Chapter Eleven

2.3K 135 14
                                    

"GOOD MORNING!" Masaya ang mukha ng doktor nang pumasok sa silid ni Emong. Naroon din sa kuwarto si Aling Rosita.

"Good morning din po, doc." Sinabayan ng nanay ni Emong ng ngiti ang pagbati sa manggagamot.

"May magandang balita po ako sa inyo. Nakita ko na ang resulta ng MRI at iba pang lab tests ng pasyente at maayos naman lahat. Wala na kayong dapat pang ipag-alala sa kalagayan niya. Maaari na siyang lumabas bukas at sa bahay na lang magpagaling," pagbabalita ng doktor. "Bibigyan ko na lang siya ng reseta para sa mga gamot na iinumin niya at iba pang instruction sa paglilinis ng sugat niya sa binti."

"Naku, maraming salamat, doc." Bumaling si Aling Rosita sa anak. "Narinig mo iyon, anak? Makakalabas ka na bukas."

"Opo, 'nay. Excited na rin akong lumabas. Gusto ko na nga pong pumasok sa school, eh."

"Hindi ka pa puwedeng pumasok. Siguro, next week pupuwede na," sabi ng doktor.

"Okay po, doc."

"Eto po ang mga bagong reseta niya." Iniabot ng doktor kay Aling Rosita ang kapirasong papel.

"Sige po, doc."

"Pupuntahan ko po muna iyong iba kong pasyente. Kapag may kailangan po kayo, sabihin n'yo na lang po sa nurse."

Tumango ang ina ni Emong.

Pagkaalis ng doktor ay kinausap ni Aling Rosita ang anak. "Lalabas lang ako sandali para bilhin itong mga gamot mo."

"May pera ka pa po ba, 'nay? Kailangan pa natin ng pambayad sa ospital bukas."

"Huwag n'yo na pong alalahanin iyong hospital bill, binayaran ko na po ngayon lang."

"Altaire?" gulat na sabi ni Emong pero masaya naman ang kanyang puso.

"Naku, ang batang ito. Bakit mo naman ginawa iyon? May madedelihensyahan naman siguro ako," nahihiyang sabi ni Aling Rosita.

"Hayaan n'yo na po, Aling Rosita. Tulong ko na lang po sa inyo ni Emong."

KINABUKASAN nga ay nakalabas na ng ospital si Emong. Si Altaire ay nananatiling nakaalalay pa rin sa mag-ina hanggang sa makauwi ang mga ito. Hiyang-hiya man ang ina ni Emong sa binatang seminarista ay hindi naman niya ito mapigilan sa pagtulong sa kanilang mag-ina. Kaya nang araw ding iyon, habang nagpapahinga si Emong sa kuwarto ay lumabas ng bahay si Aling Rosita at nagtungo sa bahay ni Altaire.

"Aling Rosita napasugod po kayo," sabi ng binata nang pagbuksan niya ng pinto ang kapitbahay.

"Maaari ba kitang makausap?" seryosong bungad nito.

"Sige po. Pumasok po muna kayo."

Pumasok ang nanay ni Emong sa loob ng bahay.

"Umupo po muna kayo at maghahanda lang ako ng maiinom."

"Huwag ka nang mag-abala, saglit lang naman ako. May sasabihin lang sana ako sa'yo."

"Ano po ba iyon at parang napakaseryoso naman yata?" Ngumiti si Altaire sa kausap.

"Pumapayag na akong magtrabaho bilang kusinera sa bahay n'yo sa Maynila," aniya.

Nagliwanag ang mukha ng binatang seminarista. "Talaga po? Naku, matutuwa si mommy kapag ibinalita ko 'yan sa kanya. Maraming salamat po, Aling Rosita.

Nahihiya kasi ako sa'yo. Napakalaki ng naitulong mo sa gastusin namin sa ospital. Kaya naisip kong tanggapin na iyong trabahong iniaalok ng mommy mo para naman makabayad ako ng utang na loob sa'yo.

"Naku, Aling Rosita hindi mo naman po kayo obligadong palitan ano mang naitulong ko. Ayoko naman po na magtrabaho kayo sa bahay namin dahil kailangan ninyong magbayad ng utang na loob," matapat na sabi ni Altaire.

Emong AlembongWhere stories live. Discover now