THE 9 GODDESSES #6 - "Let it go"

3.4K 102 19
                                    

Dedicated po kay ErickaLozenda, sobrang speechless ako sa comment mo sa last chapter. Maraming-maraming thank you po! At cheers tayo dahil sa All-kill album ng 2NE1. ^___^

Another lame chapter. Busy po kasi ako kaya sorry po. Abangan niyo rin pala ang comeback ng 9 GODDESSES. Ahahahahaha sorry to spoil you guys! ^__^

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

*CINNA CHOI’S POV*

“What's your favorite scary movie?”  Tagline from my favorite movie of all the time—Scream. Nung una ko ito nakita ay wala akong ka-interest-interest pero hindi ko inaayahan na mahohook ako rito. Simula nung napamahal na ako sa movie na ito, sinimulan kong sundin ang buong “The Scream” franchise. Namuo rin ang pagiging curious at mysterious ko na tao.

“Ding dong~” Doorbell sa aming dorm. Syempre dahil dakila akong tamad ay nanatili ako sa pwesto ko at patuloy pa rin sa panonood ng Scream.

“Stephanie! Buksan mo nga yung pinto!” Utos ni Yeonnie sa amin habang siya ay nagluluto ng aming hapunan na duguan. Kaming tatlo lang ang nasa bahay since yung iba ay nasa lamay ni Fiona. Mamayang gabi ay didiretso kami doon.

“Cinna, ikaw nga muna kumuha total hindi ka naman busy.” Utos naman ni Stephanie sa akin. Ganyan naman talaga yang si Stephanie, tagapasa ng mga inuutos sa kanya.

“Eh?! Sinong niloloko mo, Stephanie? Busy ako sa pinapanood ko eh ikaw nag-seselca ka nanaman. Selca ka ng selca, as if naman gagawin kang endorser ng Victoria’s secret.” Sagot ko.

“WOW HA! Eh ikaw, nood ka ng nood ng Scream! As if naman ipaparemake yang movie na yan sa’yo.” Sagot niya.

“Pwede rin.” Tanging naisagot ko kay Stephanie. Para matapos na ang lahat ng ito ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa pintuan. “Aish! Nasaan na ba kasi si Alexandra? Kagabi pa yun nawawala ah! Baka naman ni-rape yun ng one minute?” Bulong ko sa sarili ko. Binatukan ko naman ang sarili ko. “Ano ba itong iniisip mo, Cinna.” Pinagsabihan ko ang aking sarili. Hinawakan ko na ang doorknob at binuksan ito.

Pagkabukas’t pagkabukas ay nadatnan ko ang isang box. Hindi naman ito gaanong kalakihan at kaliitan, sapat lang. Sinuri ko ang kahon at wala akong nakitang card or note kung para kanino ito. Ngunit nakapukaw ng attensyon ko ang sticker mula sa gilid. Kala ko nung una ay design lang, yun pala ay company sticker yata. “Guys, may nagpadeliver ba sa atin ng galing sa Dead send?” Tanong ko sa kanila.

“Dead send? Aba ewan ko basta ang alam ko bumili online si Sunny ng kahigateng teddy bear which is expected  na ngayon ang delivery.” Sagot ni Yeonnie or Stephanie? Ewan, medyo magkahawig boses nila eh.

“Baka ito na nga iyon.” Sabi ko sa kanila. Binuhat ko ang kahon. May pagkabigat ito kahit papaano. Binuhat ko ito papasok ng bahay at nilapag sa sala. Matapos nun ay dumiretso ako sa banyo at naghugas ng kamay. After maghugas ay bumalik na ako sa sala at nadatnan na si Stephanie na pinagmamasid ang kahon. “Steph, that’s not for you.” Saway ko sa kanya.

“I know. Kasi kung para sa akin ito ay paniguradong bonga ito. Not like this, cheap, useless and has a famous delivering company. God, updated ba sila na may LBC na or 2GO?” Opinyon niya.

“So? Wala akong pake sa opinyon mo.” Sabi ko.

“Fine. Its your choice. You’re gonna regret it anyway.” Sabi ni Stephanie at bumalik sa pag-upo sa sofa. Regret? Tsk, sino ang magsisisi sa walang kwentang opinyon ni Stephanie. Pero kinilabutan ako dun. Piling ko nga ay namumutla ako at nagsisitaasan ang aking mga balahibo.

Hay nako, nakakapagtaka at nakakatakot talaga ang mga nangyayari. It’s like we are on a horror movie and we are the victims. Umupo nalang ako sa sala at nagpatuloy sa pag-nood ng Scream.

***

“Bon appetit, guys!” Sabi ni Yeonnie at lumabas na ang pagka-cannibal namin. Kahit kailan talaga ay ang sarap ng luto ni Yeonnie. Tas ang sarap pa kumain kasi tatlo lang kami so that means wala akong kaagaw sa foods! Mahina naman kumain sina Yeonnie at Stephanie kaya solong-solo ko ang pagkain.

“Look guys! Rihanna followed me on Instagram!” Anunsyo ni Stephanie dahilan para masira ang silence ng hapunan. Hindi pa nga yata siya sumusubo eh kasi parang walang bawas ang kanyang pag-kain.

“Steph, I thought may usapan tayo na no cellphones during breakfast, lunch and dinner?” Sabi ni Yeonnie sa kanya.

“Oh my God! Are’nt you happy? Malay mo mag-break tayo sa US dahil sa kan—“ Sabi ni Steph pero pinutulan naman ito ni Yeonnie.

“Paano tayo mag-brebreak sa US eh kung may problema pa tayo rito sa Pilipinas? Seriously, Steph? Gusto mo bang magka-international haters pa tayo?” Sabi ni Yeonnie. Tsk, puro fame nalang kasi ang nasa isip.

“Sorry, nawala sa isip ko.” Matambay na sabi ni Steph na unlike dati na may pagka-maarte at energetic. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan. “Tapos na ako, nabusog na ako sa isang subo.” Sabi ni Steph at umalis na sa hapag-kainan tsaka dumiretso sa taas. Aba, bastos to’ ah! Hindi niya ba alam kung gaano karami ang mga bata na nagugutom? Tinignan ko ang plato niya, ang dami pa ah! Kinuha ko ag plato nito at inilagay nalang ang pagkain sa aking plato. Tinignan naman ako ni Yeonnie with WTF face.

“Busog na daw siya eh kaya more for me!” Sabi ko.

*STEPHANIE YOUNG’S POV*

Tumaas ako sa aking kwarto at pinipigilang umiyak. Ayoko na umiyak pa, nagiging mas mahina lamang ako. Hindi na rin ako nasasaktan since sanay na sanay ako.

Simula pre-debut palang ay hinuhusgahan na nila ako. I was the outcast of the group before debut. I tried to fit in pero it was no use. Nung isang araw nga eh dapat susuko na ako pero naalala ko ang ipinunta ko rito sa manila. Pumunta ako rito dahil gusto ko makilala. Gusto kong maging sikat.

Sa probinsya ay young saleslady lang ako ng AVON. Panay alok dito at panay alok roon. Hinusgahan ako ng mga tao. Mukha daw akong pokpok, haliparot at lalo na sa lahat ay retokada. Sabi nila maganda ako pero nagmumukha naman akong retokada, plastik o fake. Gusto ko sana sisihin ang dyos dahil sa sobrang kagandahan na ibinigay sa akin. Pero napag-isip-isip ko. Pwede ko pala ito pagkakitaan.

Lumuwas ako papuntang Manila at nagsimula bilang crew sa jollibee hanggang sa naging model ng jollibee. Hangga’t sa nadiskubre ako ni Manager Dee. At doon na nagsimula ang pagiging myembro ko ng “9 GODDESSES”.

Tang ina, naalala ko tuloy yung mga tukso nila sa akin.

Conceal don’t feel don’t let them know.

Pero later on ay naging retokada ako. Shit, tutulo na yata.

Well now they know.

At napa-iyak ako. Nalala ko kasi nung umuwi ako sa amin ay hindi na ako namukhaan pa ng aking nanay. At sinimula na rin nila akog tuksohin. Ang sakit na marinig ang mga tuksong kinakatakutan mong marinig na marinig mismo sa nanay mo. Buti nalang at patay na ang amerikano kong tatay dahil kung nagkataon ay tutuksuhin niya rin ako at lalo akong malulungkot. Simula nun ay hindi na ako bumalik pa ng probinsya. Niyakap ko na ang kasikatan at binili ang karangyaan ng buhay at kasiyahan ng tao. Sinimula ko na rin ang pagbabago ng isang “Stephanie Young”

Pero may kulang pa rin dito. Tsk, napaka-sensitive ko talagang nilalang. At hindi nagtagal at hindi ko na nalaban ang aking luha. Naiwan akong umiiyak dito na walang nakakaintindi sa akin.

Let it go. 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Lame, right?

Vote, comment, share and support

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now