CHAPTER 6- Waiting

20 1 0
                                    

Harris' POV

Nagising ako sa isang malambot na kama, kulay pink na wall at may table din. What? Kelan pa naming pink ang kwarto ko? Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Good morning. Gising kana pala. Ano okay kana ba?"

Tanong ni Danna. Kelan pa sya nakapunta dito sa bahay. Teka, agad na nag sink in sa utak ko ang nangyare kagabi. Shit! Nilagnat nga pala ako. Kaya pala ang sakit ng ulo ko pag kagising ko.

"Ah, oo medyo okay na naman ako. Masakit lang ng konte yung ulo ko. Pero wala to" sabay tawa. Baka kasi mag alala pa sya sakin.

"Bakit ka ba naman kasi nagpa ulan?" Nag aalalang tanong nya habang naghahalo ng gatas.

"Eh kasi.." Parang umurong yung dila ko. Pano ko ba toh sasabihin sa kanya? "Ah bibili lang sana ako tapos biglang umulan. Ayun hehe" palusot ko. Agad naman syang umiling iling. Yes! Di nya napansin.

"Naabutan ka ng ulan?Ganon?" Sabay smirk. Nahalata yata ako ah. "Wag nga ako Harris, kilala kita. Wag ka ng magpalusot. Ano ba talaga ang nangyare?"

Tsk! Kilala talaga ako ng babaeng to. Sabagay childhood best friends. Pero pano ko ba sasabihin na sinundan ko sya kaya ako nilagnat? Nag alala lang kasi ako baka mapano sya. Bahala na nga.

"Kasi sinundan kita, nag alala kasi ako baka mapano ka dyan sa daan. Lakad-takbo ang ginawa ko para masigurado na safe ka. Nung naka pasok kana sa bahay nyo. Biglang umulan ng malakas. Nilamig ako hanggang sa nakita ko na lang si Rence. Tapos ayun na. Dinala nya ko dito." Hindi nagsalita si Danna. Nag alala tuloy ako. "Danna? Okay ka lang ba?"

"Ah. Eh...Oo. Bakit mo naman ginawa yun? Buti na lang nakita ka ni Kuya."

"Mahal kasi kita*wink*" nakita kona lang na medyo namula sya. Sus! Kinikilig. "Kinikilig ka ba? Namumula ka eh" pang aasar ko. Agad naman nya akong binato ng unan at saka nag walk out sabay sigaw ng...

"Hay naku Harris. Ang daldal mo kasi. Kumain kana nga dyan."

Natawa na lang ako. Di parin talaga nagbabago si Danna. May pagka childish parin sya. Kumain na lang ako at saka tumayo para dalhin ang pinagkainan ko sa kitchen.

"Oh. Okay kana ba Harris?"

"Yes Tita. Ang galing po kasing mag alaga ni Danna eh" sabay baling kay Danna at saka sya binigyan ng mapang asar na ngiti. At agad naman nya akong inirapan.

"Okay. Good. Kung gusto mong puntahan si Rence. Nandon sya sa room nya."

"Hindi na po tita. Uuwi na rin po ako. Salamat po. Mauna napo ako"

"Wala kang dala na kotse hindi ba? Hayaan mong ihatid ka ni Danna." Nilingon ni Tita si Danna at.. "Princess, ikaw muna mag hatid kay Harris ha. Mamimili kasi ako sa Mall eh."

"Ahm!" Sabay tingin sakin "Okay Mom. Ako na ang maghahatid sa kanya" sabay irap sakin. Tsk. Childish talaga.

"Okay. Take care. I gotta go. Bye guys"

"Bye Mom/Tita"

"Hoy. Sungit. Tara na."

"Okay po Miss Maldita"

"Anong sabi mo?"

"Huh?Sabi ko ang gwapo ko"

"Tss. Ang hangin talaga."

*-*-*-*

"Thank you Danna. Pasok ka muna"

"Sige hindi na. May gagawin pa kasi ako eh. Bye"

"Bye Danna. Ingat. I'm still waiting"

"Thanks. Tsk! Loko hahaha"

Pumasok na ako sa kwarto ko at saka humiga. Wala na naman si Mom and Dad. Palagi na lang akong mag isa dito may kasama nga ako pero maids at drivers lang naman. Kailangan ko ng gumawa ng moves kay Danna. Bukas na bukas rin. Haharanahin ko sya. Wait for me Danna. You'll be mine soon.

May kumatok sa pintuan at alam ko na kung sino yan. Sya si Nanay Eva,sya yung pinaka matagal na namin na maid dito. Nanay ko sya kasi sya na ang nagpalaki sakin. Palagi kasing walang time sakin sila Mom and Dad.

"Come in, Nanay"

"Kumain kana ba anak?" Tanong niya sabay upo sa kama ko at umupo rin naman ako.

"Yes Nanay. Kila Danna po"

"Dun na rin ba natulog anak? Hindi ka umuwi kagabi ah. Buti na lang hindi rin umuwi ang Mom at Dad mo, kung hindi baka galit na galit sila sayo"

"Opo Nanay. Okay lang nanay. Mas gusto pa nga na pinapagalitan nila ako eh kasi kahit dun man lang nabibigyan nila ako ng atensyon."

"Busy lang sila anak"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bigla na lang silang bumagsak. Sabihan nyo na ako ng bakla. Pero pagdating talaga sa pamilya, mababaw ang luha ko. Matapang ako pero may kahinaan din naman ako, at yun ang pamilya ko. Miss na miss ko na si Mom and Dad.

"Sa sobrang busy nila hindi na yata nila alam na may anak sila. Sana bata na lang ako nanay, sana di na lang ako lumaki, edi sana masaya pa ako ngayon kasi magkakasama kami. Nanay gusto ko lang naman maramdaman yung pagmamahal nila eh, kahit busy sila sana kahit sa pagkain na lang sabay sabay kami. Pero hindi eh. Pagkagising ko naka alis na sila. Pag tutulog naman ako, wala pa sila. Daig pa ako nung mga bata sa kalye, kasi sila? Buo sila. Eh ako? Nasakin ang lahat, kaya kong bilhin ang mga gusto ko, pero ang pamilya ko lang ang kailangan ko"

"Anak. Nandito naman ako eh. Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo. Mahal kita anak, at ayokong nagkakaganyan ka. Magpahinga kana. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako ha."

"Thank you Nanay Eva"

Pinunasan ko ang luha ko at saka humiga. Pipikit na ako ng biglang may mag text. Kinuha ko ang phone ko. Si Rence lang pala.

"Bro, okay ka na ba?"

"Oo tol. Salamat ah"

"Sus! Wala yun. Sige magpahinga kana bro. May pasok pa bukas"

"Sige bro."

Nakakagutom. 1:00 pm na pala.
Bumaba ako at nakita ko si Nanay. Ang bango ng niluluto nya. Alam nya talaga mga favorite ko.

"Hi Nanay. Ang bango naman po nyan."

"Okay kana ba?"

"Yes Nanay"

"Good. Nagluto ako ng favorite mo anak. Adobo. Maupo kana doon at ipaghahain kita ng pagkain"

"No Nanay. Tutulungan na po kita"

"Ikaw talaga. Sige na nga. Oh eto ilagay mo na sa table"

Ang bago talaga. Ang sarap magluto ni Nanay. Muntikan ko ng maubos yung adobo. Kelangan ko palang matulog ng maaga. May pasok pa nga pala bukas.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now