Chapter Twenty-five

1.7K 122 8
                                    

NAPABILIS ANG lakad ni Emong papasok sa loob ng bahay. Naabutan niyang nagtatalo sa salas sina Altaire at Grace.

Saglit na napahinto sa pagtungayaw si Grace pagkakita nito sa kanya. Si Altaire naman ay napako rin ang tingin sa kanya.

"E-excuse me..." Tahimik siyang naglakad papunta sa kanyang silid. Nang makapasok na siya ay saka niya muling narinig ang nagwawalang boses ng ex-girlfriend ni Altaire.

"You are going to marry me. Whether you like it or not!"

Sumilip siya sa pinto pero hindi niya makita ang dalawang nagtatalo. Nagtiyaga na lang siya sa pakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Okay, stop shouting. Nabibingi na ako sa'yo. You stay here. Magbibihis lang ako."

Nagmamadaling isinara ni Emong ang pinto sa takot na makita siya ni Altaire.

Ilang sandali pa ay narinig niyang muling nagsalita si Grace. "Bilisan mo, kanina pa tayo hinihintay ng parents ko."

Muli niyang binuksan nang konti ang pinto at dahan-dahan siyang sumilip. Nakita niyang naglalakad na ang dalawa papunta sa gate. Nakita rin niya ang nanay niya na nakasunod sa dalawa.

Narinig niya nang mag-start ang kotse ni Altaire. Pati ang pagharurot nito papalayo sa bahay na iyon.

Sinalubong niya ang ina na nagbukas at nagsara ng gate ng garahe.

"O, nandyan ka na palang bata ka. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po ako nagugutom," magalang niyang sagot sa ina. "Ano pong nangyari sa dalawang iyon, 'nay?"

Nagkibit-balikat si Aling Rosita. "Ayun, nagtatalo. Buntis si Grace at pinipilit niya si Altaire na pakasalan siya."

Nanlaki ang mga mata ni Emong. Tapos ay napailing siya. "Hindi puwede... Hindi siya puwedeng pakasalan ni Altaire."

"Ha? Anong pinagsasasabi mo riyan? Hayun nga at pupunta na sila sa bahay ni Grace dahil gustong makausap si Altaire ng mga magulang nito."

"Hindi puwede, 'nay. Hindi po sila puwedeng magpakasal."

"Naku, ipipilit mo na naman ang pagkakagusto mo kay Altaire. Hindi nga kayo puwede."

"Hindi po 'yun, 'nay. Hindi po puwedeng magpakasal si Altaire kay Grace kasi may boyfriend si Grace," natatarantang sabi niya.

"Ano kamo? May boyfriend si Grace? Saan mo naman napulot ang balitang 'yan?" Ayaw paniwalaan ni Aling Rosita ang sinabi ng anak.

"Nakita ko si Grace kahapon habang nasa mall kami nina Maya at Aldrin. May kasama siyang lalaki. Sweet sila at babe ang tawagan nila. Hindi po ba boyfriend 'yung ganoon?"

"Eh, baka naman close friend lang," naiiling na sabi ng matandang babae. "Ikaw, ha 'wag kang makigulo sa kanila. Baka lalo lang gumulo ang sitwasyon ikaw pa ang maipit sa huli," paalala nito sa anak. "Buntis si Grace. Si Altaire ang ama. Dapat lang na magpakasal sila."

"Pero, 'nay magpapari si Altaire."

"Oo, pero nakabuntis siya. Kaya huwag ka nang umapela. Hay, naku! Kumain ka na at ako ay magpapahinga lang sandali. Katatapos ko lang mamalansta." Iniwan na nito si Emong na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

Nagkulong na lang sa kuwarto si Emong. Paano siya kakain kung ganitong inaalala niya si Altaire? Napakabungangera pala talaga ng Grace na 'yon. Kawawa lang si Altaire kapag pinakasalan niya iyon."

Tumunog ang cellphone niya. May nag-text.

Nasa bus na kami, byahe na pabalik ng province.

Napangiti siya pagkakitang kay Aldrin galing ang mensahe. Agad siyang sumagot.

Ingat kayo, Aldrin. Nasa bahay na ako, nagpapahinga lang. Salamat nga pala sa pag-treat sa amin kahapon...

Nagulat siya nang makatanggap ng sagot.

Bespren, ako ito. Ako 'yung nag-text sa'yo, hindi naman si Aldrin. Naki-text lang ako kasi wala akong load.

