Chapter 16: HongKong

21.4K 353 16
                                    


Claire


Ugh! I'm so tired! Kakatapos ko lang maglinis ng buong dorm. Inabot tuloy ako ng halos hating gabi na. Nahiga na ako sa tabi ng mahimbing na natutulog kong bestfriend. I was about to sleep nang mag vibrate ang phone ko.

1 message received.
Ms. Sungit

Gising pa pala si Elise at ano naman kaya ang tinext niya ng ganitong oras?

"Love is amazing, there's nothing I would rather do than live my life in love with you..
The fun that being with you brings, our memories made of little things, the talks we have, the thoughts we share, the hugs, the kisses here and there..
What better reason could there be to spend forever -- you with me.
Happy birthday!"

Nagulat ako sa text ni Elise. Super unexpected!

I mean, she already confessed her feelings towards me but I don't know na may side pala siya na ganito. I can't help but smile. Ilang beses ko din pinaulit ulit ang pagbabasa ng message niya. C'mon Claire you have to sleep!

Paano ba naman kasi, siya ang kauna unahang bumati sa akin.

"Claire, bakit gising ka pa?" Si Chloe.

"Ha? Wala my tinignan lang ako." Pag was ko ng tingin.

"Bakit parang kinikilig ka?" Si Chloe ulit.

"Kinikilig? Sino? Inaantok na nga ako. Sleep na din ako, nagising ba kita? Tulog ka na ulit." Humihikab-hikab pa ako then I smiled at her.

**

Mabilis din naman na natapos ang buong klase ko ngayong araw. As usual hindi pumasok si Elise. Ang dami yatang studyante ngayon dito sa labas?

May biglang nagpa tugtog ng malakas na music, bigla namang sumayaw yung mga kaninang studyante na pakalat-kalat lang. Wow, mash-up ng halos lahat ng favorite music ko. Para kanino kaya itong pa-surprise flash mob na ito. Like those na nag su-surprise flash mob para sa mga love once nila. Ang sweet naman nung pasimuno. Luminga linga pa ako, nagbabakasakaling makita ko kung sino yung babae.

Natapos na yung flash mob. Bumubuo ng words ang mga nag flash mob gamit ang letters ng t-shirt nila. H-A-P-P-Y B-I-R-T-H-D-A-Y...

"Claire?" Gulat na sabi ko. Ako ba yun? Nah! Baka may kapangalan lang ako na nag birthday din ngayon.

Bigla naman lumabas si Elise mula sa gilid ng mga nag flash mob at may hawak siyang bouquet.

"White roses, your favorite." Si Elise na nakangiti sa akin. Is this a surprise for me? Well done Elise. Hindi naman magkanda ugaga ang mga nanunuod sa kakatili.

"I don't know what to say." I smiled at her. Sobrang na surprise kasi talaga ako. Kaya pala hindi siya pumasok ng buong klase.

"Well, hindi pa natatapos ang araw." Si Elise ulit. May private helicopter na lumapag sa ground field.

"Claire Lindshey Salvacion, will you go with me? On a date?" Elise while reaching for my hand.

"Where are we going?" Tanong ko naman dito.

"Somewhere at sana magustuhan mo." Elise still smiling at me. Kung pwede lang sana na birthday ko na lang araw-araw para lagi din siyang naka ngiti.

"Are you coming or.." Si Elise ulit at bago pa mag fade ang ngiti niya, iniabot ko na ang kamay ko.

**

Napakaganda dito sa taas. Kung hindi siguro nabawasan ang fear of heights ko malamang hindi ako makaka-silip sa baba. Thanks to Elise.

She Fell First (GirlxGirl)Where stories live. Discover now