XI: I Don't Care

473 19 2
                                    

CATTLEYA'S POV

Asar kong sinuntok ang unan na nasa gilid ko. Mag-iisang buwan na akong gumagawa ng plano para mapasok ang mansyon ni Rivera at malaman kung saang kwarto siya tumutuloy pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos. Sobrang higpit ng seguridad sa buong mansyon kapag walang nangyayaring meeting ang mga leaders at may mga lugar naman na bawal puntahan kapag may meeting naman.

Tinitigan kong mabuti ang ginawa kong blueprint ng mansion. Minememorya ko ang bawat sulok na mapuntahan ko sa mansion saka ko ginuguhit iyon para magkaroon ako ng kopya ng blueprint. Pinaglalaruan ko lang ang mouse ng laptop ko kung nasaan naka-save ang blueprint ng biglang may nahagip ang mata ko.

May blangkong bahagi sa blueprint na nagawa ko. Npapagitnaan siya ng kusina at ng maid's quarter. Ng nilibot ko ang lugar na yan, wala ng ibang pwedeng pasukan kaya bakit may ganyang espasyo na walang laman. Kung titignang mabuti parang kasinglaki lang siya ng mga elevator.

Nanlaki ang mata ko ng may ma-realize ako. Maaaring elevator nga ang nandun. Ang tanong, paano ka makakapasok o makakapunta doon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Dali-dali kong pinatay at tinago ang laptop ko sa secret cabinet na ginawa ko sa gilid ng kama na natatakpan ng comforter.

Binuksan ko rin ang isang libro saka iniwan iyon sa kama para kunwari ay nagbabasa ako. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa harapan ko si Mikael na nakasimangot. Hindi siya nagsalita, sa halip ay pumasok na lang siya basta sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Nakataas ang kilay na sinundan ko siya ng tingin at hindi ko mapigilang mapakamot ng ulo ng mapansin kong umaatake na naman ang pagiging isip-bata niya.

Hindi man halata ay isip-bata tong si Mikael. Nalaman ko lang yun ng minsang bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko sabay kulit sa akin na bilhan ko siya ng candy. Matapos ang araw na iyon, sunud-sunod na ang mga pangyayaring lumilitaw ang pagiging childish niya. Sinara ko na ang pinto saka umupo sa tabi niya. Tinapik ko ang braso niya saka siya tinignan ng masama.

"Ano na namang kailangan mo? Manggugulo ka na naman." Nakasimangot na sabi ko sa kanya. Sumimangot siya dahil sa sinabi ko. Lumapit pa siya sakin saka humiga sa hita ko. Asar na pinitik ko ang noo niya saka siya tinulak palayo kaso hindi siya naalis sa pagkakahiga sa hita ko dahil bigla na lang siyang yumakap sa bewang ko.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya saka mas hinigpitan ang yakap sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya sa ganung pwesto. Para siyang bata na naghahanap ng kalinga ng isang ina o ate.

Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng damit ko. Napatingin ako sa kanya at napansing yumuyugyog ang balikat niya, senyales na umiiyak siya. Wala sa sariling hinimas ko ang buhok niya. Naaalala ko si kanya sa Bryan. Iniugoy ko ng kaunti ang katawan ko para kahit papaano ay mapatahan ko siya.

Ito ang unang pagkakataon na umiyak siya sa harapan ko. Nakakapanibago lang dahil puro kalokohan at pang-aalaska ang nakikita ko sa kanya dati. Hindi pa rin siya humihinto sa pag-iyak kaya naman hinagod ko na rin ang likod niya para maluwagan ang paghinga niya. Inabot din ng ilang minuto o baka nga ay isang oras bago siya tumahan. Hindi ko na rin napansin ang oras dahil inaalo ko siya.

Nagpunas siya ng mukha saka marahang bumitaw sa akin. Humarap siya sa akin saka tinitigan ako. Tinignan ko lang din siya. Sobrang pula ng mata at ilong niya at litaw na litaw iyon dahil maputi siya.

"Hindi ka man lang ba magtatanong kung bakit ako umiyak?" Nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot saka ngumiti sa kanya.

"Hihintayin ko na lang na ikaw mismo ang magkwento. Oo nga at naku-curious ako sa dahilan mo, pero privacy mo kasi iyon at dapat hindi ako nanghihimasok sa buhay mo." Paliwanag ko sa kanya habang inaayos ang magulo niyang buhok. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Niyakap ko na lang siya pabalik dahil mukhang kailangan niya iyon.

"Salamat Althea." Nanigas ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko? Napansin ko na lang na tinititigan na rin niya ako.

"Nalaman ko ang tungkol sa'yo, sa totoo mong pagkatao ng minsang mapunta ako dito sa kwarto mo at wala ka dito. Aksidente kong nabasa ang mga files mo na nasa laptop mo." Paliwanag niya sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ngayong nahuli na niya ako. Isusumbong niya ba ako kay Rivera? Kaya ba palagi siyang narito sa kwarto ko upang maghalungkat ng gamit ko pag hindi ako nakatingin?

Naputol ang iniisip ko ng maramdaman kong may biglang humalik sa akin. Ng ma-realize ko kung ano ba talaga ang nangyayari ay buong lakas kong itinulak palayo si Mikael at nagmamadaling kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng unan ko. Itinutok ko iyon kay Mikael at parang wala lang sa kanya.

"I don't care who you are or what's your purpose in going here. Ang gusto ko lang ay manatili ka sa tabi ko at hindi mo ako iiwan." May diin na sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin. Hindi niya alintana ang baril na nakatutok sa kanya.

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo?" Buong tapang kong tanong. Hindi sapat ang rason niya para paniwalaan ko siya.

"Matagal ka na sanang dinampot ng mga tauhan ni Rivera." Parang wala lang na sabi niya. May punto siya sa sinabi niya. Napangisi siya ng mapansing binaba ko na ang hawak kong baril. Malalaking hakbang na lumapit sa akin saka ako niyakap. Nagpupumiglas ako pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

"I like you, Althea. I really do." Bulong niya sa akin. Sa gulat sa sinabi niya tinuhod ko siya saka tinignan ng masama.

"Sigurado akong alam mo rin na engaged na ako. Kaya ngayon pa lang ay itigil mo na yan, Mikael." May diin kong sabi sa kanya. Napailing na lang siya at napangisi dahil sa sinabi ko.

"I don't care. As long as you know what I feel and you're here by my side, that would be enough." Sabi nito sabay lakad papunta ng pinto. Sinulyapan niya muna ako bago tuluyang lumabas ng pinto. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko saka asar na ibinalik ang baril sa drawer.

Althea, napaka-careless mo talaga kahit kailan. Hindi ka na nadala. Inis kong pagsabi sa sarili.

-

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant