Chapter Seven

2.9K 165 13
                                    

"O, bakit parang puyat ka? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" nagtatakang tanong ni Maya kay Emong. Nasa isang waiting shed sila sa loob ng campus. Mamaya pa ang next class nila kaya nagpapalipas-oras muna sila rito. Nagyayaya sa library si Maya kanina, pero nakiusap si Emong na tumambay na lang muna sila sa waiting shed. Maaliwalas dito dahil napapalibutan ng mga puno ang lugar na iyon. Pero hindi nila solo ang lugar dahil andun din ang isa nilang kaklaseng si Aldrin.

"Madaling araw na kasi ako nakatulog, bespren," sagot ni Emong.

"Bakit naman?"

"Iniisip ko kasi paano ako makakabili ng cellphone."

Napakunot-noo si Maya. "Bakit, bespren? Aanhin mo ang cellphone?"

"Puro ka naman bakit. Kanina ka pa tanong ng tanong ng bakit. Eh, ano ba ang ginagawa sa cellphone?"

"Siyempre, alam ko kung ano'ng gamit ng cellphone. Ang gusto kong malaman eh kung bakit bigla na lang gusto mo nang magka-cellphone? Hindi ba noon pa kita sinasabihan na bumili ka ng cellphone pero mega-tanggi ka. Sabi mo, wala ka namang paggagamitan ng cellphone. Anyare, bespren? Bakit all of a sudden eh parang it's a matter of life and death na magkaroon ka ng cellphone?" mahabang litanya ni Maya.

"Haay..." Malungkot na bumuntong-hininga si Emong. "Bespren, 'yun lang ang way para magkaroon pa rin kami ng communication ni Altaire kapag bumalik na siya sa Manila. Isang buwan lang siya rito. After no'n, back to Manila na siya."

"Hala, in love na talaga ang bespren ko."

"Tulungan mo naman ako." Nagpaawa ang itsura niya.

"Paano? Eh, wala naman akong pera."

"Naibigay ko na kasi lahat kay nanay 'yung premyo ko sa Ms. Gay. Alangan namang bawiin ko pa 'yun. At saka, panggastos namin 'yun sa araw-araw."

"Anong problema mo, miss beautiful?" biglang sumingit sa usapan nina Emong at Maya si Aldrin. May pagka-maangas kung pumorma ang binatilyo pero hindi maikakailang may itsura ito. Madalas na si Emong ang pinagtritripan nito sa klase nila dahilan para tuksuhin sila ng kanilang mga kaklase, bagay na tila sinasakyan naman ni Aldrin. Kung minsan nga ay naiinis na si Emong sa kakulitan ni Aldrin pero wala naman siyang magawa para iwasan ito dahil nga araw-araw silang magkasama sa loob ng klase.

"Wala!" pagtataray niya sa kaklase. "Huwag ka munang mangulit ngayon, wala ako sa mood."

"Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang naman ako kung ano ang problema mo. Malay mo, makatulong ako."

Lumabi lang si Emong. Nakamasid lang sa dalawa si Maya.

"Ano? Sabihin mo na," pangungulit ni Aldrin.

"Wala nga. At kung meron man, hindi ako hihingi ng tulong sa'yo."

"Aba, ang yabang mo naman. Porke alam mong crush na crush kita, ginaganito mo na ako." Nagmukhang malungkot ang binatilyo.

"Whatever!"

"Haay, para kayong mga sira. Bangayan kayo ng bangayan eh obvious namang mahal n'yo ang isa't-isa," sermon ni Maya.

Ngumiti si Aldrin. "Totoo 'yun!" pagsang-ayon nito sa sinabi ni Maya.

"Excuse me! Isa lang ang mahal ko, at si Altaire lang 'yun."

"Sino naman ang Altaire na 'yan? Babasagin ko'ng mukha niyan!"

"Wow, ha? Kung magsalita ka parang plato lang ang babasagin mo, ah. Hoy, bawas-bawasan mo ang kayabangan mo para mabawasan din ang mga taong nate-turn off sa'yo!"

"Hindi ako mayabang. Marunong lang akong ipaglaban ang taong alam kong akin."

"Anong pinagsasasabi mo diyan?"

"Akin ka lang. Hindi ka puwedeng agawin sa akin ng Altaire na 'yan!"

"Spell ASA? Hindi mo ako pag-aari. Kaya 'wag kang feeling diyan!"

"Ang arte naman nito. Pasalamat ka nga at gusto kita." Inilapit pa niya ang sariling mukha sa mukha ni Emong.

"Bakit, sinabi ko bang gustuhin mo ako?"

