Chapter 8

2.6K 66 3
                                    

Chapter 8: Silent Killers VS Fallen Angels

Zerah's POV

Hinihintay namin ang galaw nila. Walang nagsasalita. Kung tahimik sila, mas tahimik kami.

Delikado itong hindi kami gumagalaw. We don't make the first move. Hinahayaan naming mangibabaw ang kayabangan ng kabilang panig.

Naka fighting stance kami, but to get them to make the first move, tinignan ko sila Farrah para gawin ang stance B.

Ang stance A ay ang fighting stance namin kung saan bantay namin ang likod at gilid ng bawat isa. Halata dito ang kahandaan naming lumaban.

Ang stance B, we will make them believe that we are off guard at hindi namin bantay sarado ang isa't isa.

Pero ang totoo ay kayang-kaya namin depensahan ang bawat isa dahil sa mabilis naming reflexes at malakas na pakiramdam.

And next, a little provoking. *smirk*

Tinatakpan ng mask namin ang buo kong mukha. Ang disenyo nito ay matigas ang nasa may noo papunta sa ibabaw ng ilong, bulletproof. At isang magandang quality ng tela ang nakatakip sa ilong namin down to our chin.

Kaya hindi nila makikita ang ekspresyon na gagawin ng mukha namin.

"Namiss kong lumaban. Pero mukhang boring na naman ang laban na ito. Easy win. As usual." -Skyla. She's usually the one who provokes the other team.

Medyo pasimple nyang pinarinig sakanila pero hindi nya pinahalatang nagpaparinig sya. Magulo? I don't care.

Nakita ko sa peripheral vision ko. Susugod na sana yung isang babae pero pinigilan sya nung lalaki. Tsk. Naiinip na ko.

If I'm correct, si S yung babaeng yun, at ang pumigil sakanya ay si L.

Lumipas ang ilang segundo at nagsalita ulit si Skyla.

"Eh wala pala tong mga toh eh. Mag-aaya ng laban, tas ngayon duduwag-duwag?" Natatawang bulong ni Skyla kay Rain.

Napangiti at napailing kami ni Farrah. Maririnig din naman ang mahinang tawa ni Rain at Jordyn.

Too slow. Too obvious.

Mabilis akong lumingon sa likod at sinanggi ang kutsilyong hawak ni T. Lalaki.

Agad ko syang sinikmuraan at sinugatan ang dalawang paa nya gamit ang kutsilyo ko.

"Smoke bomb." -Jordyn. Enough for all of us to hear.

Tinaas ko ang tela ng maskara ko at tinakpan ang ilong at bibig ko gamit ang kaliwa kong kamay.

Hindi ako gumalaw. Nakiramdam muna ako sa paligid ko. I held my katana out to guard myself.

In these kind of situations, hindi namin hinahanap ang isa't isa.

Dahil kapag nagkasama ang dalawa, hindi makakasiguro kung may kalaban bang paparating.

At hindi rin makaka-focus dahil kung nakikipaglaban kayo, baka hindi mo namamalayan, kakampi mo na pala ang inaatake mo.

Nakiramdam ako sa paligid at tama nga ang hinala ko.

Dalawa silang lalaban sakin. *smirk*

They plan to beat us in the smoke bomb? Well sorry to say pero trained kami dito.

Kinuha ko ang katana at spear ko.

This is gonna be fun.

Welcome to hell, S and E. *smirk*

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now