CHAPTER 18 : VACATION

2 0 0
                                    

CHAPTER 18 : Vacation

Danna's POV

"Dans, gising na. Maaga pa tayong pupunta kila Lola."

Nagising ako sa ingay ni Kuya with matching pag hampas ng unan sakin.

"Kuya, 7am pa naman ang alis natin ah. Tapos 1pm pa tayo mamamasyal ni Lolo."

"Danna, 8am na oh."

Agad akong napabangon sa kama ko. What? 8 na? Baka malate kami sa pamamasyal.

"Sige Kuya, liligo nako. Bye."

Agad kong kinuha sa mini table ko ang damit na inihanda ko na kagabi.

Dali dali akong naligo at nag ayos. Agad kong hinila ang maleta ko at isinakbit sa balikat ko ang isang bag. Nagmadali akong bumaba sa sala at nanliit ang mga mata ko ng mapatitig ako sa bintana. Tama ba ang nakikita ko? Madilim dilim pa? Akala ko ba 8am na? Kinuha ko yung phone ko sa bag at agad na tiningnan ang oras and tahdah 4:28 pa lang. Damn!

Umakyat ako at saka padabog na binuksan ang pinto ng kwarto ni Kuya. And guess what, he's sleeping. The heck! Kinuha ko yung una nya at saka iyon hinampas sa kanya.

"Liar! Liar! I hate you." Gigil kong sabi.

Ang sarap sarap ng tulog ko tapos gigisingin nya lang ako at sasabihing late na? Damn it!

"Mabagal ka kasing kumilos. Kaya ginising na kaagad kita. Labas! Chupi, maliligo na ako."

"Eh? I hate you. Don't talk to me. Liar."

Aba ang loko tinawanan pa ako. Hinampas ko ulit sya bago lumabas at padabog ulit na isinara ang pinto ng kwarto nya.

Ano kaya ang pwede kong gawin ngayon? Ayoko kasing kumain muna tapos babyahe ng napaka tagal, mas feel ko ba kumain habang nasa byahe.

Nanood na lang ako ng Mickey Mouse. Ang cute talaga ni Minnie. Naisipan kong tawagan si Harris, pero sigurado akong tulog pa yun. Buong araw kaming magkasama kahapon. Sa pasukan na ulit kami magkikita. Mamimiss ko sya, sobra.

"Danna, tara na."

"Huh? Ang aga naman. Mag sisix pa lang ah."

"Mas maaga mas better. Tara na magpaalam na tayo kila Nanay."

Pumunta na kami sa kitchen at nakita namin si Nanay na nagluluto.

"Nay, alis na po kami ni Danna."

"Kumain muna kayo."

"Hindi na po Nay. Hindi po sanay si Danna na kakain muna saka babyahe."

"Ay oo nga pala. Oh sya sige. Mag iingat kayo ha?"

"Yes, Nanay. Kayo rin po ingat kayo dito ah." Saka ko niyakap si Nanay.

***
"Kuya daan tayo sa Mall ko. May kukunin ako. Nagugutom nako eh."

"Sige, bilisan mo ah. Baka maabutan tayo ng traffic."

"Yes, Sir."

Ibinaba ako ni Kuya sa Mall. Agad naman akong tumakbo papasok para bumili ng makakain. Bumili na rin ako ng maraming ice cream, kahit alam kong matutunaw sa sobrang init sa labas. Tsaka spoon, alangan naman kamayin ko yung ice cream diba?

Pagkatapos ay agad akong bumalik sa kotse.

"Oh bat ang dami naman nyang ice cream na binili mo? Tsaka ang dami, mauubos mo ba yan?"

"Oo naman."

"Takaw talaga."

Di na lang ako sumagot. Whatever, I love ice cream. Binuksan ko yung isang ice cream na strawberry flavor. Oh! I really love strawberry ice cream.

"Danna, penge."

"Ayoko nga. Yung isa ang buksan mo. You like chocolate ice cream right edi buksan mo yun."

"I'm driving, Danna."

"Then don't eat, hahaha."

Ang sarap talaga asarin ni Kuya, pikunin eh. Pero dahil mahal na mahal ko ang Kuya kong yan, sinubuan ko pa rin sya ng ice cream, baka bigla akong itulak palabas eh hahaha.

Kumakain ako ng ice cream ng biglang mag ring ang phone ko. Si Teru pala, agad ko iyong sinagot.

"Good morning."

"Good morning. By the way, papunta na kami sa Lolo ko. Di kita tinawagan kanina, masyado pa kasing maaga at alam kong tulog ka pa."

"Okay lang, Aishi. Kagiging ko lang eh. Ah ganon ba, mag iingat kayo ah."

"Okay po, thank you."

"Aishi?"

"Yes?"

"Baguio ako magbabakasyon, Kay Tita Rina."

"Oh! Sure. Enjoy. Tiisin muna natin na magkalayo tayo sa loob ng dalawang bwan. I miss you."

"I miss you too. Sige na, ingat kayo ah. Bye, I love you."

"I love you too."

***
"Oh buti naman at maaga kayong nakarating mga apo. Alam na ba ng Mommy nyo na nandito na kayo?" Tanong ni Lolo.

Andito na kami sa loob ng bahay I mean Mansion nila Lolo at Lola. Grabe nakakapagod napakatagal na byahe.

"Yes, Lo. Tinawagan ko na po siya kanina."

"Good, good. Kakain muna tayo, pagkatapos ay pupunta tayo sa farm, at mag hohorse back ridding."

"But Lo, I don't know how."

"May mag tuturo sa iyo, Apo. Don't worry I think you already met him. Let's eat."

"Okay, Lo."

"Hindi muna ako sasama Lo. Pagod po ako eh, magpapahinga na lang po ako." Sagot ni Kuya.

"Better. Okay apo."

***
"So we're here."

"Wow. I really miss this place. I love this place."

Nakita kong may papalapit na lalaki kay Lolo. I think kaedaran ko rin. Pero di ko sya makita kasi naka suot sya ng sombrero at nakatungo.

"So apo this is---"

"Danna"    "Steven"

"Oh! Magkakilala na pala kayo."

"Yes Lo. Nakita ko sya sa Park with his baby sister."

"Really? I see."

"So what are you doing here, Steven?" Tanong ko.

"Pinatawag ako ni Lolo Fred. May papaturuan daw sya sakin mag horse back riding."

"Oh really? Maybe it's me, right Lolo?"

"Yes, apo. So pano Steven. Ikaw na ang bahala sa apo ko ah?"

"Okay, Lo."

"Lolo, pwede bang yung white na kabayo ang gamitin namin?"

"Sure."

"Thank you, Lolo."

"No problem."

My Long Lost Boyfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now