CHAPTER 1- FIRST DAY

117 3 0
                                    

"Aray" sino ba naman kasi yung bumangga sakin. Ang laki laki ng daan nagawa pa kong banggain. Heto tuloy ako at napaupo, nagkasugat pa ko sa tuhod huhuhu.

"Next time kasi wag kang haharang sa dinadaanan ko" sabi nitong lalaki na nasa harap ko. At sino naman sya para utusan ako? Tumayo ako at hinarap ko sya.

"Bakit? Sino ka ba para utusan ako ha?" Sigaw ko na ikinatawa naman nya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?Baliw yata to eh.

"Di mo ba ako kilala?Siguro baguhan ka. At Miss ako lang naman ang anak ng maari ng school na to. At ikaw? Sino ka ba para sigawan ako?" Masungit nyang sabi. Tsk! Porket anak sya ng may ari nito sisigawan at susungitan na nya ko?Aba hindi ako papayag.

"Kahit ikaw pa ang may-ari ng school na to,Mister tandaan mo pareho lang tayong istudyante dito. Dyan kana nga, nag sasayang lang ako ng oras sayo" sabi ko at saka ko sya iniwan. Ang sungit kasi masyado.

"Danna Rose Alvarezzzzz" sigaw nitong baliw kong kaibigan.

"Hoy Kiannara Santiago,kailangan buong pangalan ko talaga?Loko to ah. Tara na nga baka ma late pa tayo"

Ako si Danna Rose Alvarez 16 years old. Grade 10 nako at bago lang kami ni Kian sa school na nilipatan namin. Sana naman maging maayos kami dito sa school na to.

Agad naming hinanap ni Kian ang room namin. Buti na lang at wala pang Teacher, umupo kami ni Kian sa last row. Marami rami na rin kaming nandito sa room. Lalabas pa sana kami ng biglang dumating si Ma'am.

"Okay class, My name is Ma'am Clara Santos, this is our first day so magpakilala na kayo. It will start with you" sabi ni Ma'am Clara sabay turo sakin. Huh? Ako ang mauuna?

Tatayo na sana ako ng may magbukas ng pinto ay may sumipa pala. Hindi nya binati Ma'am at dumiretso lang sya sa kabilang dulo. Diko sya nakita kasi nakatungo sya.

"Mister you're late di ka man lang ba mag so-sorry or magpapakilala man lang?" tanong ni Ma'am dun sa lalaki.

Tumayo sya at humarap. Muntik na akong mapa sigaw ng makita ko ang mukha nya. Siya yun. Siya yung masungit at walang modong lalaki na bumangga sakin kanina. Huhuhu bakit kaklase ko sya? Tsk! Pag minamalas ka nga naman oh.

"Hoy ikaw tanda. Baka nakakalimutan mo. Anak ako ng may ari ng school na to. Baka gusto mong ipatanggal kita dito." Masungit nyang sabi. Aba wala talaga syang galang.

"Hoy Mister kung sino ka man, kahit kayo pa ang may ari ng school na to, wala ka pa ring karapatan na sigawan at sungitan si Ma'am. Baka nakakalimutan mo, istudyante tayo, at si Ma'am ang guro. Kaya kung ako sayo mag sorry kana lang. At isa pa hindi matanda si Ma'am. Tsk! Walang modo" masungit ko ring sabi. Aba bastusin ba naman si Ma'am. Di ako magpapatalo noh!

Tiningnan nya lang ako at saka ngumisi. Aba baliw na talaga toh.

"Hayaan mo na sya. Okay you may introduce yourself now" sabi ni Ma'am sabay ngiti sakin. And what? Parang wala lang sa kanya yung mga sinabi ng mokong na yun? Bahala na nga.

"I'm Danna Alvarez, 16 years old. Bago lang ako dito so please be good to me. Thank you" sabi ko ng may ngiti sa labi. Umupo ako at agad namang tumayo si Kian.

"Hi guys haha. My name is Kiannara Santiago you can call me Kian, 16 years old. And pareho lang kami ng best friend ko na bago lang dito so yun lang haha Thank you" ano ba tong si Kian. Tawa ng tawa, abnormal talaga.

Lahat kami nagpakilala na maliban lang dun sa masungit na lalaking yun.

"Okay class, hindi muna ako mag tuturo ngayon so enjoy your first day. You may take your break now." Sabi ni Ma'am Santos. Unang lumabas yung masungit na yon tapos sumunod sa kanya yung mga kaklase ko na halos malagutan na ng ugat sa kasisigaw. Bakit? Ano bang meron sa lalaking yun?

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now