CHAPTER 15: Break Up

4 0 0
                                    

CHAPTER 15

DANNA's POV

"Kian, pumunta ka sa bahay namin mamaya ha? Miss ko na mga bonding natin eh." sabi ko kay Kian habang naglalakad kami papuntang classroom.

Ito na ang last week ng pasukan. Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang at uuwi na ako kila Lola. Sa hacienda nila. Tsk. Sana naman wala na doon sila Shane. Errr! Pero siguro di na nila ako kilala, sana.

"Hmm. Sige. Susunod na lang ako, mag bibihis pa ako sa bahay eh."

"Okay, okay."

Nakarating kami sa classroom at mabilis din namang natapos ang klase. Nakakainis, ang daming ibininigay sa projects at assignments.

Nag paalam ako kay Harris na uuwi na ako. Nag presinta syang ihatid ako pero umayaw ako, kasi susunduin daw ako ni Kuya. Tsaka ayoko namang istorbohin sya sa practice nila ng basketball. Kasama nya din pala si Tyler, si Kian? Ayun umuwi na. Nagkatampuhan na naman yata yung dalawa.

Ilang oras na akong naghihintay pero bakit wala parin si Kuya? Eh samantalang kanina pa ang uwian nila ah. Tss! Kuya, asan kana ba.

Tatawagan ko sana si Kuya pero lowbatt na pala ang cellphone ko. Grrr! Watta day. Errr!

Naglakad na lang ako, ayaw ko kasing mag commute. Parang gusto ko munang mapag isa. Habang naglalakad ako ay may nakita akong babae at lalaki na nag hahalikan, eww! Dito pa talaga sa likod ng university, huh? Strong!

Lumapit ako kasi parang kilala ko yung lalaki. Lumapit pa ako at..

"What the! Harris?" Sigaw ko ng makita kong si Harris yung nakikipaghalikan dun sa babaeng yun.

Grrr! Naiinis ako! Pano nagawa sakin ni Harris to? Bakit? Bakit? Saan ako nag kulang? Porke't hindi ako nag papahalik sa kanya sa labi eh mag hahanap na siya ng iba? The hell! Napaka babaw nya.

"Danna?" Bakas sa mukha niya ang pagka gulat. "Danna, Aishi let me expla--" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"No! Wala ka ng dapat ipaliwanag. Kitang kita ng dalawa kong mata kung na naghahalikan kayo. Sa tingin mo may dapat ka pang ipaliwanag? Bakit? Anong sasabihin mo? Sasabihin mo sakin kung paano kayo mag halikan?" Unti unti ng tumulo ang mga luha ko. Di ko na nakayanan ang sakit. "Sorry ah, naabala ko pa kayo. Sige ituloy nyo na yan. Aalis na ako."

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Harris, hinawakan nya ang kamay ko at saka ko siya tiningnan.

"Danna, mag usap tayo."

Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at saka ako lumapit dun sa babae. Pinunasan ko ang luha ko at saka ako nagsalita.

"Hi." Sabay sampal sa kanya. Sinabunutan ko siya at.."Walang hiya ka, sa dinami dami ng lalaki dyan sa University boyfriend ko pa ang napili mo." Gigil na gigil ako.

Nakita kong umiiyak na yung babae, tsk! Wala akong pakialam. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa buhok niya.

"Ano? Ikaw pa ang may ganang umiyak? Hayop ka! Ahas ka."

*PAK*

Pulang pula na ang pisngi niya sa kasasampal ko.

"Danna, tama na, ano ba?" Hinila ako ni Harris palayo dun sa flirt na yun.

"Ayan, eh di lumabas din. Ngayon sya pa ang kinakampihan mo. Aba lintik! Napaka bait mo naman Harris. Hindi pa tayo nag iisang bwan, ganyan na ang pinapakita mo sakin? Sayang mag iisang bwan na sana tayo bukas."

"Dan--"

"Sshh! Tama na. Break na tayo. Magsama kayo!"

"Danna, wag namang ganyan." Sigaw niya. Pero diko na siya nilingon.

Dali dali akong naglakad papalayo sa kanila. Tinawag nya ang pangalan ko, pero di nya ako hinabol. Nakakainis. Bakit ganon? Lupit din naman talaga ng tadhana.

"Sorry Miss-- Danna?" "I'm sorry."

"Huh? Ahm! Steven?" Agad kong pinunas ang luha ko ng malaman na si Steven pala ang taong nabangga ko.

"Danna? Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?"

Hindi ko na kaya ang sakit. Lumapit ako kay Steven at saka siya niyakap. Wala akong paki kung may makakita man samin, ang kailangan ko lang ngayon ay taong mapagsasabihan ko ng sama ng loob.

Dinala ako ni Steven sa park. Konti lang ang tao kasi pagabi na rin naman.

"Ano ba talangang nangyare, Danna?"

Hindi parin tumitigil ang luha ko sa pag patak. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Nakita ko si Harris, may kahalikan sa likod ng University."

"Eh g*go pala sya eh. Nasan sya ngayon?"

"Wag, Steven. Wag mo siyang sasaktan."

Yung luha ko, nag uunahan na naman. Nakatungo lang ako. Hindi ko kayang tingnan sa mata si Steven.

"Hindi pwede, Danna. Sinaktan ka niya." Bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Sus! Ano ka ba?" Inangat ko ang ulo ko at saka pilit na tumawa. "Okay lang ako. Ako pa. Danna ito, Hoy! Haha."

"Akala mo naman magaling kang magpanggap. Halata na pilit lang yan. Halika nga dito."

Hinila niya ako at saka hinayakap. Hindi ko inaasahan na pagkalipas ng maraming taon ay magiging komportable parin ako kay Steven.

Kumalas ako sa pagkakayakap ng maramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag ko. At nalaman ko na si Kian pala ang nagtext. Omg! Lagot ako nito. Pero siguro naman maiintindihan nya, kikwento ko na lang sa kanya mamaya.

"Ahm. Steven. Thank you ah? Pero kailangan ko na kasing umuwi eh. Sorry."

"Okay lang. No problem. Wag ka ng iiyak ,huh?"

"Hmm. Susubukan ko." Sabi ko sabay tawa.

"Ay pasaway talaga. Gusto mo ihatid na kita?"

"Hindi na. Bye. Thank you so much. Babawi ako promise."

***
"Ano ba naman yan. Ang tagal mo naman. At bakit parang pulang pula yang mata mo? Omg. Don't tell me nag ddrugs ka, huh?" Bungad sa akin ni Kian ng maka punta kami sa kwarto ko.

"Sira! Ano ba? Diko magagawa yun." Pinilit ko pa ring tumawa.

"I know. I'm just kidding. Kilala kita, si Harris yan noh? Anong ginawa sayo ng mokong na yun? Sabihin mo sakin, babanatan ko talaga yun."

Pumatak na naman ang mga luha ko. Ano ba naman yan. Ang hina ko talaga.

"Ay, Peste! Bakit ka umiiyak?" Nag aalala niyang tanong.

"Pauwi na ako, ng makita kong may kahalikan si Harris, sa likod ng University. Ang sakit, Sis."

"Omg! Nagawa niya yun? Bes, anong ginawa mo?" Naiirita niyang sabi.

"Wag kang maingay, baka marinig tayo ni Kuya. Baka kung anong gawin niya kay Harris."

"Aba dapat lang, matapos mo syang nakitang may kahalikang ib--"

"What the fuck! What?"

Gulat kaming napatin kay Kuya na ngayon ay nasa pinto. Sobrang higpit ng hawak sa doorknob at.... nang gigigil na.

"K-kuya?"

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now