V: Death Bell

491 14 0
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

"We need to move fast." Saad niya habang nakatingin sa malayo at parang may hinahanap. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba ay kailangan lang naming magtagal dito sa loob for three days. Bakit namin kailangang magmadali?

And just like how fast wind blew on my side, ganun din kabilis pumasok sa isip ko ang ibig sabihin ng mga cards na hawak namin. Dali-dali kong inilabas ang cards na meron ako ngayon, tatlong cards, at tinignan ang mga nakalagay doon. Pare-parehas ang nasa likod ng cards, ang logo ng RSU kaso may pinagbago ng kaunti. Nawala ang apat na espada at ang naiwan na lang ay ang pulang rosas. Kakaiba ang pagkakaguhit dun sa rosas, dahil may dugong parang papatak mula rito.

Ibinaliktad ko ang mga cards at doon ko napansin na magkakaiba ang design. Ang naibigay sa akin ay walang gaanong design, parang damo lang ito. Pero hindi purong kulay berde ang damo sa halip ay may itim itong kulay mula sa dulo ng dahon hanggang sa gitna na parang kinakain ang kulay na berde. Ag dalawa pang cards ay puro na bulaklak ang design. Dun sa nakuha ko sa babae ay isang tulip ang design samantalang ang isa naman ay isang lotus.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Zyra, ang bulaklak na design ng kanyang hikaw ay palatandaan ng status niya sa loob ng school. Kung ganun ay may mga pangalan ang mga nagmamay-ari ng cards na hawak ko ngayon. At dahil wala silang background tungkol sa akin, damo ang ibinigay nila. Pero bakit malapit ng magkulay itim ang mga dahon nito?

Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong naglakad papalapit sa akin ang lalaking tumulong sa akin kanina at masama ang tingin na ipinupukol sa akin. Tinitigan ko siya ng mabuti at doon ko napansin na hindi siya sa akin nakatingin bagkus ay sa likuran ko. Doon ko lang naramdaman na mayroong naglalakad papalapit sa akin. Hinintay kong umatake muna ito bago ako umilag at itinago ang mga cards na hawak ko.

Mabilis namang ibinato ng kasama ko ang hawak niyang punyal at tumarak iyon sa ulo ng umatake sa akin. Agad na bumagsak ang walang-buhay nitong katawan sa lupa. Parang wala lang na kinuha ng kasama ko ang punyal na tumarak sa ulo ng napatay niya saka ito sinimulang kapkapan. Ng makita niya ang hinahanap niya ay humarap siya sa akin.

"Nakalimutan kong magpakilala sa'yo. Ako nga pala Cian. Malapit na ang sunod na tunog ng kampana. Kailangan nating makarating doon bago pa man iyon tumunog kung gusto pa nating mabuhay." Mahabang paliwanag niya saka nagsimulang maglakad ulit papunta sa direksyon ng kampana.

"Bakit kailangan nating makarating sa kampana? Anong meron? Pwede bang ipaliwanag mo sa'kin?" Mahinang tanong ko habang sinasabayan siya sa paglalakad. Inilabas niya ang card na meron siya at may itinuro doon. Tinitigan ko kung ano ang tinuturo niya at napansin kong kampana iyon. Nakapwesto siya sa taas ng modified logo ng RSU.

"Kapag hindi tayo umabot sa kampana, kasama tayo sa mga mapapatay ng mga reaper na nasa paligid lang." Bulong niya at mas binilisan pa ang lakad. Nakisabay na ako sa kanya. Habang tumatagal, ang lakad namin ay naging takbo dahil sa mga walang hiyang humahabol sa amin. Napansin kong hindi namin sila kasabay na pumasok sa gate kaya naman sino ang mga taong itong humahabol sa amin?

Tumingin ako sa harapan namin at na-realize kong ilang hakbang na lang ay nasa may kampana na kami. Ngunit bago pa man kami makarating doon ay may biglang humarang sa daraanan namin. Katulad din sila ng mga humahabol sa amin. Napatingin ako sa kasama ko at napansin kong naghahanda na siya sa pakikipaglaban.

