THE 9 GODDESSES #15 - Checkmate

Start from the beginning
                                    

“Whoa whoa! Slow down! Hindi naman ata tama ang parata mo. What I mean kasi magkakaroon daw ng malawakang blackout sa Metro Manila mamayang hating gabi. Eh sakop pa naman ng Metro manila itong building na ito kaya baka mawalan tayo ng kuryente at hindi makarecord. Sira pa naman daw ang regenerator.” Sabi niya. Binaba ko naman ang daliri kong nakatutok sa kanya at nag-buntong-hininga naman sina Yeonnie at Stephanie. “Wait, akala niyo ako ang killer na Goddess of Death?” Tanong niya at dahan-dahan naman siya na tumungo. Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha at parang nag-iba ang kanyang aura at aura ng kwarto. Yumuko siya at nag-porma ang kanyang mga kamao.

Bakit parang may nararamdaman akong iba? Biglang lumakas ang tibok ng aking puso at parang piling ko ay kahit anong oras ay mahihimatay ako. Parang ibang manager Dee nasa harapan namin ngayon. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at itinuro sa akin ang kanyang hintuturo. “Ikaw...” Sabi niya sa akin. Itinaas niya ang kanyang ulo. Tumambad sa amin ang galit na mukha ni Manager Dee. Pero laking gulat namin ng biglang tumawa na parang walang bukas.

“Ahahahahahahahahaha! Kung nakita niyo lang sana ang mga pagmumukha niyo ay matatawa rin kayo! Ahahahahaha!” Sabi niya habang tumatawa. Binigyan naman namin siya ng seryosong mga tingin. Tsk, niloloko lang pala kami ng manager namin. “Seriously, tingin magagawa kong patayin ang mga taong nagpatupad ng mga pangarap ko? Tingin niyo mapapatay ko ang mga taong dahilan kung bakit ako sumisweldo! Ahahahahahaha! Hinding-hindi ko yun magagawa!” Sabi niya. Bigla namang siyang nag-rolyo sa sahig. Pilig ko ay paiyak na siya dahil sa tawa. Bigla namang tumayo si Yeonnie at inabutan ng kamay si Manager Dee.

“OA na Manager Dee. Tayo na, manager. Nahuli mo na kami, Ha-ha-ha. Seriously, tumayo ka na nga dyan Mister Manager Jereos Dee. Sheesh.” Sabi ni Yeonnie. Patago naman kaming tumawa ni Stephanie. Tinangap naman ni Manager Dee ang kamay ni Yeonnie. Akala namin ay hindi na babanat pero babanat papala.

“Ikaw chansing ka ha! I love you too, Yeonnie! Ahahahahahahaha!” Sabi ni Manager Dee dahilan para bitawan niya ang kamay ni Managaer Dee (dahilan para humiga nanaman siya at tumawa) at umatras. Tawa naman kami ng tawa ni Stephanie nang nakita ang reaksyon ni Yeonnie. Bigla kasing namula si leader at napayuko. Bigla namang tumayo si Manager Dee at inakbayan si Yeonnie dahilan para lalo siyang mamula. “Itong leader niyo bantayin niyo ha! Baka ma-inlab sa akin! Bawal pa naman ang label-to-label relationship dito! Sige kayo, wala na kayong leader at manager! Ahahahahaha!” Sabi ni Manager Dee dahilan para lalong mamula nanaman si leader at humalakhak kami ni Stephanie. Kulang na nga lang yata ay umihi kami kakaiyak. Siniko naman sa dibdib ni Yeonnie si Manager Dee.

“T-tara na nga sa van pa-para matapos na ang shooting at makapahinga na.” Nauutal na sabi ni Yeonnie.

“Okay. Whatever you say, honey.” Sabi ni Manager Dee dahilan para maghalak-hakan nanamin kaming dalawa ni Stephanie. Sayang at wala sina Cinna at Yoona. Kung nandito ang mga yun, patay lagot!

Speaking of them, dalawang araw na silang hindi ma-contact at hindi umuuwi. Laging busy ang phone nila. Hindi ko sure kung hindi ko lang sila mahagilap sa bahay o wala talaga sila. Naku, sana sa busy lang ng schedule kaya sila wala.

***

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakahiga ako sa gitna ng isang pa-hexagon na chess board. Anong ginagawa ko rito. Wala namang ilaw pero may liwanag. Para bang pantasia ang lahat. Natatakpan naman ng salamin ang bawat dingding ng hexagon. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Pareho pa rin ang suot na damit, wala naman akong bagong sugat o pasa sa katawan na nakikita at higit sa lahat ay buo’t buhay pa ako. Bigla naman nawala ang aking repleksyon at napalitan ng isang babaeng nakapang-ospital. Panay katok sa salamin ang pamilyar na mukha. Kahit lumingon ka ay makikita mo siya dahil sa bawat sulok ng hexagon ay makikita mo ang kanyang imahe. Matagal na segundo bago nag-process ang pangalan niya sa aking utak. Siya ay si Fiona, ang unang namatay mula sa 9 GODDESSES.

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now