Chapter 6

2.7K 67 4
                                    

Chapter 6: It Begins

Zerah's POV

Wala ako sa mood ngayon. Tss. Ni isipin ang nangyari kanina eh ayokong gawin.

Baka hindi ko ma-kontrol ang galit ko.

Napagdesisyunan ko nang kumain at maligo para makatulog na ko.

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain.

Hmm..Ay eto na lang.

Kinuha ko ang strawberry cake sa ref at umakyat na sa kwarto ko para kainin ito.

Nagdala rin ako ng tubig para syempre hindi ako mauhaw.

Habang kumakain ay biglang nag-ring ang phone ko.

Sinagot ko ang tawag.

"ZERAH?! Asan ka?!" Agad kong tinanggal ang phone ko sa may tenga ko.

"Nakakarindi ka. Nasa bahay ako." Si Farrah nga pala yung tumawag.

"Bat di mo man lang sinabing uuwi ka?! Nag-alala kami sayo!" Huh? Hindi ba kumalat yung ginawa ko? Dapat alam na nila yun diba?

"Basta." Sabi ko at binaba na yung tawag.

Nagtataka ako. Bakit hindi nila alam yung nangyari?

By now dapat kalat na yun sa school.

Maraming chismosang frogs dun eh.

Hayaan mo na nga. Kung hindi nila alam, hindi na ako mag-aabalang sabihin pa.

Farrah's POV

Binabaan nya ko ng tawag.

"Ano? Success ba?" Tanong ni Rain.

"Oo." Nakahinga naman sila ng maluwang. Naguguluhan ba kayo? Sige. Para malaman nyo..

*Flashback*

Kasalukuyan kaming nasa library nang biglang may tumawag samin.

"Farrah Kim, Rain Ziegler, Skyla Mendoza, Jordyn Jones, pinapatawag kayo sa dean's office." Sabi ng babaeng mukhang secretary.

Nagkatinginan kami at dumiretso na sa office ng dean.

Pero bago pa kami makalapit sa office ay nakita namin yung Ashley Tan at Steffanie Jin na kinakausap ng dean.

Tumango-tango ang dean at umalis na yung dalawa.

Napatingin yung dean sa gawi namin.

"Oh, andyan na pala kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay." -Dean

"Ano bang nangyari?" -Skyla.

Eto na naman tayoooo. Pinandilatan ko si Sky pero inismiran nya lang ako.

"Binugbog ni Zerah Cole si Ashley Tan." -Dean

Nagulat kami at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.

"Bakit daw po?" -Rain

"Ang kwento ng dalawa eh tinanong lang nila kung bakit mag-isa lang sya tapos bigla daw syang binugbog." -Dean

What? Masyadong mababaw yan.

"Nasan na si Zerah Cole? Hindi nyo ba kasama?"

"Wala na po yung kotse nya eh. Umuwi na yata." -Rain. May tracker kami ng mga kotse namin okay? Wag kayong magtaka.

"Ano ba kasing nangyari? I know for sure, na hindi gagawin ni Zerah yun kung hindi nila sinimulan." -Skyla

"I agree. It's better kung wag nyong tanungin ang dalawang yan dahil for sure ay magsisinungaling lang sila. Or better yet, maghanap kayo ng lie detector nang magkaalaman na." -Jordyn

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now