THE 9 GODDESSES #14 - Déjà vu

3K 91 35
                                    

*YOONA’S POV*

Madilim at masikip, iyon ang estado ng aking hallway na dinadaanan. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako o kung paano ako nakarating dito. Basta ito lang ang alam ko, hinahabol ako ng isang tao na may dala-dala na malaking martilyo. Hindi ko alam kung anong ginawa ko kung bakit ako hinahabol basta nagising nalang ako sa isang madilim na silid at nakita ko ang anino niya. Sunod ko nalang na alam ay tumatakbo na ako. Hindi ko alam pero dahil sa katangahan ko ay nadapa ako. Gusto kong lumaban kaso naduduwag ako at naninigas ako sa takot. Napaatras nalang ako ng nakahiga. Hinawakan niya ang balikat ko at malakas na iniikot. Ngayon ay nakatinggin na ako sa kanya. Itinaas niya ang malaking martilyo niya sa ere. Ito na ang aking hininga. Tatamaan niya na sana ako ng kanyang malaking martilyo kaso...

“CUT!” Putol sa amin ni Director Korina. “Masyadong OA ang pagka-dapa mo, Yoona. Mukhang Unnatural! Ang panget tignan! Panira lang siya ng scene!” Sabi niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito perpekto kung gayun naman ay ito ang sitwasyon namin. Ang sitwasyon namin ay parang sa movie na aking gagapanin. Ang istorya ng pelikula na ito ay umiikot sa isang klase at unti-unti silang nababawasan, unti-unting namamatay ang bawat isa hangga’t sa huli ay nalama nila na ang likod pala sa lahat ng ito ay ang kanilang guro. Ang guro ang may salarin. Ang mas makatataas ang mamamatay-tao. Bawat scene ay nakaka-thrill pero ang problema ay parang hindi ko ata magagawa ng tama. Sabi nga nila, nawala na daw ang spark sa aking pag-aarte simula nung nag-ubusan lahi ang aming grupo.

Bumalik ako sa orihinal ko na pwesto at huminga ng malalim. Magagawa ko ito ng tama, tiwala lang. Lumapit ang direktor sa harap ng camera habang dala-dala ang clapperboard. “TAKE 9! ACTION!” Sabi niya at binaba ang Clapperboard. Kaso sa hindi inaasahang pangyayari, hindi lang ang camera ang tanging gumagalaw ng oras na iyon, kasabay ng pagbaba ng Clapperboard ay ang pagsabog ng isang parte sa aming pinag-shooshootingan na eskwelahan. Kaming lahat ay napahiga sa lakas ng impact.

***

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakatali ang magkapareho kong paa at kamay sa upuan na aking inuupuan. Naka-masking tape naman ang aking bibiga kaya hindi ako makasalita. Pero itong upuan na ito ay naiiba. Wala siyang cushion or anyhing na pampalambot, its just a plain metal chair...with some accesories. Naka-belt ang aking dibdib, singit, binti at braso. May metal na skullcap na nakakabit sa aking ulo. Tinignan ko ang aking paligid, may saksakan pa ang upuan na ito sa bandang kanan. Hindi ko maalala kung ano ang tawag dito pero napapanood ko ito sa mga horror movies.  Wait! Di’ba ang tawag dito—

“Hi Yonna! Meet, Erosotamia XTDF-1269, the modern model of an electic chair.” Sabi ng isang anino mula sa silid. Hindi ko siya makita dahil madilim ang paligid at isang ilaw lang ang nag-papailaw ng silid at nakatutok pa ito sa akin. Yung tipong nasa mga detective stories.

Yoona, scene lang ito sa movie afterall may ganitong scene naman talaga. At ganito rin ang itsura ng scene, detective-like. Para bang déjà vu ang lahat. Nakaramdam naman ako ng kapirangot na spark. Kahit kaunti lang iyon ay masakit parin. “Listen, I am bored as hell kaya let us play a game.” Sabi niya. Wait, wala namang ganito sa script! “You shall answer all my five riddles. Once na nasagot mo ang lahat, malaya ka na. But kung nagkamali ka ng isa, I have no choice but to give an electirc shock.” Sabi niya. Kung sakaling totoo man ito, nice offer afterall magaling naman ako sa riddles and stuffs kaya game ako. Pero hindi ko siya kayang pagkatiwalaan, kalaban siya kaya malamang ay hindi yan susunod sa usapan. “Don’t worry susunod ako sa deal natin. Kahit for once magiging fair ako. I promise to follow the rules.” Sabi niya. Dahan-dahan niyang sinabi ang last sentence. “Hindi ka naman pwedeng makatanggi dahil kung tumanggi ka man, I can press this button to electrify you kahit magiging boring ang death mo. So tumango ka nalang kung sasang-ayon ka.” Sabi niya. Pag tumanggi ako, sure ako na mamamatay ako sa isang pindot nila lang pero kung makipaglaro naman ako sa kanya, may 50-50 chance ako na mabuhay. Kaya no choice ako at tumango. Lumapit naman siya sa akin at nakita ko ang kamay niya na papalapit sa aking bibig at tinatanggal ang masking tape na nakadikit sa aking bibig.

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now