Chapter 13

2.1K 56 5
                                    

Chapter 13: The Deal

Zerah's POV

Nakakain na kami at lahat pero tulog pa rin yung Lance na yun.

"Zeb, gisingin mo na si Lance." Sabi ng isang lalaki. Nakalimutan ko pangalan nya. Aris? Alex? Egg cell? Naka-mask pa rin kaming lahat.

"Bakit ako?" -Zeb

"Gisingin mo na." -Glaze? Ewan.

"Tsk. Bwisit tong mga toh." Sabi nya at tumayo na. Gagawin rin pala eh, nagrereklamo pa.

Nasa sala kami ngayon, aakyat pa si Zeb ng sixth floor kasi sa guest room ng sixth floor natulog si Lance.

Bakit ba parang pagod na pagod yung lalaking yun? Anim na oras lang naman kami naglaban.

Ang weak naman nya kung ganun?

Ilang minuto ang lumipas ay kasama ni Zeb na naglalakad si Lance papunta sa sala.

Naka mask na rin si Lance.

Malay ko ba kung nakakain na sya. At wala rin akong pakialam.

Naramdaman kong papasok na si Dad sa sala kaya naman umayos na ako ng upo. Ganun din sina Skyla at si Zeb.

Pumasok na sya at tumikhim nang makitang kumpleto na kami.

"Okay, line up." Pumila naman kaming lima. Naka-sideview kami, bali magkakadikit ang braso namin.

Gets nyo? Well, wala naman akong pakialam kung di nyo gets. Bahala kayo mag-imagine.

Ginaya kami nina Zeb. Magkaharap kami ngayon. Isipin nyo na lang mga body guard kami at nakapila sa gilid ng red carpet ng isang sikat na artista or something.

Kung hindi nyo pa rin gets, wala na akong pakialam. Mamatay kayo kaiisip kung ano bang sinasabi ko.

"Remove your masks." Nagulat ako sa sinabi ni Dad.

Mabilis kaming napalingon sakanya. Walang gumagalaw.

Remove our masks?! Is he fucking serious?!

"I said, remove your masks." -Dad

"We can't do that--" pinutol nya ang sasabihin ko.

"REMOVE YOUR MASKS OR I WILL ORDER THE SNIPERS TO SHOOT." -Dad

What the actual fuck? Okay this is bullshit.

He wouldn't. He couldn't.

"5..." Is this serious? Binibilangan nya kami?

Unti-unting napahawak si Zeb sa mask nya at tinanggal ito.

Hindi na kami nagulat dahil in the first place, nang matapos ang laban kahapon ay naman nilang sila Zeb ang kinalaban namin.

Napahawak rin sa mask ang ibang kasama nya. Pero kami nila Farrah ay nananatiling hindi gumagalaw.

"4..."

Shit. Is he really going to shoot us?

Nanginginig, napahawak si Rain sa mask nya.

Nakiramdam ako sa paligid.

Fuck.

May mga sniper na nakatutok samin.

Gago ka talaga Dad. Ano na naman bang pakulo ito?

Nagsitanggalan na ng mask ang mga lalaki.

Unti-unti, tinanggal ni Rain ang mask nya, na syang nagpalaki ng mga mata nila Lance.

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now