THE 9 GODDESSES #8 - Black Ocean

3.1K 97 20
                                    

*YOONA’S POV*

“Sunny! Open the door! Kakain na tayo ng dinner!” Sabi ko habang kinakatok ang pintuan ni Sunny. It’s been 1-2 hours since nung nakakulong siya dyan. After niya makita ang death threat sa bandang huli ng video ay nag-feak out siya. Nag-madali siyang tumaas at nagkulong sa kanyang kwarto.

“Yoona! Cannot be reach sina Manager Dee!” Sabi ni Hannah. Kanina pa namin tinatawagan sina Yeonnie at Manager Dee pero out of reach na sila.

“Tawagan mo nalang si Stephanie, Jessica o kahit sino!” Sabi ko kay Hannah. “Sunny, I’m giving you five seconds to open up this door! FIVE!”

“Shit, Yoona!” Reaksyon ni Hannah.

“Bakit Hannah?” Tanong ko. “FOUR!”

“Nag-expired na ang unli ko.”

“Shit! Pumunta ka muna sa kabilang dorm! Makitawag ka muna kayna Ultra Junior oppa! THREE!” Sabi ko.

“Nasa world tour sina Ultra Junior oppa, remember?” Sabi ni Hannah. Oh, That’s right, nasa world tour sila.

“Kinun mo nalang yung susi sa mga kwarto, Hannah! TWO!” Sigaw ko at hindi nag-tagal ay nakarinig ako ng mga tumatakbong paa mula sa ibaba.

Bakit ba kasi nag-kakaganito kami? Wala naman kaming nagawang masama di’ba? Inabot lang naman namin ang mga pangarap namin pero bakit kailangan ganito ang kahahantungan? Nung una, ayaw nila sa amin. Ang mga dating videos namin ay puno ng mga mapapanlait at masasakit na comments, Flooded ang aming mga emails dahil sa mga hate mails, at ang mas malupit ay binigyan kami ng isang black ocean. Tandang-tanda ko pa ang lahat. Siguro lahat kaming 9 GODDESSES ay tandang-tanda pa rin ang lahat.

[FLASHBACK STARTS...]

Finally! Makakatapat na rin kami sa pinaka-malaking entablado ng taon! Sa wakas at naka-abot din kami ng ganito kalayo. Sa wakas at makaka-perform na kami sa Dream Concert!

 

Dream Concert, isang music festival kung saan lahat ng mga sikat ng artist ay nag-sisidagsa. Isang music festival kung saan ang mga fandom ay IISA

 

“LET US WELCOME, THE 9 GODDESSES!” Tawag sa amin ng host. Pero instead na hiyawan ng mga fans ang aming narinig, katahimikan lang ang pumalibot sa amin. Pumunta na kami sa stage at nag-ayos. Katahimikan pa rin at kadiliman. “Let’s give them a hand, 9 GODDESSES!” Sabi ng host pero walang pumalakpak.

 

Hindi na nag-tagal at tumugtog na ang aming debut song na ‘Into the new world’. Kami ay sigla na siglang nag-peperform habang ang mga audience ay patay na patay. Walang kaingayan at walang liwanag hindi tulad sa mga ibang nag-perform. Isang sulok lang ang makikita mong may liwanag maliban sa stage. Isang maliit sulok sa bandang kanan. Isang mallit sulok puno ng kulay pink. Sulok ng mga fans namin na ang ‘Demi-gods’. Bagama’t bago pa lang kami sa industriya kaya maliit at weak pa ang aming fanbase. Siguro ang fandom namin ay 5% lang sa venue kung saan kami nag-peperform.

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now