumuha siya ng gunting at nagulat ako ng simulan niyang gupitan ang buhok ko. Nilagyan niya ng bangs ang buhok at ginawang alon-alon ito. Kinulayan na rin niya ito ng chocolate brown. Matapos ang mahaba-habang pag-aayos sa sarili ay hinila niya ulit ako palabas ng kwarto. Malayo pa lang ay amoy na agad ang pagkaing niluluto sa kusina.

Pagdating namin sa kusina, sabay na lumingon sina Bryan at Kendrick. Si Bryan ay napakunot ang noo samantalang nabitawan naman ni Kristoff ang hawak niyang babasaging plato. Dahil sa nangyari ay nagkalat ang mga basag na parte ng plato sa sahig. Parang nabalik sila sa realidad ng marinig nila ang tunog ng nabasag na plato.

"Wow, hindi kita nakilala ate." Sabi ni Bryan bago ngumiti.

"Mas lalo kang gumanda." Parang wala sa sariling sabi ni Kristoff. Narinig kong tumawa si Zyra sa tabi kaya naman biglang namula si Kristoff ng marealize niya kung anuman ang sinabi niya.

"So, ito ang mukha na gagamitin ni Althea pag pumasok siya sa RSU. By the way, ihahatid kita sa RSU next week dahil sakto entrance exam na during that time. And let me tell you this, ibang klase ang entrance exam ng school dahil sa isa itong secret school. Hintayin na lang kitang makapasok sa loob. Once makapasok ka, ako ng bahala sa'yo sa loob dahil estudyante na ako ng RSU." Mahaba niyang paliwanag sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot.

"Wala ba kayong rings or bracelets, or different classes?" Tanong ko sa kanya. Matagal niya akong tinitigan na parang nag-iisip kung sasagutin niya ako or hindi. Bumuntong-hininga muna siya bago ako sinagot.

"Wala kaming rings or bracelets, ang binibigay nila ay earring. As for the classes, sasabihin ko na lang sa'yo once na makapasok ka na ng RSU." Paliwanag niya kaya naman napatingin ako sa tenga niya. Sa kaliwang tenga niya lang may hikaw at ito ay isang bulaklak pero hindi ko alam kung ano yun.

"Wag kang mag-alala na baka nasundan ako dahil sa hikaw ko. Walang tracking device ang mga hikaw na binibigay nila, for status lang ang mga hikaw na ito." Sabi naman niya habang hinahawakan ang hikaw niya.

"Okay." Maikling sagot ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpaalam na aalis na siya. Iniwan niya ang calling card niya in case na may kailangan pa raw ako sa kanya, tawagan or text ko lang daw siya. Nagpasalamat ako sa kanya at hinatid siya hanggang pinto. Ng makaalis siya ay napahinga na lang ako ng malalim.

"Everything will start now." Bulong ko sa hangin.

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon