THE 9 GODDESSES #9 - "Nasaan ang nine sa 9 GODDESSES?"

3K 95 12
                                    

*JESSICA’S POV*

Agad kaming umuwi galing sa burol ni na-bandmate namin na si Fiona. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng pangamba. May nakarating kasing tawag sa amin habang umiiyak kami sa burol kanina. Tawag na nagsasabing nakita na si Alexandra at bangkay na ito at ang balitang patay na raw si Hannah.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming dorm. Bawat sulok ata ng bahay namin ay may mga pulis. Kita mo palang sa labas ng dorm namin ang mga kotse ng mga pulis. Wala tuloy kaming ibang choice kundi pumarada sa kabilang street. Nang pumarada na ay agad kaming tumakbo. Bilang pangalawang kamay ng leader ay nauna ako. Hindi naman ako inappoint pero kung hindi ako magkukusa, sino ang kukusa?

Pinagtutulak ko ang mga pulis na naka-harang. Pinapapasok naman kami dahil may atoridad naman kami para pumasok dahil una sa lahat ay dorm namin iyon at pang-huli, kilala namin ang namatay. Nang nakarating sa front door ay mga barricade tape na nakatape rito na tila ba ayaw kaming papasukin. Pero hindi naging alintala, inalis ko ang mga ito kahit walang pahintulot sa mga pulis.

Pagkapasok ay nadatnan namin si Yoona na kinakausap ng mga pulis habang si Sunny naman ay naka-upo sa sofa at tarantang-taranta at hawak-hawak pa ang noo na para bang masakit ang kanyang ulo. Nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Kinabit ko siya at sinabing, “Sunny, ano ang nangya—“ Tanong ko ngunit pinutulan niya ako.

“HINDI KO ALAM! HINDI AKO ANG PUMATAY! WALA AKONG KINALAMAN!” Sigaw niya sa akin. Halatang-hatala ka kanyang pananalita, mannerism at mukha na tensyon na nararamdaman. Bigla naman siyang nagulat sa kanyang sarili. Out of the sudden ay napatayo siya at umaas. Pilit naman kinukuha ng mga pulis ang kanyang atensyon ngunit agad na nakatakas sa scenario si Sunny. Hahabulin naman sana ng isang detective si Sunny ngunit tinawag ko ang atensyon niya.

 

“Pabayaan mo na kuya, give her space and time. This recent happening has been traumatizing baka nabigla lang.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at bumaba at bumalik sa kanyang trabaho.  Tumingin naman ako kay Stephanie, “Natawagan mo na si Yeonnie at Manager Dee?” Tanong ko sa kanya.

“Yeah, pero there’s no respond. If not toot toot toot, cannot be reach. Malakas naman ang signal tas nagpaload naman ako.” Sagot ni Stephanie.

“Nak’ng meeting yan. Kanina pa yan eh.” Bulong ko sa aking sarili. To be honest ay naiinis na ako kay Yeonnie at Manager Dee, kung wala naman dahil pinatawag ni CEO, nasa meeting na pagkatagal-tagal. Kung kailan kailangan, kailan nawawala. Alam ko na ginagawa niya ang best nila para maitaguyog muli ang bandera ng 9 GODDESSES pero sana naman bago nila asikasuhin yun ay kami muna. Look, how can we live the name 9 GODDESSES kung hindi naman kami siyam? Mahirap naman palitan ng 6 GODDESSES dahil siyam na ang aming nakasanayan. Hindi naman pwedeng 9 GODDESSES MINUS 3 GODDESES. It’s just.. Ugh! Yeonnie and Manager Dee is getting on my nerves! And speaking of, bigla silang bumungad sa front door ng dorm. Nakangiti pa ang mga kumag at tuwang-tuwa. Para bang naka-one night stand ang dalawa. At sa kanilang pagpasok ay biglang may sumingaw na amoy alak.

“Good news, guys! Magcocom—“ Sabi ni Yeonnie ngunit pinutulan ko siya. Pinutulan ko ang kanyang anunsyon ng isang malakas at malutong na sampal. Ang kapal talaga ng mukha! Kita sa mukha ni Yeonnie ang gulat. Pati na rin ata si manager Dee at ang ibang miyembro ng 9 GODDESSES ay nagulat sa aking pambungad kay Yeonnie.

THE 9 GODDESSESOnde as histórias ganham vida. Descobre agora