Chapter 4

2.7K 77 6
                                    

Chapter 4: The First and the Last

Zerah's POV

Maaga akong nagising kasi kakainin ko yung binigay ni kuya at magluluto na ako ng almusal namin. Ginanahan ako dahil sa regalo ni kuya hehe.

Maya-maya'y natapos na rin ako.

"GOOD MORNING ZERAH!" masiglang bati ni Rain.

"What is that? Is it bacon?" Sabi ni Jordyn na naguunat pa.

"TOTOO BA TOH?! NAGLUTO KA ZERAH?!" di makapaniwalang sabi ni Farrah. Nakatakip pa yung kamay nya sa bibig nya. Tss.

"Aga natin ah?" Sabi ni Skyla na humikab pa.

"Kumain na kayo." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Ginawa ko na ang morning routine ko at maya-maya rin ay bumaba na ko.

Pagkababa ko ay nakita ko na silang nakaayos na.

"Wanna have a race?" -Jordyn

"Baka matalo ka na naman?" Nakangising sabi ni Skyla. Nakakrus pa ang mga braso nya.

"let's see." Sabi ni Jordyn na nakapamewang.

"GAME." Sabi nila.

Pagkatapos nilang sabihin yun ay sumakay na ko sa Matte black Lamborghini ko.

Si Rain ay sumakay sa kanyang Matte Maroon Lamborghini.

Si Farrah ay sumakay sa Matte Pink Lamborghini.

Si Jordyn ay sumakay sa Matte Blue Lamborghini.

At si Skyla naman ay sumakay sa Matte Purple Lamborghini.

"READY!" -Skyla

"START YOUR ENGINES!" -Rain

"GET SET!" -Jordyn

"GO!" -Farrah

Nagsimula na kaming magkarera. And as usual ay nauuna na naman ako.

***

"Paano ba yan? Ako ang second." mayabang na sabi ni Jordyn. Nakangisi at nakapamewang pa nyang sinabi yun kay Skyla.

"First." bored kong sabi.

"THIRD AKO WOOOH!" Masayang sabi ni Rain.

"Fourth." Sabi ni Farrah na may hawak na nail file at kinikiskis ang kuko nya. Hanggang dito ba naman?

"Oo na ako na talo. Tsk" nakasimangot na sabi ni Skyla.

"HAHAHAHAHA!" tawa nilang  lahat. Hindi ako natatawa. Lagi naman syang talo. Mailap kasi sya sa paligid. Nagiingat sya palagi at baka may mabangga sya or so.

"Tara na't baka malate na naman tayo." sabi ko at naglakad na ulit.

***

Nasa tapat na kami ng classroom. At dahil ako ang nauuna, ako ang nagbukas ng pinto. Alangang pagbukasin ko si Skyla eh nasa likod sya.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari

*SPLAAAASH*

Lance's POV

It's payback time *smirk*.

Maaga kaming pumasok para maisagawa namin ang plano.

Lahat kami ngayon ay nagaabang na bumukas ang pintuan.

"Sino ba kasi yung hinihintay nyo?" kanina pa yang tanong ni Zeb. Hindi kasi sumabay samin. Ayan.

"Watch." -Axel

Gehenna University: School of GangstersWhere stories live. Discover now