Chapter 7

2.5K 65 0
                                    

Chapter 7: Gangster Arena

Lance's POV

Maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan.

Naligo na ko at bumaba para tignan kung gising na sila.

Wala pa rin yung mga kupal. Anong oras pa lang ba?

3:00 pa lang pala. Bakit ang aga ko naman yata magising?

Pumunta na ko sa may ref para kumuha ng bacon.

Kakain ako ng breakfast syempre.

**

Matapos kong kumain ay umalis na ako ng bahay.

Ewan. Trip kong mauna ngayon eh.

**

Pinark ko na ang kotse ko at pumunta sa HQ. Mas madaling magimbestiga dito, dahil dito, kumpleto ang kagamitan. At ang computer dito ay made solely for hacking and gathering information.

Nagsimula na naman ako sa paghahanap ng impormasyon kina Zerah.

**

Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin akong nakukuha. Tsk.

Huminga muna ako saglit. Naalala ko yung eksena kahapon ni Zerah at nung dalawang babae.

Nagulat ako ng sobra noon. Kasi hindi ko inakalang makakawala sya sa bisig ko.

Biruin mo? Sa lakas kong yon? Makakawala sya?

Well sabagay. School naman ng mga gangster etong Gehenna University.

Hindi na ako magugulat kung pati si Rain ay mabalitaan kong nakikipag away sa underground.

Lahat ng estudyante sa school na toh ay gangster. Yun ang sabi ni Zeb. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang magpapasok dito ng mga gangster.

I mean, kasi, kung tatanungin mo yung iba, hindi nila alam na LAHAT ng nasa school na ito ay gangster.

Nalaman lang namin nila Keith dahil anak si Zeb ng owner ng school.

Pag may nag-enroll daw dito na hindi gangster agad itong pinapatalsik sa school. Walang pali-paliwanag, basta paaalisin sya sa university.

Pero nakakapagtaka pa rin. Ako na leader ng Rank 2 sa Gangster World? Hindi napanatili si Zerah sa bisig ko?

Hindi kaya...Hindi. Imposible.

Napailing ako at nagsimula na ulit magimbestiga.

*Kring**Kring*

Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan kung sino yung tatawag.

"Ano?"

"Asan kayo pre? Wala kayo sa bahay?" -Keith

"Nasa school na."

"Ahh. Yun naman pala eh nasa school na sila Lance." -Keith

"Kami? Ako lang nandito. Mag-isa akong pumunta sa school."

"Ha? Eh asan si Zeb? Wala sya dito eh." -Keith.

Paanong wala dun si Zeb?

"Umuwi ba kagabi?"

"Oo, kaso late na late na. Mga 8:00 na sya umuwi." -Keith.

"Sige. Maglilibot ako dito para tignan kung makikita ko sya." Sabi ko at binabaan na sya ng tawag.

Looks like hindi ko maipagpapatuloy ang ginagawa ko.

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now