"May 20 minutes pa tayo bago ang sunod na pagtunog ng kampana. Kailangan na nating makapasok sa loob." Mahinang sabi niya sa akin. Tumango ako at tinitigan ang mga nakapalibot sa amin. Limang tao silang nakapalibot sa amin at pare-parehong nakahanda na sa pag-atake sa amin. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang baril na nasa may balakang ko lang. Alam kong sakto lang ang bala ko para mapatumba silang lahat pero hindi ko iyon magagawa kung mabagal ako.

Nakaramdam ako ng paggalaw mula sa isa sa kanila kaya naman binunot ko agad ang baril ko, ikinasa, at saka mabilis na binaril sa ulo ang isa sa kanila. Napansin kong nagulat si Cian pati na rin ang mga taong nakapalibot sa amin. Sabog ang ulong humandusay sa lupa ang bangkay ng napatay ko.

Nakita kong mas lalong nagdilim ang paningin ng iba sa kanila. Sabay-sabay silang sumugod. Naghintay lang ako ng pagkakataon bago sila pinagbabaril ulit. Napatay ko ang dalaw ngunit ang natitirang dalawa ay nakailag. Huli na ang mapansin kong malapit na ang isa sa kanila sa akin. Inihanda ko ang sarili ko sa atakeng nakaamba para sa akin pero hindi iyon natuloy dahil bigla na lang sumuka ng dugo ang umatake sa akin at bumagsak sa lupa. Napansin kong may nakabaong punyal sa likuran nito at nakatayo di kalayuan si Cian mula sa amin.

Binaril ko agad sa binti ang natitira para hindi na siya makakilos pa samantalang inundayan ni Cian ng palo sa ulo gamit ng bato ito. Kitang-kita ko kung papaano lumabas ang utak nito dahil sa lakas ng pagpalo ni Cian. Isa-isa niyang kinapkapan ang mga bangkay at may nakuha siyang mga cards mula dito. Iniabot niya sa akin ang tatlo at itinago niya ang dalawa.

Narinig kong napamura si Cian at dali-daling napatakbo papunta sa loob ng building kung nasaan ang kampana. Sumunod ako sa kanya sa pagtakbo. Saktong pagtapak ng paa ko sa loob ng building ay siyang pagtunog ng kampa sa itaas nito. Hindi katulad ng paraan ng pagtunog nito dati ay iba ang paraan ng pagtunog nito ngayon. Ang paraan ng pagtunog nito ay parang sa mga okasyon na may patay. Matapos ng pagtunog ng kampana ay siya namang sunod-sunod na hiyawan sa labas ng building, sa loob ng gubat.

Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga at doon ko lang napansin na hindi lang pala kaming dalawa ni Cian ang nasa loob ng building, may iba pa palang nandito. Binilang ko kung ilan sila at nasa walo. Ibig bang sabihin nito sampu lang kaming nakapasa? Ganito ba ang paraan nila ng pagpili at the same time ay paglilinis ng examination?

Habang iniisip ko iyon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng galit. Anong klaseng pamamalakad ito ng university? Hindi ito tama. Naputol ang iniisip ko ng makarinig ako ng yabag ng sapatos na papunta sa kinaroroonan namin. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng tunog at napansin kong doon din nakatingin ang mga kasama kong nandito.

Hindi rin nagtagal, may lumabas na isang matandang lalaking may hawak na baston at may nakasunod ditong binata na tahimik lang na nakamasid sa paligid. Tinitigan kami isa-isa ng matanda at parang nagulat pa ng makita ako sa mga pumasa. Napakunot ang noo ko ngunit nawala din iyon bigla ng maalala ko kung anong klaseng card ang inabot sa akin, isang damo.

"Congratulations. You were all now official students of Rose Sibjaga University." Sabi ng matanda habang may kakaibang ngiti.

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now