CHAPTER 2- AGAIN?

57 3 0
                                    

Danna's POV

"Danna, gising na male-late kana"

"Mommy maaga pa po" sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Anong maaga pa?6:21 na at 7:00 ang pasok mo" sabi ni Mom

"What?Bye Mom liligo na po ako" dali dali akong pumunta sa banyo. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakaligo sa loob ng 20 minutes eh. Bumaba ako at nadatnan ko si Mom, Dad at Kuya na kumakain.

"Danna sabay kana sakin baka malate ka pag naglakad ka" sabi ni Kuya Clarence.

"Okay"

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami ni Kuya.

"Danna, pupunta mamaya sa bahay yung mga kaibigan ko aalis daw si Mommy mamaya kaya pwedeng bang ikaw muna ang mag prepare ng food para samin? Tutal maaga ka namang umuuwi eh"

"Sure Kuya. Kami na ni Kian ang bahala dyan" naka ngiti kong sabi.

"Kaya mahal na mahal ko tong baby sis ko eh. Oh sige baba na. Ayun si Kian naka upo sa bench. Bye Danna mag aral ng mabuti ha." Sabi ni Kuya at saka sya umalis.

Mag kaiba kami ng school kasi ayaw nya dito kaya kahit medyo malayo ang school niya sa bahay eh okay lang kasi may kotse naman sya.

"Sis, bakit ngayon ka lang?Kanina pa kita hinihintay" pagmamaktol ni Kian.

"Hoy sino bang may sabi sayo na hintayin mo ko?" Pang aasar ko.

"Wala. Ay sis alam mo ba? May nakita akong gwapo kanina OMG as in gwapo. Hindi ko sya nalapitan kasi tatayo na sana ako ng biglang dumating yung mga babaeng halos malagutan na ng ugat sa kakasigaw. Sayang di ko man lang nalaman ang pangalan ny-- Aray! Bakit mo ba ko binatukan ha?" Inis nyang sabi

"Bakit? Kasi puro ka pag ibig haha tara na nga"

Hinila ko sya hanggang sa makarating kami sa room. Umupo kami sa upuan namin. Nandito na rin pala yung masungit na yun. Ilang minuto lang at dumating na rin si Ma'am Santos.

"Good morning class. May bago kayong kaklase" panimula ni Ma'am "Mister pumasok kana"

May pumasok na isang matangkad at maputing lalaki. Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Kian.

"Bes sya yun" halos mag kulay kamatis na ang pisngi nya sa sobrang pula.

"Sya yung alin?" Nagtataka kong tanong.

"Sya yung gwapo kanina. OMG kaklase natin sya waaahhh!"

Hindi ko na sya pinansin kasi nagsalita ulit si Ma'am.

"Okay Mister mag pakilala kana"

"I'm Tyler Smith 17 years old, Harris' Best Friend" sabi nung Tyler daw

"Okay. Sige maupo kana. So ngayon ko aayusin ang inyong seating arrangement. So Miss Alvarez dito ka sa unahan at katabi mo si Mister Anderson"

"Ang swerte naman nung girl"

"Sus! Kala mo maganda"

"Mas bagay parin kami ni Baby Harris ko"

Yan ang mga narinig kong bulungan ng mga kaklase ko. Bakit? Sa tingin ba nila gusto kong makatabi tong masungit na toh?Kung pwede lang lumipat edi sana nagawa ko na makaiwas lang dito sa masungit na to. Inayos ni Ma'am ang iba pa at ayun tuwang-tuwa naman si Kian kasi katabi nya si Tyler.

Madaling natapos ang ibang subjects. Nagmadali kaming umuwi ni Kian para mag handa ng pagkain nila Kuya. Sinama ko si Kian kasi di naman ako marunong mag luto.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now