CHAPTER 11- Finally!

23 0 0
                                    

Danna's POV

Four months na ang nakalipas mula ng mamatay si Dad, medyo okay na naman kami pero syempre di namin agad agad makakalimutan yun. Apat na buwan na ring nanliligaw sakin si Harris. Bilib nga ako dun eh, nakatagal sya sakin kahit may pagka maldita ako minsan. Tumunog yung phone ko, nag text pala si Harris.

"Danna,pwede ka ba ngayon?"

Nag reply ako agad.

"Yah. Where?"

"Tambayan. One pm. See you."

Alas dose na pala. Liligo na nga ako at baka malate na naman ako. Nakakahiya na sa kanya, palagi na lang akong late hahaha.

***
Pumunta ako sa tambayan. Walang tao. See sya naman yung late ngayon, ay wait baka naman nagtatago lang yung mokong na yun.

"Harris? Harris ,where are you? Hoy Monggie, lumabas kana nga"

Aba at wala talagang sumasagot. Aha, alam ko na. Baka nagtatago sa tree house. Sus, kala mo matataguan mo ako monggie. Umakyat ako ng tree house, binuksan ko yung pinto at...

"Danna, Will you be my girlfriend?"

Holy crap. Nakaluhod si Harris sa harap ko at may hawak siyang singsing. Andaming petals sa sahig tapos may mga balloons din na red, tapos may naka dikit sa wall na 'Will you be my girlfriend?'. Myghad! Lord, please help me, ano pong gagawin ko? Hala leche kinikilig ako.

"Oo. Harris. Yes. Girlfriend mo na ako"

Tumayo siya at saka niya isunuot sakin yung sing sing. Ang ganda. Jusme! Parang pang kasal.

"Thank you Danna. Mahal kita"

"Mahal din kita Harris. Ang saya saya ko."

Harris' POV

Pagka text ko kay Danna ay pumunta na kaagad ako sa Tree house, para mag handa. Bumili ako ng maraming red roses at saka ikinalat sa sahig ang mga petals. Bumili rin ako ng red balloons.

Nang makita kong dumating na siya ay naka ramdam ako ng kaba, siguro ay nangangamba lang ako na ma reject nya ulit, yes ulit. Nagawa kona ito, two months ago, pero humindi sya kasi hindi pa daw sya handa. Tinanggap ko yun kasi mahal ko eh, buti na lang ngayon ay handa na siya, wala ng takot at pangamba. Thank you Lord for this day. Thank you so much.

Nung papaakyat na sya ng tree house ay agad akong lumuhod at nangtanong sa kanya. Kinakabahan parin ako, pero tinatagan ko ang loob ko. Mahal na mahal ko ang taong ito, at hindi ako papayag na makawala pa sya.

"Oo. Harris. Yes. Girlfriend mo na ako"

Nakaramdam ako ng saya, dahil kami na. Finally girlfriend ko na sya.

Agad akong tumayo at saka isinuot sa kanya ang sing sing na hawak ko. She's so beautiful.

***
Danna's POV

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa tree house. Sa bahay na ito kung saan ko sinabi ang matamis kong 'Oo'. Sa bahay na kung saan magsisimula ang lahat, at sa bahay na kung saan kasama ko ang lalaking ito, ang lalaking mahal na mahal na mahal ko, at lalaking nagmamahal sakin ng totoo. February 14 2016,yan ang isa sa masasayang araw ko, ang araw kung kelan ko sinagot ang taong mahal ko.

Hindi ako makapaniwalang darating sa buhay ko si Harris, na babalikan nya ako makalipas ang mahabang panahon, na pagtatagpuin ulit kami ng tadhana na naging mailap sa amin noon, yung taong mahal parin ako kahit hindi kami nagkita ng maraming taon, sya yung lalaking nagpapasaya sakin ng sobra ngayon.

"Mahal kita, Aishi" Hala? Sino si Aishi? Nako Harris ayos ayos ha.

"What? Who's Aishi? Ex mo? What? Answer me" Aba nakakagigil to ah.

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now