THE 9 GODDESSES #2 - "To die or to suffer?"

4.5K 132 12
                                    

Dedicated po kay raggedyprncss dahil super supported po siya dito. Kahit sa school nung nagkita kami ay todo support din. Magaling po yan sa sports! Natalo nga kami sa kanila eh. Ahahahahaha joke. LOL. Sone yan guys! ^___^

Sorry guys kung ngayon lang ako nakapag-update kasi (1) busy ako sa school works ko, (2) Nag-iisip ako ng magulong plot twist na ikakagulat niyo and (3) hindi ko alam kung paano ko isusulat yung nasa isip ko. So sorry guys pero the wait is enough. Every week ang update nito tulad ng isa kong story na “Ang Uncliche kong buhay”. So yeah, pleasee keep on supporting and sorry for being inactive. ^___^

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

 

*YEONNIE GOMEZ’S POV*

Napatakip ako ng bibig nung nakita ko ang photographer. Kadiri, maselan at nakakasuka, ayan ang masasabi ko sa nakita ko. At mas nagulat pa ako sa nakita ko sa kanyang noo. Sana isang prank lang ito, sana nasa isang prank show lang kami. Naghihintay ako ng mga staff na lalabas kung saan-saan at sasabihing “Joketime! Your being broadcasted in Prankster TV!”

Pero wala lumabas na kung ano sa inasahan ko. Totoo ang lahat ng ito at hindi bangungot o isang prank. Laking gulat namin ni Manager Dee nang may narinig kami ng pinto na bumubukas. Galing ito sa aking kanan. Lumingon ako at nakita si Yoona na kakalabas lang ng banyo. Pulang-pula ang mata niya at may dugo ang kamay niya. Naglakad siya papunta sa amin pero bakit iba ang kanyang lakad? Bakit para siyang zombie sa kanyang lakad?

“Oh my god!” Reaksyon niya nung nakita niya ang bangkay ng photographer. Lumapit ako sa kanya at kinausap. Leader-to-member talk kumbaga.

“Bakit ang tagal mo sa CR? Bakit pulang-pula mata mo? Bakit may dugo kamay mo?” Sunod-sunod na tanong ko. Nakapagtataka.

Lumuhod ito at ipinakita ang kanyang tuhod. Duguan ito na tila ba parang nakipagbakbakan. “Nakatulog kasi ako sa CR. Nung nagising ako, katangahan ko at nadulas pa ako. Patuloy ang pagdaloy ng dugo. Alam naman ng buong crew na takot ako sa dugo di’ba? Yun nga ang dahilan kung bakit ko tinanggihan ang offer sa akin ng isang action movie director na galing Hollywood. Kaya yun, sa takot ko sa dugo, napaluha nalang ako sa dugo at sakit.” Paliwanag niya.

“Halika na nga, Yoona. At nang magamot na yan.” Sabi ko kaso...

“Hindi ako makalakad ng maayos, leader.” Sabi niya. Lumapit ako sa kanya at binuhat. Total magaan naman siya kaya pagsamatalahin niya na. Mag-papaalam sana si Yeonnie sa maager kaso may kausap ito sa kanyang cellphone. Mas minabuti nalang ni Yeonnie na wag na istorbuhin si Manager kaya nauna na siya ng walang paalam.

*THIRD PERSON’S POV*

 

(After two months...)

“9 GODDESSES ARE THE TRUE KILLERS!”

“Our idols are not killers!”

“I’m done with this fandom!”

“Now their true colors are showing!”

“Stay strong, 9 GODDESSES and Demi-Gods!”

Two days after the incident ay kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa photo studio. Sari-sari’t reaksyon ang nakuha nila mula sa netizens. May mga natuwa, nalungkot, nagalit at nadismaya. But later on, their career became worst like hell.

Nakatanggap sila ng mga judgments at kung ano-ano pa. They receive encouragements from their fans but they receive hate the most. Some of their fans are walking away from the fandom dahil sa nangyari. Karamihan ay naging haters pa nila. Dahil dito ay napostpone ang kanilang comeback pati na rin ang kanilang bagong album.

Malaking pagkadismaya at lungkot ang nadarama ng 9 GODDESSES ng mga oras na iyon. Hindi mostly dahil sa nangyari pero dahil sa mga taong naninira sa kanila at ang mga fans na pinabayaan sila. Tey can’t accept the fact na ganito kalakas at ka-negative ang impact ng aksidente sa mga netizens. Nakakakuha lang sila ng tapang at lakas mula sa kanilang “True” fans, fans that never left the fandom no matter what.

Ngayon ay bumalik tayo sa realidad, kasalukuyan nasa office sila ng CEO ng ThunderMusic  entertainment, ang kanilang music agency na kilala at bantag sa Pilipinas. Pagpasok palang ng office ay may nararamdaman ng hindi maganda ang siyam na binibini. Nang nakaupo na ang siyam sa mga upuan na inihanda para sa kanila ay nagsalita na ang CEO. “Gusto niyo na bang mag-disband?” Diretsahang tanong ng CEO sa kanila dahilan para magulat silang siyam. “Kita palang sa internet na ayaw na kayo makita muli ng mga netizens. Mukhang galit sila sa inyo. Mukhang namanipulate na sila ng mga sites na nagbibigay ng false stories about the incident. Sinubukan namin kayong ipagtanggol pero mukhang hindi na babalik ang dati.” Sabi niya. Napaluha ang ilan sa sinabi ng CEO. Miski si Yeonnie, na kanilang leader ay hindi maka-apela dahil nanigas siya sa gulat sa anunsyo ng boss. “Unless,” Salitang sinabi ng boss dahilan para mapuno ng pag-asa ang mukha ng siyam na babae. “You will give them a comeback they won’t forget. A comeback that is made to be a controversy. A comeback that is worth seeing in the headlines. Ala Miley Cyrus ang dating.” Sabi niya. Napuno ng pag-asa ang siyam na binibini. Napatingin sila sa isa’t isa na para bang nagsasabing “Kaya natin ito! Fighting!”  “So, to disband or to comeback?” Tanong ng CEO sa kanila.

“We want to have a comeback.” Sabi ni Yeonnie. Napuno ng ngiti at tuwa ang paligid. Ang buong akala nila ay mawawala na sila dahil sa isang aksidente lamang na nangyari. Miski ang CEO nila ay natuwa dahil akala niya ay susuko na ang katangi-tanging artist niya sa kompanya. Sinabi pa ng boss nila na ililibre sila sa Mann Hann kaya lalong natuwa ang siyam na babae. Tiyak busog at bundat nanaman ang siyam na ito.

Pero panandalian lamang pala ang saya...

Dahil napalitan ito ng takot...

Habang nagsasaya ang 9 GODDESSES at CEO sa nangyari ay may nahulog na bangkay mula sa kisame. Isa itong lalaki na nakabigti, puno ng sugat ang katawan at may nakasulat nanaman sa kanyang noo.  Namukhaan naman ito ng 9 GODDESSES, ito ang kanilang personal trainer. Siya si Mickey Hatton, ang in-charge sa diet at fitness ng 9 GODDESSES. Binasa naman ang 9 GODDESSES at ng CEO ang nakasulat sa noo nito.

“To die or to suffer?”  

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Sorry for the short update. I promise to make it longer and mysterious next time. ^___^

Vote, Comment, Share and Support.

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now