Chapter 51 : Retrieval - Disappointment

En başından başla
                                    

"Oh ito! Dali! Magpunas ka! Ano bang kagaguhan na naman ang pumasok dyan sa utak mo?" tanong niya sa akin habang tinutulungan akong magpunas ng sarili ko.

Napatitig ako sa mata niya at napansin kong punong-puno yun ng pag-aalala.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi dahilan para mahinto siya sa pagpunas sa ulo ko. Nagkatitigan kami pero nag-iwas din agad siya ng tingin. Bago ko pa mapag-isipan ang gusto kong gawin ay bigla na lang sumunggab ang mga labi ko papunta sa labi niya.

Natigil lang kami nung makarinig kami ng mahihinang pekeng ubo. Si Tita! Mukhang galing sa pamimili.

Agad akong nagmano sa kanya at kinuha ang mga bitbit niya. Ipinatong ko yun sa mesa tapos ay lumapit uli ako sa kanya.

"Tita, pwede pong makausap ko kayo kahit saglit lang?" pakiusap ko sa kanya. Tumango naman siya at tumabi lang kami sa isang sulok .

"Ano ba yun, Karl? Saka bakit basang-basa ka ata?" agad na tanong sa akin ni Tita.

"Wala po 'to. Kaya po ako nandito kasi gusto ko pong humingi ng approval niyo." mahina kong sabi sa kanya.

"Approval tungkol saan?" nagtataka naman niyang tanong habang sumusulyap sa likod ko. Paglingon ko ay pinupunasan ni Allen yung sahig at tinutulungan siya ni Claire.

Nagbalik ako ng tingin kay Tita tapos ay hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at tinitigan ko ng diretso ang mata niya. 

"Pwede po ba akong makitira dito?" tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya pero hindi naman siya nagsalita.

"Kasi po, lumayas po ako sa bahay namin. Yung babae pong kasama ni Allen ngayon, siya po yung dapat na fiancee ko. Since pareho naman po naming ayaw na makasal sa isa't-isa, tumanggi po kami sa kasal. Hindi ko alam kung anong desisyon ni Claire pero ako po, gusto ko pong makasama si Allen. Kaya please po Tita, pwede po ba akong dito muna makitira?" pagmamakaawa ko sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata na parang sinusuri tapos bumitaw siya sa kamay ko.

Kinabahan ako sa ginawa niya. Hindi ko malaman kung tatanggihan niya ba ako o tatanggapin. Jusko! Sana naman um-oo siya! Bukod sa hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayokong malayo kay Allen.

"Okay lang sa akin na tumira ka dito, Karl. Pero tanungin kita. Handa ka ba sa magiging kilos ng Tatay mo laban sa'yo at sa mga taong nakapalibot sa'yo? Ako, bilang ina, ayokong masaktan ang anak ko. Kaya sana lang isipin mo ng maigi kung tama nga ang ginagawa mo. Malay mo, may nasasaktan ka na pala hindi mo pa napapansin." makahulugang sabi sa akin ni Tita tapos ay nilagpasan niya ako't iniwang mag-isa dito sa sulok.

Napalingon ako kay Allen at nakita kong kinakausap niya ang Mama niya. Masaya siya. Kung titira ba ako dito kasama siya, bilang pagtakas ko sa Tatay ko, magiging ganyan pa rin kaya siya kasaya? O baka naman mas maganda kung hindi ko guluhin ang buhay nila sa buhay ko. Pero, gusto kong makasama si Allen. Gusto kong patunayan sa Tatay ko na mabubuhay ako kahit wala yung pera niya. Besides, si Mommy naman ang nagpalaki sa akin eh. Kaya wala siyang karapatan na utus-utusan ako na parang aso.

I've decided!

"Tita, mag-i-stay po ako. Kung anuman pong gagawin ni Daddy sa pamilya niyo, I'll take reponsibility. Hindi ko po hahayaan na saktan niya kayo."

Napatingin silang lahat sa akin na parang hindi nila alam ang sinasabi ko. Pero napansin ko ang pagngiti sa akin ni Tita at ang marahan niyang pagtango. Yun lang ang senyales na kailangan ko para yakapin ko ng mahigpit si Allen at iikot siya sa ere.

"Karl! Ibaba mo nga ako!" utos niya sa akin.

Nung ibaba ko siya ay saka ko siya hinalikan sa labi.

So Into You (BxB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin