Rose Sibjaga University 2

2K 29 0
  • इन्हें समर्पित: brllane
                                    

This is a work of fiction. All incidents and dialogue, and all characters with the exception of some public figures, are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Where real-life public figures appear, the situations, incidents, and dialogues concerning those persons are fictional and are not intended to depict actual events or to change the fictional nature of the work. In all other respects, any resemblance to persons living or dead is entirely coincidental.

Copyright © August 2016 by SilverxTwilight

All rights reserved.

~~~

PROLOGUE





ALTHEA JEANELLE'S POV

"Wake up child. They are waiting for you." Nagising ako matapos kong marinig ang mga katagang iyon. Nakaramdam ako ng kaba ng hindi ko maidilat ang mga mata ko. Bakit hindi sumusunod ang katawan ko?

Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko pero hindi ko magawa. Sinubukan kong gawin lahat ng makakaya ko para maigalaw ang kahit ano mang parte ng katawan ko pero wala pa rin. Ano bang nangyari at para akong paralisado? Naliwanagan ako ng maalala kong nabaril nga pala ako at nawalan ng malay pagkatapos.

Pipilitin ko sana ulit na igalaw ang daliri ko ng may maramdaman akong papalapit sa akin. Nakiramdam ako at may narinig akong tunog ng isang bagay na parang hinila papalapit sa pwesto ko. Hinintay ko kung ano mang susunod na mangyayari at nagulat ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Sabi nila kapag palaging kinakausap ang mga na-coma, malaki ang tyansa na magising sila." Mahinang bulong na narinig ko mula sa kung sino man ang may hawak ng kamay ko. Na-coma ako?

"Althea, isang taon ka ng tulog, gumising ka na, please." Nagmamakaawa niyang bulong. Doon ko lang nakilala kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon. Pero ano yung sabi niya? Isang taon na akong tulog? Bakit umabot ng ganun katagal? Kritikal ba ang tinamaan sa akin?

"Tapos na namin ang mga pinapagawa mo. Ang kailangan mo na lang gawin ay gumising at ikaw na mismo ang kumilos. Althea, kaunti na lang, matatapos na rin ang lahat ng to." Salamat Kristoff, salamat sa tulong niyo. Ang problema ko na lang ngayon ay paano ko igagalaw ang katawan ko. Naririnig at nararamdaman ko lahat pero hindi ko maikilos ang katawan ko.

"Sige Althea, alis muna ako. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din ako agad." Mahinang bulong niya. Naramdaman ko na lang na may kung anong lumapat sa noo ko. Hinalikan ba niya ang noo ko?

Narinig kong gumalaw ang isang upuan at di nagtagal ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Okay, mag-isa na ulit ako dito. Kailangan kong maigalaw kahit ang daliri ko lang ng paunti-unti. Sinubukan ko ulit igalaw ang daliri ko pero di ko kaya. Paulit-ulit kong sinubukan pero wala talaga.

Gusto kong magsisigaw dahil sa furstrations na nararamdaman ko. Kailangan ko ng gumising. Nasayang ang isang taon dahil sa mahabang pagtulog ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman nakiramdam muna ako. Hinintay ko kung ano ang susunod niyang gagawin pero ang tagal na wala pa rin akong maramdaman na gagawin niya.

Nung akala kong wala na siyang gagawin, may narinig akong tunog ng patalim na tinanggal sa lalagyan. Papatayin niya ba ako? Pinilit kong igalaw ulit ang katawan ko, kailangan kong maigalaw ang katawan ko. Naramdaman kong mas malapit na siya sa akin kaya naman mas pinilit ko pang igalaw ang katawan ko.

May naramdaman akong biglaang paggalaw kaya naman umatake na ang adrenaline rush ko. Napansin ko na lang na nakahawak ang kamay ko sa kamay niya at tinititigan ko siya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero mabilis din iyong nawala. Pinilit niyang ibinababa ang kamay niya para dumiretso sa akin ang patalim at pilit ko namang pinipigilan ang balak niya.