Nanlaki ang mga mata niya. Pahiya siya!

Malay ko ba? Eh, number ni Aldrin 'yung lumabas sa phone ko. Sige na, ingat kayo sa biyahe. Matutulog muna ako.

Tinapos na niya kaagad ang usapan dahil sigurado siyang katakot-takot na panunukso na naman ang aabutin niya kay Maya.

Ikaw, bespren may tinatago ka sa akin, 'no? Kuwento ka naman.

Sabi na nga ba.

Ano naman ang itatago ko sa'yo? Inaantok lang ako. Saka na ako magkukuwento.

Promise?

Hindi na siya sumagot para tumigil na si Maya.

Hindi na rin niya namalayan ang oras dahil nakatulog na siya. Nagising na lang siya sa mga katok sa pinto ng kanyang silid.

"Emong, anak! Bumangon ka na at nang makakain."

Nagkakamot ng ulo siyang bumangon para buksan ang pinto.

"Nay..."

"Gabi na. Napasarap ang tulog mo. Nagpuyat ka ba kagabi?

"Hindi naman po. Napagod lang siguro."

"Kumain ka na sa kusina, ha? Nakakain na kami ni Mrs. Torres. Kayo na lang ni Altaire ang hindi pa kumakain."

"Nakauwi na po ba si Altaire?"

"Hindi pa. Tinawagan na nga ng mama niya kanina. Siguro pauwi na 'yon ngayon."

"Nasaan na po si Mrs. Torres?"

"Naroon sa kuwarto niya."

"Sige na po, 'nay. Kakain na ako. Magpahinga ka na rin po. Ako na lang ang maghahain kay Altaire pagdating niya."

"O, siya sige. Huwag kang mag-iiwan ng maruming plato sa lababo." Iniwan na siya ng nanay niya at pumasok na ito sa silid.

Kasalukuyan siyang kumakain nang marinig niya ang ugong ng kotse sa labas ng bahay. Si Altaire na siguro 'yon!

Nagmamadali siyang lumabas. Nang makita niya ang kotse ni Altaire ay kaagad niyang binuksan ang gate ng garahe para makapasok ang sasakyan.

Nang maiparada ang kotse ay pinatay ni Altaire ang makina at saka lumabas ng kotse.

Muntik pang masubsob ang binata paglabas nito ng sasakyan. Mabuti na lamang at maagap itong naalalayan ni Emong.

Nalanghap niya ang hininga ni Altaire. Napansin din niya ang namumungay nitong mga mata.

"Lasing ka?"

Ngumisi ito sa kanya. "Hindi. Nakainom lang."

"Bakit ka uminom? Tapos nagmaneho ka pa. Eh, kung naaksidente ka kaya?"

"Kapag naaksidente ako, parusa sa akin iyon ng Diyos. Kasi, nagpatalo ako sa tukso. Hindi ko inisip na nakatakda akong maglingkod sa Kanya." Dama ni Emong ang lungkot sa boses ni Altaire.

"Kumain ka na ba? Halika, sabay na tayong kumain."

Umiling ang binata. "Ayoko, ikaw na lang. Gusto ko nang matulog."

"Kaya mo bang umakyat sa kuwarto?"

"Oo..." Humakbang na si Altaire pero pagkatapos ng tatlong hakbang ay bigla na lang itong nabuwal.

"Altaire! Diyos ko!" Hindi malaman ni Emong kung paano itatayo ang binata.

Pilit niyang ibinangon si Altaire. Isinampay niya sa kanyang balikat ang isang braso nito at dahan-dahan nilang inakyat ang hagdan papunta sa kuwarto nito.

Nang makapasok sa kuwarto ay maingat niyang inihiga ito sa kama. Sa malas ay mukhang bukas na ito babangon.

Pinagmasdan ni Emong ang maamong mukha ni Altaire. Hanggang ngayon ay gustong-gusto pa rin niya ang kaguwapuhan nito. Sayang at mag-aasawa na ito. Noon, nanghihinayang siya dahil seminarista ito. Ngayon naman, ikakasal na ito dahil nakabuntis daw. Ang sama no'ng Grace na 'yon. May boyfriend pero nagpabuntis kay Altaire eh, ex na nga siya. Dapat doon siya nagpabuntis sa bagong boyfriend niya. Buwisit siya!

Buwist talaga siya!

Emong AlembongWhere stories live. Discover now