CHAPTER 16: Fight

4 0 0
                                    

CHAPTER 16: Fight

Danna's POV

"K-kuya"

Nanlaki ang mata namin ni Kian ng makita namin si Kuya Rence sa pintoan. Galit sya. So ibig sabihin? What the hell! Narinig nya ang usapan namin ni Kian?

Lumapit na amin si Kuya. Gigil na gigil parin siya. Nakita kong naka yukom ang mga kamay niya at nagtitimpi lang, pero alam kong konti na lang at sasabog na siya.

"Danna. Totoo ba?"

Mas lumapit pa siya sa akin. Tumawa ako para isipin niyang hindi iyon totoo. Pero alam ko namang hindi ito eepekto. Kilalang kilala namin ni Kuya ang isa't isa.

"Huh?" Tumawa ako ng mahina, at sinenyasan si Kian na tumawa rin. At tumawa naman ang loko. "Ang alin Kuya? Yung sinabi ni Kian? Ah yun ba? Nako wala yun, hindi totoo yun hahaha, di ba, Kian?" Tiningnan ko siya at sinenyasan na um-oo na lang.

"Ah yun ba? Ahm, joke lang yun, Kuya Rence---"

"Hindi totoo? Well, hindi kayo magaling magsinungaling. Yan oh, pulang pula pa yang mata mo at halatang ka iiyak mo lang. Danna, kilala kita, hindi ka naglilihim sakin. Pupuntahan ko yang lintik na Harris yan--" Galit niyang sabi.

Naiyak na naman ako. Alam ko kung pano magalit si Kuya, at ayokong saktan niya si Harris. Oo, nasaktan ako sa ginawa ni Harris, pero ayoko namang masaktan sya.

"Kuya. Wag na, please." Umiyak ako habang nakaupo sa kama ko.

Nakatayo parin si Kuya sa dulo ng kama ko. Si Kian naman ay nanatiling tahimik at nakayuko lang.

"Ipagtatanggol mo pa yung manlolokong yun? Danna, nangako sya. Nangako siya na hinding hindi ka niya sasaktan. Wag na wag kang susunod, Danna." Sabi niya bago lumabas ng pinto at padabog na sinara iyon.

"Kuya.... Kuya... Wag please."

Pero di na niya ako pinakinggan. Sumilip ako sa bintana ng marinig ang kotse niya. Seryoso nga siya. Sana hindi niya ituloy.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama. Nakita kong tumingin sakin si Kian na parang awang awa siya sakin.

"Danna, sorry."

"Sshh. Wala kang kasalanan."

"Tahan na, Danna."

Pinunas niya ang luha ko. Kumuha ako ng damit sa closet at saka nag palit sa Cr.

"Danna, san ka pupunta?" Tanong niya pagkalabas ko ng Cr.

Ilang minuto pa lang ang lumipas mula ng umalis si Kuya. Kailangan ko ng magmadali.

"Pupuntahan ko sila Kuya." Sagot ko habang inaayos ang shoulder bag ko.

"Danna, wag na. Sabi ni Kuya Rence wag ka daw susunod."

"Wala akong pakialam. Kailangan kong pigilan kung ano man ang gagawin ni Kuya kay Harris. So kung ayaw mong sumama edi maiwan ka dito."

"No. Sasama ako."

"Tara na. Bilis."

Pumara kami ng tricycle sa labas ng subdivision. Di ko na dinala yung kotse ko. Baka makita agad kami ni Kuya.

Bumaba kami sa bar na lagi nilang pinupuntahan. Pumasok kami ng Bar pero wala sila. Agad kong hinanap ang kotse ni Kuya sa parking lot. At dun ko sila nakita. Nagsasagutan na.

"Eh g*go ka pala eh."

Sinuntok ni Kuya si Harris sa mukha. Napa upo si Harris sa sahig at saka hinawakan ang labi niyang kanina pa dumudugo. Nakita ko na bugbog na bugbog na si Harris sa mga suntok ni Kuya. Pero si Kuya wala man lang galos, siguro ay hindi lumalaban si Harris.

Tumakbo kami ni Kian papunta sa kanila. Susuntukin sana ulit ni Kuya si Harris ng harangin ko iyon.

