Chapter 56: V.I.P

Mulai dari awal
                                    

She lowered her head but I can see her face. Pain, sorrow, and agony is all I can see. Parang binibiyak ang puso ko.

"That's not the answer that I want to hear." Sa halip ay sagot niya sa akin.

"Elise.." Nangingilid na ang mga luha ko na nagsisimula ng mag unahan sa pag patak.

"Why is it so easy for you to gave me up? Hindi mo na.. Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Naluluhang tanong naman nito sa akin.

"Araw-araw akong nangungulila sa mga haplos mo, sa mga mahihigpit na yakap mo, sa mga malalalim mong halik, at yung pagpaparamdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. Yung mga memories na magkasama tayo na hindi mawala-wala sa isipan ko pero alam mo kung anong pinakamasakit sa lahat?" Hindi ko na napigil pa ang mga luha mula sa pag bagsak sa mga mata ko.

"Yung memory na makita kang ikakasal na sa iba. Yes Elise, you heard it right, I was there. Wishing that.. That should be me. It's not that easy Elise, it never was!" I exclaimed in pain at the last words.

"Then what about me Claire?" She suddenly bursted into tears.

"Did you even considered my feelings? Why are you so cruel? Those memories? Parang kahapon lang ang lahat-lahat nangyari dahil dala-dala ko parin ang sakit dito sa dibdib ko. I want to yell at you, gusto kong itanong sayo ang lahat ng mga katanungan sa isip ko, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman kong galit at sama ng loob sa pag iwan mo sa akin pero hindi ko magawa." I endured years of pain but to see her in vain like this? This is the worst.

"Because I love you Claire, I love you so much to the point na handa akong kalimutan ang lahat bumalik ka lang sa akin, but if what you really want is to end us? Who am I to change your mind?" Elise walkout and headed back to her car.

I was about to follow her nang biglang mag ring ang cellphone ko. I thought it was Kate again pero hindi pamilyar ang caller. A landline number?

"This is Claire speaking.." Bungad ko.

"Hello good evening ma'am, si Miss Claire Lindshey Salvacion po ito ano?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yes, may I know who is this?" I replied.

"Ridgecrest Lane Mental Hospital po ma'am, iniimbitahan po namin kayo na pumunta dito, may gusto po kasing makipag usap sa inyo ma'am." She politely explained.

"Wait, a mental hospital? At this late hour? Sinong gustong makipag usap sa akin?" Naguguluhang tanong ko.

"S-Shiela Marie Pineda daw po, malapit na kaibigan daw po ng mga lola mo?" Parang hindi siguradong sagot ng babae.

"Ite-text na lang po namin yung address ma'am, salamat po." Before I could say a word ay ibinaba na nito ang tawag. Weird but I recognized the name. She's a good friend indeed pero bakit sa mental hospital?

Naglakad na ako at agad na pumasok sa loob ng kotse sa tabi ng driver's seat, sa tabi ni Elise at isinuot ang seat belt.

"Alam mo ba kung saan may pinakamalapit na mental hospital dito?" I asked to her but she didn't gave a response. Tumingin ako sa kanya gamit ang front mirror, I can't look directly at her. Biglang kumabog ang dibdib ko. She's still crying. What should I do?

"Hey.." The only word that came up from my mouth.

"I'm fine.. What's the specific name of the mental hospital?" Halos pabulong na sagot niya habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya.

"Ridgecrest Lane Mental Hospital." I replied. Gulat na napatingin naman ito sa akin.

"What? Why?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

"Who are you visiting?!" Tanong niya na para bang may ayaw itong makita ko. Who could it be?

"None of your business." Sa halip ay sagot ko sabay iwas ng tingin.

"I won't take you there." She sighed.

"What?!" I exclaimed.

"I said I won't take you there, that place is so dangerous and it's very late at night, let me take you to where you are living." She calmly uttered while preparing to drive.

"Fine, maglalakad na lang ako mag-isa, I'll look for it myself." Pagkasabi ay akmang bababa na sana ako sa kotse.

"Hell no!" She exclaimed. "Okay, okay.. I'll take you there." Pinihit na niya ang manibela ng sasakyan at nagsimulang umandar.

"Just.. just be safe." She whispered. Walang nagsalita sa aming dalawa sa buong biyahe. Pagdating sa lugar ay agad akong bumaba at nagpasalamat sa paghatid niya sa akin. As usual, wala siyang naging response. She didn't even bothered to look back at me at nagmamadaling kinabig ang manibela paalis ng mental hospital. She's mad, isn't she? That's good.

I guess this is where we parted our ways.

Pumasok na ako sa loob para magtanong sa lobby desk.

"Good evening miss, kay Miss Shiela Marie Pineda po?" I asked na agad namang tinignan ng nurse sa database ng hospital.

"Ay ma'am pasensya na po, wala pong Shiela Marie Pineda na pasyente dito." Sagot naman ng nurse after a minutes of checking.

"Ha? Sigurado po ba kayo? Kakatawag lang sakin ng isang nurse din dito. Itinext pa nga sa akin yung address, baka nagkamali ka lang miss.." I replied.

"Miss Claire Lindshey?" Agad naman akong lumingon sa tumawag sa pangalan ko.

"This way po ma'am." Siya siguro yung nurse na tumawag sa akin kanina. Sinundan ko naman ito. Ang laki ng hospital, ang hahaba ng bawat hallway at nakabibingi ang katahimikan dito. Siguro ay natutulog na ngayon ang mga pasyente. The whole place is giving me a creep all over my body.

After a couple of minutes nakarating din kami sa V.I.P cell area kung saan pwedeng makausap ang mga pasyente. Umupo na ako sa upuan kaharap ang isang malaking salamin na may mga butas, sapat para marinig ang kausap sa kabilang cell.

"Ikaw?!" Napatayo ako sa gulat ng makita kung sino ang taong gustong kumausap sa akin.


**
To be continued..
**

...

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
She Fell First (GirlxGirl)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang