Chapter 38 : i'm sorry, but I love her

Start from the beginning
                                    

She's a picture of devastated girl na animo tinakasan ng bait sa sarili.

Ang Audrey na nakilala kong jolly, optimistic at very cheerful sa isang iglap ay nawala.

Nilamon ito ng sariling emosyon.

Lost and wounded.

I really pity her pero wala akong magawa. Lalo pa at ang sitwasyon namin ngayon ay hindi naman na kagaya ng dati, na sa tuwing mabo-broken hearted sya ay ako ang nagiging takbuhan nya, taga-alo at karamay sa kung anong maisipan para lamang maibsan ang hungkag nyang nararamdaman.

This time it's completely different dahil ako na mismo ang involved ng ipinagkakaganito nya.

The friend who become the center of her life.

I just can't imagine kung gaano kasakit sa kanya ang sitwasyon namin ngayon.

" i-im sorry, Audrey. Pero... " I pause habang tinatantya kung paano ipapaintindi sa kanya ang lahat "..pero hindi kita pinilit na mag-invest ng kung ano-ano para sa akin. Alam kong alam mo na from the start I only sees you as a friend at iyong pagiging close ko sayo ay walang ibang kahulugan"

Patlang.

Nakamasid lang ito habang tila naghahagilap ng mga salita.

"I'm still willing to forgive you Gab" pamaya-mayang anas nito sa hinang-hina na tono " bawiin mo lang ang mga sinabi mo, leave her at ibibigay ko ang lahat-lahat sa iyo"

I abruptly stop and stare at her. Hinahagilap sa mga mata nito ang kumpirmasyon sa mga katagang nasabi.

"you are out of your mind, Audrey" pamaya-maya kong tugon. Slowly, shaking my head dahil hindi makapaniwala sa kondisyong inilalatag ng kaharap.

"maybe I am, and it's all because of you... kaya please... I'm begging you to choose me" she said desperately kasunod ng unti-unti nitong paglapit pero natigilan ito when I held out my hands and motion her to stop.

"this is not make any sense at all" iiling-iling kong komento "Hindi ipinipilit ang pagmamahal, Audrey. Don't push it dahil masasaktan ka lang. so please..wag' mong pababain ang sarili mo ng dahil sa akin, dont do this to yourself and just accept the fact na my girlfriend na ako"

" sana maintindihan mo na wala akong mai-offer saiyo bukod sa pakikipagkaibigan" dugtong ko pero hindi pa rin nito makuhang kumibo and just staring at me with full pain on her eyes.

"There's someone out there more deserving of your love Audie, and unfortunately hindi ako iyon. in time mahahanap mo rin ang taong para saiyo at kung hindi man iyon ngayon alam kong in god's perfect time ay kusa iyong darating sayo." I carefully explained.

"but I don't want anybody else, Gabby" tutol nito "I only want you!" she exclaims crying habang hilam sa luha.

Napipilan ako pansumandali dahil sa pagiging agresibo nito pero kaaagad ding nag-react.

"I'm sorry pero mahal na mahal ko si Louise and no one can ever change that" napapagod kong tugon dito.

Totoo iyon, sobrang mahal ko ang katipan at walang sinuman ang pwedeng makapagbago nuon.

Hindi ko alam kung anong klase ng mahika ng pag-ibig ang dumapo sa akin at napaka-intense ng nararamdaman ko para sa sariling girlfriend. Even myself cannot explain how that simple and intense sexual encounter sa isang bar ay nauwe sa ganitong feeling.

At ngayon pa lang aaminin ko na, hindi ko kakayanin kung sakaling mawawala si Louise sa akin. Mantakin ko mang isipin ay naninikip na ang dibdib ko paano pa kaya kung sakaling paglaruin kami ng tadhana at paghiwalayin ng landas.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now