CHAPTER 19 : Horse Back Ridding

2 0 0
                                    

CHAPTER 19: Horse Back Ridding.

Danna's POV

Kinuha na ni Steven yung white na kabayo at saka ako inalalayang sumakay habang sya ay naglalakad lang at hawak yung tali.

"Pano ba patakbuhin toh?" Tanong ko kay Steven.

"Madali lang naman, kailangan mo lang hawakan yung--"

"Waaaahhh! Stevennn!" Sigaw ko ng bigla na lang gumalaw ang kabayong ngayon ay sinasakyan ko na.

"Easy Sofie, easy." Sabi ni Steven.

Wait, who the hell is Sofie? May nakikita ba si Steven na hindi ko nakikita? Wag mong sabihing... Oh my God.

"Who's Sofie. Don't tell me, nako Steven wag mo naman akong takutin." Sabi ko habang palinga linga  sa paligid at nagbabakasakaling may tao na nagngangalang 'Sofie.'

Bahagyang tumawa si Steven. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sofie is her name, your horse's name."

Hays. Akala ko naman kung sino na. Masyado nya naman akong pinapakaba.

"Woah! May pangalan pa talaga eh pare-pareho naman silang kabayo." Sabi ko at saka humalakhak.

"Eh bakit tayo, pare-pareho lang din naman tayong mga tao, pero may pangalan din tayo." He said, at sya naman ang tumawa ng malakas.

"Aish! Stop it. Turuan mo na lang ako kung pano kontrolin si Sofie."

***

"Oh ayan ang galing mo na, Danna." Sigaw ni Steven habang pinapatakbo ko si Sofie.

Hindi ko inaasahang ganon kabilis akong matututo. Siguro nasa dugo na talaga namin or sadyang magaling lang magturo itong mokong na ito.

"Ano, race tayo?" Panghahamon ko kahit hindi pa naman talaga ako masyadong marunong.

"Deal. Paunahang maka balik sa mansyon. Kung sino ang mahuli sya ang manlilibre."

"Deal."

Agad kong inihanda si Sofie. Go babygirl. Kaya nating maunahan si Steven at Jake. Oops, sino si Jake? Yun lang naman ang pangalan ng kabayo ni Steven.

"1..2..3.. Go!" Sigaw ko at agad na pinatakbo si Sofie.

Grabe, sobrang bilis ng kabayo ni Steven, sabagay kanina pa patakbo takbo si Sofie kaya naman alam kong pagod na sya. Kung tao nga napapagod, syempre pati mga hayop din diba.

Bakit parang.. Bakit parang may mali. Bakit parang umiikot ang nasa paligid ko. Bakit parang---

"Aaaaaahhhhhhh!" Sigaw ko at saka ko naramdaman ang mga bato.

"Dannaaaaa!" Sigaw ni Steven.

Nakita kong patakbo syang lumapit sakin pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

***

"Apo. Apo, wake up." Boses ni Lolo naririnig ko. Pero para bang walang lakas ang mga talukap ng mata ko para buksan ito.

"Lo. Lolo what happened?" Tanong ko saka pinilit na buksan ang mga mata ko.

"Nahulog ka mula may Sofie."

Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ng biglang kumirot ang ulo ko.

"Lo, what's this?"

"Tumama ang ulo mo sa malaking bato. Apo, magpagaling ka. Ayokong nakikita kang ganyan." Sabi ni Lolo at akmang aalis na ng muli akong magsalita.

"Lo, ayos lang ba ang lagay ko? Wala namang epekto sakin yung pagka bagsak ng ulo ko sa bato diba?" Tanong ko.

Dahil takot ako na baka kung ano ang masamang mangyare sakin.

Nginitian lang ako ni Lolo at saka lumabas ng kwarto. Bakit hindi nya sinagot ang tanong ko?

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang gwapong lalaki, maputi, matangkad at bakas sa mukha niya ang pag aalala. Wait, who is he? Bakit hinayaan ni Lolo na pumasok sya dito?

"Danna, okay ka lang ba?" Tanong niya sabay upo sa upuan na malapit sa kama ko.

"How did you know my name? Who are you?" Pagtataka ko.

"Danna, it's me, Ste---"

"Lolooo. Waaahhh. Kuyaaaaaaa."

"Oh bakit Danna?" Tanong ni Kuya matapos pumasok sa kwarto ko.

"Bakit kayo nagpapasok ng hindi ko kilala dito?" Tanong ko kay Kuya.

"What? Danna, are you alright?" Bakas sa mukha ni Kuya ang takot. Wait, bakit?

"Of course I am. Now tell me,who is this guy?" Tanong ko sabay turo sa lalaking ngayon ay parang takot din.

Ano bang mga problema nila? Ako nga ang dapat natatakot kasi nagpapasok sila ng hindi ko kakilala.

"Danna, he's Steven. Hindi mo ba maalala?"

"What? Wala akong kilalang Steven, Kuya."

"Wag ka namang magbiro ng ganyan, Danna." Sabi nung lalaki.

"Do you think I'm kidding right now? Damn! I don't know who you are." Sagot ko.

Mistulang nag uunahan sa pagpatak ang mga luha nung lalaki na Steven daw ang pangalan. Damn it! What's happening to me? I can't remember who he is or do I really know that guy?

Pinunasan niya ang mga luha niya at saka lumabas ng kwarto.

***
"Apo, sabi ng doctor naapektuhan ng pagkahulog mo kay Sofie ang utak mo. May mga tao or pangyayare kang sandaling makakalimutan, pero babalik at maaalala mo din naman daw. Apo, magpagaling ka para hindi na maulit ang nangyare kanina."

Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayoko, ayokong makalimot. Ayokong makasakit ulit ng damdamin ng iba.

Natatakot ako sa posibleng mangyare. Pano kung maging permanente na ito? Pano pag nawala lahat ng ala ala ko. Ayoko natatakot ako. Kung mawawala man ang ala ala ko, mas gugustuhin ko pang lumayo sa kanila para di na sila masaktan pa kapag di ko na sila maalala.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now