Naglagay lang naman kami ng pintura at flour na kapag binuksan ang pintuan ay mabubuhos sayo ang pintura at susunod yung harina.

Biglang bumukas ang pintuan. At base sa tikas neto, si Zerah ang nauuna. Kaya sya ang nabuhusan ng pintura. Akala nya tapos na? Hindi pa. *smirk*

Hindi sya nakagalaw agad at bumuhos ang harina.

Umalingawngaw ang napakalakas na tawanan sa classroom.

Nagulat kami ng biglang natumba si Zerah tila nahimatay. Pero bago pa sya bumagsak sa sahig ay nasalo na sya ni Zeb.

"SHIT!" Malakas na mura ni Zeb.

Mas lalo kaming nagulat sa sunod na nangyari.

Binuhat ni Zeb si Zerah na parang bagong kasal at agad na lumabas.

Pagkalabas nila'y sumigaw naman si Skyla.

Isa sa mga kaibigan ni Zerah.

"IF SOMETHING BAD HAPPENS TO ZERAH...ALL OF YOU WILL FUCKING PAY!" -Skyla. Makikita mo ang ugat na lumalabas sa sintido nya dahil sa sobrang galit.

"HINDI NYO KILALA KUNG SINO ANG BINABANGGA NYO." Ngayon ko lang nakitang seryoso si Rain. Yung childish sa grupo nila.

After that ay nagsilabasan na sila para sundan si Zeb at Zerah.

"Pare anong koneksyon ni Zeb sa kanila?" -Axel

"Yeah. I'm confused." -Blaze

"Ako rin eh. Kitang-kita sa mga mata ni Zeb ang galit at pag-aalala dahil sa nangyari." Kunot noong sabi ni Keith.

Miski ako'y nagulat sa nangyari.

Habang malalim ang iniisip ko biglang dumating na ang teacher namin.

"Good Morning class." -Ms. Reyes. Buti hindi sya nadulas sa harina at pinturang nasa sahig. At hindi nya rin yata napansin.

Biglang may kumatok at kinausap si ma'am. Maya-maya lang ay pumasok ulit si Ms. Reyes.

"Okay class, we have no classes today because we will have a faculty meeting." -Ms.Reyes

Pagkasabi ni ms.Reyes nun naghiyawan sa saya ang mga kaklase namin. Kahapon may faculty meeting rin ha? Nagtataka na ko. First week pa lang pero ang dami nilang meeting.

"Tara puntahan natin sila. Baka nasa clinic." -Axel

"Lance kanina ka pa hindi umiimik. Okay ka lang? " tanong ni Keith

"May iniisip lang."

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng clinic.

Binuksan agad ni Axel yung pinto at nakita namin si Zerah na nakahiga sa higaan (malamang). Ang mga kaibigan nya naman ay nakaupo sa gilid.

Si Zeb? Ayun. Nasa tabi ni Zerah. naka-upo at hawak ang kamay ni Zerah na nakatapat sa bibig nya.

Biglang napatingin si Zeb sa amin. Sobrang sama ng titig nya samin.

"Anong ginagawa nyo dito?" cold nyang sabi.

Anong nangyari kay Zeb? Hindi naman sya ganyan ah? Nakikita lang namin syang seryoso kapag may battle sa Gangster World. Pero iba ang inaasal nya ngayon.

"Nandito kami para tignan ang kalagayan ni Zerah." -Axel

"After what you did to her?" Nakapakrus ang mga braso nya at nakataas ang isang kilay ni Skyla sa amin.

"We didn't expect this to happen." -Blaze

"Kahit na!" -Rain

"Skyla! Rain! Stop that! Hindi matutuwa si Zerah kapag nalaman nyang pati kayo ay nakikipag-away." -Zeb

"Fine. Tsh." Sabi ni Skyla at umupo na.

"Ngayon lang toh Zebedy Hyde Quiever Kapag may ginawa na naman silang masama kay Zerah..." Tumigil sya sa pagsasalita at masamang tumingin samin.

"They will pay." cold na sabi ni Rain.

"Di na mauulit." Sabi ni Axel. What the fuck? Ganun lang yun? PAANO NAMAN-- Psh.

"Siguraduhin nyo lang." -Farrah.

"Hmm." mahinang daing ni Zerah.

Napatingin si Zeb at napatayo ng wala sa oras ang mga kaibigan nya.

"Are you okay princess?" puno ng pagaalalang ang tinig ni Zeb.

"Okay ka lang Zerah?" -Rain

"Gutom ka na ba?" -Farrah

"Are you okay?" -Jordyn

"May masakit pa ba sayo?" -Skyla

"Isa-isa lang aba." sabi ni Zerah sabay pout. Cute. Wait what? No. I didn't say anything. Ngayon ko lang kasi nalamang may childish side pala sya.

"I'm okay and I'm not hungry." -Zerah

"Good to hear." -Zeb.

"Uhm...Zerah, gusto sana naming magsorry." Sabi ni Axel na kinakamot ang batok nya.

"Nah. Okay lang." Sabi ni Zerah na may tipid na ngiti. Wait naninibago ako.

"WHAT!? GANUN-GANUN NA LANG YUN?!" sigaw ni Skyla.

"We are asking forgiveness from Zerah. We don't need your opinion." -Blaze

"Bakit? May sinabi ba akong kailangan mo?! HA?!" Galit na sambit ni Skyla.

"Oh tumigil na kayo dyan." saway ni Zeb sa kanila.

Bumukas ang pinto ng clinic at lahat kami ay napatingin doon. Yung nurse lang pala.

"Hija may masakit pa ba sayo?" -Nurse Cherry

"Okay na po ako. Pwede na po ba akong makalabas dito?" -Zerah

"Yes."

"No." sabay na sabi ni Zeb at ng nurse.

"Huh?" -Zerah

"Just stay here okay? Magpahinga ka muna at mamaya ka na lumabas." -Zeb. Tsk. Ano ba talagang relasyon nila?

"Pero--" aangal sana si Zerah kaso pinutol ni Zeb ang sasabihin nya.

"No buts Zerah. Nurse Cherry, pwede na po kayong lumabas." -Zeb

"Aish. Kahit kelan talaga." bulong ni Zerah.

"Ano? May sinasabi ka?" sabi ni Zeb na kunyari'y walang narining.

"Wala sabi ko mamaya na ako lalabas." -Zerah

"ANO BA?!" -Skyla

"Hoy tumahimik nga kayo!" sigaw ko sa kanila.

"Oh? Nandyan ka pala? Akala ko nadulas ka na eh." -Skyla

"Maraming namamatay sa maling akala." Sabi ko.

"Maraming namamatay dahil samin." -Skyla. Walang bahid ng biro ang tono ng pananalita nya. Tila gusto nya na talaga akong patayin right here, right now.

"Skyla, ano ba?" Sabi ni Farrah na hinila si Skyla para kausapin sa isang tabi.

What was that? Now I'm more than confused. I'm curious. Who are they?

***
End of Chapter 4

Gehenna University: School of GangstersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora