Chapter 37 : behave or else...

Start from the beginning
                                    

"I-i agree with Papa, Tito. Sa Area ko pa lang ay nakalinya na ang mga For close-out na Projects not to mention the big ones na naisara namin this first quarter of the year na naka-schedule na mag-mobilize sa mga susunod na buwan" bungad ko ng makabawi.

On my point of view hindi naman kasi kakayanin ng company ang hawakan ang ganito kalayong Project. Isa pa, kasalukuyan pa lang pinag-aaralan ng company namin ang pag-extend locally. Last week nga lang ay nagkaroon kami ng Manager's meeting in which they informed na ang possible target para mag-mamaterialize ang binabalak na expansion ay sa last quarter pa ng susunod na taon.

Maganda sanang opportunity ang Altamira para magkaron ng linya ang company sa pag-build ng mga resorts, pero sad to say ay napakalabo pa sa mga panahon na ito mai-pursigi iyon.

If i remember it correctly ay hindi lang naman ito ang pagkakataong tumanggi kami before. In fact yung isa sa kilalang Developer sa bansa at loyal client namin ay inialok sa amin ang isang mid-rise mixed building dito rin sa North but with the same reason ay ni-reject namin iyon and instead ay tinulungan na lang sila by referring some of the Main contractor na ka-allied namin before.

"yan nga ang reason kung bakit ipinipilit kong kayo ang gumawa iha, I believe in your company and I have trust in you na kaya nyong I-deliver ang project with quality and on time" sambot ni Tito Mike.

"kung hindi mo kasi naitatanong kumpadre," baling nito kay Papa "napakadaming magandang feedback sa inyo ngayon sa market, particular na ang mga high-ends Projects nyo sa Makati area which of course hawak hawak nitong si Gabby" then shifted his gaze on me smiling.

"aba! Eh syempre gugustuhin ko naman na iyong ipapatayo kong resort ay magagaling na tao din ang humawak. That is a Million Project and I want what's best for it, kaya nga ang ilalagay kong in-charge duon ay itong si Audrey and for sure magiging maganda ang kalalabasan nyan dahil si Gabby ang makaka-tandem nya hindi ba?" giit nito na animo desididong i-push ang plano.

Ako na nakikinig lang ng matiim ay hindi na napigilang mag-react ng isip lalo na when he mentioned that Audrey will be involve. Kung saan-saan na tumakbo ang pag-iisip ko and I must admit that I have this feeling na parang planado ang lahat.

Im about to say something but I manage to glance first at Audrey's side para obserbahan ito. And then I caught her staring at me intently with high hopes in her eyes. I know she knows something dahil kitang-kita ko iyon sa mga mata nya. She might be the reason why Tito Mike is really eager to get us involve in this Project.

I mean it's so obvious dahil kahit kelan ay hindi naman umeeksena ang Tito Mike sa mga ganitong usapin. I believe they have they're on team who can handle this issue and besides we know that the old guy is too busy on their businesses abroad unless otherwise pinakiusapan ito ng bunsong anak. Afterall, Audrey is the only daughter she had kung kaya naman lahat ng gustuhin o naisin ay nakukuha.

"we are, really flattered that you appreciate and consider our company for this Altamira, Tito Mike. but as I was saying, as much as we wanted to engage in this Project we're afraid that our company is not yet ready. Besides, hindi po namin forte ang mga resorts sa ngayon, mas focus po kami sa pag construct ng mga high-rise building" magalang kong paliwanag with conviction habang iniikot ng tingin ang mga kaharap para makuha nila ng tuluyan ang point ko.

Nakinig naman ang kausap sa paliwanag ko pero hindi ito nagpatalo at pinakiusapan pa rin kami na baka pwedeng i-review at bigyan ng second thought ang proposal. My Father then help me out by explaining further pero tila makulit ang kausap.

Hinayaan ko lang muna silang magpaliwanagan habang wala sa sariling napatingin sa gawi nila Louise.

And then when i do ay dagliang naningkit ang mga mata ko sa nakita. Dreek is now beside my girlfriend sa upuang ibinakante ko at animo kinukulit nito ang katabi.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now