"Danna?" Gulat na tawag ni Kuya sa pangalan ko.

"Kuya, tama na please. Umuwi na tayo."

"I'm sorry lil sis. Sige uuwi na tayo."

Nakita kong tinulungan ni Kian si Harris na tumayo.

"Danna, Aishi. Let me explain."

Hinarap ko siya at saka nag salita.

"Harris. Please lang. Wag ngayon. Tapos na tayo."

"Aishi naman. Pakinggan mo naman yung side ko."

"Hoy Harris. Tumigil tigil kana. Nasabi na nya na tapos na kayo kaya dapat wag mo na siyang pakialaman. G*go."

"Kuya tama na. Tara na."

Narinig kong pinapunta ni Kian si Tyler para iuwi ni Tyler si Harris.

"Papunta na si Tyler, Danna. Ipapahatid ko na lang si Harris kay Tyler."

"Okay."

"Hindi pa tayo tapos, Harris." Sigaw ni Kuya bago kami pumasok sa kotse niya.

***
"Kuya ano ba? Bakit mo ginawa yun kay Harris. Kung hindi ka namin sinundan baka napatay mo na yung tao."

Bungad ko kay Kuya pagkapasok namin ng bahay. Nakaupo kami ngayon sa Sofa. Hawak niya ang kamao niya na dumudugo rin.

"Danna, nangako siya na hindi ka niya sasaktan. Pero sinaktan ka niya."

Napaiyak na naman ako. Naalala ko na naman ang pakikipaghalikan nya dun sa babae at yung away nila ni Kuya.

"Kuya kahit na. Mahal ko si Harris, at alam kong alam mo yan. Kuya akala ko ba ayaw mo akong masaktan. Kuya sa ginawa mo sa kanya para mo na akong pinatay. Ang sakit sakit na makita na ganon ang kalagayan ni Harris. Kuya, mahal na mahal ko yun eh. Mahal na mahal." Di ko mapigilan ang pag patak ng luha ko.

"Danna, pero nasaktan ka niya."

"Lahat ng relasyon dumadaan dyan."

"I'm sorry."

Agad akong umakyat sa kwarto ko. Rinig ko pa ang pag tawag niya pero di ko siya pinansin. Alam kong pinoprotektahan lang ako ni Kuya pero di ko talaga tanggap ang ginawa niya kay Harris, sumobra sya.

Dapat kinausap na lang nya. Hindi na sana humantong sa suntukan. Magkaibigan sila eh. Dapat hindi sila nag aaway. Hays. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit sila nag ka away. Jusko. Ano na ang gagawin ko?

Nag ring yung phone ko. Si Kian, tumatawag.

"Hello, Danna. Sis, ayon hinatid na ni Tyler si Harris sa bahay nila nahirapan pa nga kami kasi ayaw nyang umuwi. Kwento ko na lang sayo bukas. Bye. Iloveyou."

Abnormal hindi man lang ako pina sagot.

Ibababa ko na sana ang phone ko ng may mag text. Si Harris.

My Teru:

Danna, I'm sorry. Please. Kausapin mo ako.

Hindi. Hindi ko pa kaya Harris. Hindi ko rin alam kung kaya kitang kausapin, dahil sa tuwing nakikita at naririnig ko ang boses mo. Bumabalik ang sakit.

Sana mawala na itong galit ko. Ayokong magalit sayo, pero binigyan mo ako ng rason para magalit.

My Teru:

Aishi. Let me explain. Aksidente lang yun. Siya yung humalik sa akin. Aishi, please talk to me.

My Teru:

Aishi. I love you so much.

To My Teru:

Harris, please. Tama na. Matulog ka na at mag pahinga.

Nadala lang ako ng galit ko. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang naging desisyon ko. Kailangan ko munang magpalamig.

Bumaba ako at iniwan ang phone ko sa kwarto.

"Danna. I'm sorry." aniya pag ka baba ko ng hagdan.

"Kuya, okay na. Nagawa mo na eh. Di naman na ako galit sayo. Nagtatampo lang ako kasi sumobra ka. Sige Kuya, kukuha lang ako ng gatas. Hindi ako makatulog."

Pumunta ako sa kusina at saka nag timpla ng gatas.

Ang sakit isipin na iniiwasan ko si Harris.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now