Nararamdaman kong nanghihina na ako kaya naman pinilit kong igalaw ang mga binti ko tsaka siya sinipa sa tagiliran. Nabitawan niya ang patalim at napasubsob siya sa may sahig. Tumingala agad ako at pilit hinahanap ang isang button na ginagamit para tawagin ang atensyon ng kung sino man sa labas.

Ng makita ko iyon, pinindot ko kaagad iyon at ibinalik ang atensyon sa taong hawak na ulit ang patalim at handa ng isaksak sa akin. Kinuha ko ang unan ko at buong lakas na itinapon sa kanya. Umilag lang siya at patuloy na naglakad papalapit sa akin. Kumuha na ako ng kahit anong bagay na mahawakan ko sa tabi ko at itinapon lang ng itinapon sa pwesto niya.

Ng tuluyan siyang makalapit sa akin, isasaksak na sana niya ang patalim sa akin ng bigla siyang matumba sa harapan ko. Laking pasasalamat ko ng makita ko si Bryan na may hawak na baril at nakatitig lang sa akin.

"Ate." Mahinang bulong niya. Ngumiti lang ako bilang sagot. Naramdaman ko na lang na nanghina ang katawan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

BRYAN KENDRICK'S POV

Busy ako sa pagtitimpla ng kape sa may kusina ng bahay. Nandito ako ngayon sa isang tagong rest house namin sa Pilipinas. Dito din namin dinala si ate para magpatuloy ng pagpapagaling. Alam naming delikado ang pagbyahe ng isang may sakit ngunit kailangan naming gawin iyon dahil maraming matang nakamatyag sa mga kilos namin.

Kasama rin namin sa rest house na ito si Kristoff. Umalis lang siya saglit dahil may kailangan siyang bilhin. Ibubuhos ko na sana ang mainit na tubig sa baso ko ng biglang nag-alarm ang phone ko. Ang tagal bago ko na-realize na may pumindot ng button sa kwarto ni ate. Umalis si Kristoff kaya naman sino ang pipindot nun?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kinuha ko ang isang baril na may silencer. Tahimik akong tumakbo papunta sa kwarto ni ate. Nasa pintuan pa lang ako ay rinig ko na ang mga kalabog galing sa kwarto niya. Ng may marinig ulit akong kalabog, binuksan ko kaagad ang pinto. Binaril ko kaagad ang lalaking nakatayo sa harapan ng kama ni ate na may hawak na patalim. Ng matumba ang lalaki tsaka ko lang napansin si ate na gising at nakatitig din sa akin. Gising na si ate.

"Ate." Mahinang bulong ko. Ngumiti lang siya sa akin ng saglit at bigla din siyang nawalan ng malay. Tumakbo agad ako sa tabi niya para saluhin siya bago pa man bumagsak ang katawan niya sa kama. Dahan-dahan ko siyang inihiga at iniayos ang kumot niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at doon ko napansin kung gaano kakalat ang buong kwarto.

May narinig akong yabag ng paa papunta sa pinto kaya naman itinutok ko kaagad ang baril ko sa may pinto. Pagkabukas ng pinto ay gulat na mukha ni Kristoff ang bumungad sa akin. Ibinaba ko ang hawak kong baril at nilingon ulit si ate.

"Kailangan na nating lumipat ng lugar." Sabi ko sabay lingon kay Kristoff. Tumango lang siya at kinuha ang phone. May kung ano pa siyang pinindot at maya-maya ay may kausap na siya sa telepono.

Nilingon ko ulit si ate at hinimas ang marahan ang buhok niya. Sasamahan ka namin ate kahit anong mangyari. Tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya.


A/N:

I changed the whole story. Sorry for the wait. I will update the story every week as much as I can. I think this book will only have 20-30 chapters. Thanks for reading it. God bless.

-Shanealle



~~~~~~~~

This book's previous book cover.

This book's previous book cover

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें