IV: Into the Woods

529 15 0
                                    

ALTHEA JEANELLE'S POV

Hindi rin nagtagal ay tinawag na kami upang magtipon sa harap ng gate. Marami kaming nandoon at sa awra palang ng iba ay ramdam mong hindi sila basta-basta. Sa paglilibot ko ng tingin ay may napansin akong isang lalaki na simple lang tignan at parang hindi niya kakayanin ang kung anumang nasa kabilang panig ng gate. Nagulat ako ng bigla itong tumingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Ang lakas ng pakiramdam niya.

"Bago namin kayo tuluyang papasukin dito, magbibigay kami ng dalawang paalala. Una, galingan ng sa ganun ay magtagal sa loob. Pangalawa, subukang huwag mamatay. Maaari na kayong pumasok." Sabi ng nagbabantay sabay bukas ng gate. Habang naglalakad papasok ay hindi mawala sa isipan ko ang pangalawang paalala niya. "Subukang huwag mamatay." Marami na bang namatay sa pagsusulit na ito at mukhang sanay na sila sa mga ganitong pangyayari?

Hindi pa opisyal na nagsisimula ang pagsusulit pagkapasok namin sa loob. Magsisimula lamang ito kapag tumunog na ang isang napakalaking kampana na nasa taas ng bundok. Habang tumatagal ang paglalakad ko, mas lalong nagiging masukal ang daan at tumataas ng puno. Mas pinili kong humiwalay kaysa makigrupo. Alam kong magpapatayan din sila sa huli kaya mas mabuti ng ganito kaysa magpatayan pa kami ng kasama ko.

Napahinto ako ng mapansin kong nahati sa dalawa ang dadaanan ko. Maliwanag sa kaliwa samantalang mas lalong sumukal sa kanan. Mas pinili kong tahakan ang kanang daan. Panigurado kaunti lang ang pupunta dito. Hindi pa ako nakakalayo ng may maramdaman akong kakaiba sa tinatapakan ko. Binalikan ko iyon at napansing nakaangat ang lupa. Tumingin ako sa paligid ko at puro maliliit na halaman pa lang naman ang nandito.

Walang pag-aalinlangan kong hinukay ang lupa at nagulat ako ng may maramdaman akong metal. Mas binilisan ko pa ang paghukay at nakita ko ang isang lalagyan ng espada. Nagkuhay pa ako at natuwa ako ng makita kong isang samurai sword ang nakita ko. Pagkakuha ko ng espada ay siya namang pagtunog ng kampana. Wala akong sinayang na oras at nagsimulang naglakad papunta sa mas masukal na parte ng lugar.

Malalim na ang gabi ng mapagdesisyunan kong magpahinga. Tumingin ako sa paligid ko at laking pasasalamat ko ng mapansing napunta ako sa mapunong lugar. Naghanap ako ng punong kaya akong itago at nagsimulang akyatin iyon. Laking pasasalamat ko at dark colors ang kulay ng damit ko kaya naman hindi ako madaling makita. Niyakap ko ang espadang nakuha ko at itinali ang bewang ko sa sanga, gamit ang taling nakuha ko habang naglalakad-lakad ako, upang di ako mahulog sa aking pagtulog. Makalipas lang ang ilang saglit ay nagkatulog din agad ako.

***

Napamulat ako ng mata ng may marinig akong naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Dali-dali kong tinanggal ang pagkakatali ng bewang ko at ginamit ang taling iyon upang gamiting panali sa lalagyan ng espada. Isinukbit ko ang espada sa balikat ko saka ako umakyat sa mas mataas na sana ng puno kung saan mas makapal ang kumpol ng mga dahon upang maitago ako.

Sinilip ko ang aking orasan at napansing alas singko na pala ng umaga. Narinig ko ulit ang mga yabag kaya naman sinilip ko kung saan nanggagaling iyon. Kumunot ang noo ko ng mapansing parang wala sa sariling naglalakad ang isang babae. Naghintay pa ako ng ilang sandali at may biglang sumulpot sa likuran niya bigla siyang sinaksak.

Walang buhay na nakahandusay ang babae na nakabaling ang ulo sa lugar ko. Napansin kong kinapkapan siya ng pumatay sa kanya at ng walang makuhang kahit ano mula sa kanya ay iniwan na siya roon. Naghintay pa ako ng isang oras bago ako bumaba. Mahirap na baka patibong lang pala ang nakita ko kanina.

Habang naglalakad ako papalapit sa bangkay ng babae ay naalala kong wala nakuhang kahit ano ang pumatay sa kanya na dapat naman ay meron. Saan kaya nakatago ang card ng babaeng to? Napatingin ako sa ulo ng babae na nakabaling sa akin, kulot ang buhok ang niya. Agad kong ibinaling sa kabila ang ulo ng babae at napansin ko ang suot nitong malaking hair clip. Dahil narin siguro sa pagkakabagsak niya ay nagulo-gulo ang buhok nito. May napansin akong nakausli sa buhok niya kaya naman kinuha ko iyon. Napangiti ako ng makita kong card iyon. Agad din akong umalis doon at nagsimulang maglakad.

Rose Sibjaga University 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now