"Eh, gusto nga kita. Matagal na. Kaya hindi ka na dapat umaalembong sa iba," giit ni Aldrin.

"Hoy, tumigil na nga kayong dalawa!" saway ni Maya. "Para kayong aso't pusa. Hindi na kayo nagkasundo."

Pinaikot lang ni Emong ang kanyang mga mata. Si Aldrin naman ay hindi na nagsalita.

"Bakit mo ba nagustuhan si Emong, ha Aldrin? Hindi ka naman bading. Ang dami ring babae dito sa school ang may crush sa'yo. Pero bakit si Emong ang sinasabi mong gusto mo?"

"Eh, siya ang gusto ko. Mapipigilan ko ba ang pagtibok ng puso ko?"

"Paano kung malaman sa inyo na bading ang gusto mo?"

"Sa tingin mo ba hindi alam ng magulang ko? Alam nila. Ikinukuwento ko sa kanila si Emong. Ipinagmamalaki ko sa kanila."

Napamulagat sina Maya at Emong. "Anong sabi ng tatay at nanay mo?" halos sabay ding tanong ng dalawa.

"Wala. Basta huwag ko raw pababayaan ang pag-aaral ko."

"Okay lang sa kanila?" tanong ni Maya na hindi pa rin makapaniwala.

"Oo naman. Napaka-supportive sa akin ng parents ko. At hindi sila tumitingin sa kasarian ng isang tao. Sabi ng tatay ko, ang pagmamahal ay walang kinikilalang kasarian. Ito ay mararamdaman natin sa tamang oras at wala tayong magagawa kanino man natin ito maramdaman."

"Ang cool naman pala ng parents mo," sabi ni Maya sabay baling kay Emong. "O, bespren huwag ka nang magpakipot. Boto naman pala sa'yo ang mga biyenan mo. Huwag mo nang pahirapan si Aldrin."

Hinarap ni Emong ang matalik na kaibigan at sinabing, "Bespren, kung gusto mo si Aldrin eh, 'di kayong dalawa ang magsama. Gawin mo siyang boyfriend."

"Lukaret!"

Mahinahong nagsalita si Aldrin, wala ang nakasanayang angas nito. "Basta ako, mamahalin ko lang lagi si Emong. Kahit hindi niya ako mahalin, hindi ako titigil sa pagmamahal ko sa kanya."

Parang nalunok ni Emong ang dila niya dahil wala siyang naisagot sa sinabi ni Aldrin. Bigla ay parang nag-iba ang tingin niya sa binatilyong kaklase.

"Ang ganda mo, bespren. Kapag 'yan pinakawalan mo pa, it's your loss not his. Hindi ka na makakakita ng katulad ni Aldrin."

"Salamat, Maya. Sana, bumait na sa akin itong best friend mo. Akala niya kasi nanloloko lang ako. Hindi niya alam, seryoso ako." Nakatitig si Aldrin kay Emong habang nagsasalita. Si Emong naman ay walang lakas ng loob na salubungin ang tila nang-uusig na mga mata ni Aldrin.

ABALA SA pagtutupi ng mga damit si Aling Rosita nang may kumatok sa pinto.

Agad na tinungo ng nanay ni Emong ang pinto at pinagbuksan ang kumakatok.

"O, Altaire napasugod ka? Pumasok ka muna."

"Huwag na po, hindi naman po ako magtatagal. Eh, kasi po katatawag lang ng mommy ko. Tinatanong po niya kung pumayag na ba kayo sa alok niyang trabaho sa inyo."

"Alam mo, gusto ko sana. Pero iniisip ko si Emong. Kawawa naman ang anak ko kung maiiwan siyang mag-isa rito."

"Iyon nga rin po ang iniisip kong posibleng dahilan kung bakit tatanggi kayo sa alok ni mommy. Ano kaya kung isama mo na lang po sa Manila si Emong? Kakausapin ko po si mommy. Papayag 'yun sigurado."

"Aling Rosita! Aling Rosita!" Isang bata ang tumatakbo sa daan habang tinatawag ang nanay ni Emong. Tuloy-tuloy ito hanggang makarating sa bahay nina Emong.

Nagtatakang nagtanong si Aling Rosita. "Bakit para kang hinahabol ng nagwawalang baka? Anong nangyari?"

"Aling Rosita, si Emong po..."

"Anong nangyari kay Emong?" awtomatikong naitanong ni Altaire.

"Si Emong po..."

"Ano nga?" tanong ni Aling Rosita.

"Naaksidente!"

Emong AlembongWhere stories live. Discover now