Chapter​ 36: Flatline

15.6K 249 28
                                    


Chloe

It's been a month since we transferred Claire and Eunice to St. Laurent's​ Medical Hospital but they are still unconscious.

According to the doctor na sumusuri sa lagay ni Eunice, maayos na at for recovery na ito, kaya lang ay hindi pa alam kung kailan siya magigising.

Tulad naman ng payo ng doctor, minamasahe ko lagi ang mga paa, binti, kamay at braso ni Eunice at maya-maya binabasa ng tubig ang labi niya gamit ang bulak.

Paminsan-minsan ko din kung puntahan si Claire. Kinakausap, nagbabakasakali na idilat na niya ang mga mata niya o di kaya ay igalaw niya ang daliri sa kamay. Ang bahagi ng naalog na utak niya nang dahil sa head impact ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagigising. Critical at kung hindi mabibigyan ng medikal na atensyon ay hindi tiyak kung magigising pa ito.

Hindi pa naman inaalis ang bandage sa mukha niya dahil sa mabagal na pag galing ng mga sugat niya na sa kabutihang palad ay may improvement na rin ngayon dahil sinusuri na rin siya at ginagamot ng mga dermatologist from time to time, pinapalit-palitan na lang ang bandages.

"Ma'am Chloe." Pagtawag ng pansin ko ni Simon nang makalabas ako sa room ni Eunice.

"Yes Simon?" I curiously asked.

"Kailangan ko po kayong makausap." And he told me everything about what's happening with Elise.

Madalas na lang kasi kung dumalaw ito at kung dadalaw naman ay mag iiiyak lang siya ng mag iiiyak sa harap ni Claire. Panay daw ang inom nito kapag hindi dumadalaw.

Napapabayaan na at hindi na halos pumapasok sa office niya. Nag kukulong ito sa loob ng kwarto nila ni Claire sa condo at pinagbabantaan ang sino mang magtatangkang mang istorbo sa kanya even Simon.

I'm still mad at her for cheating on Claire, I trusted her to take care of my beloved bestfriend and she betrayed me too. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Simon, I wouldn't even consider talking to her.

"El." Pagtawag ko dito ng makapasok sa loob ng room. Sobrang messy na at ang daming kalat kalat na bote ng mga alak.

"How d-dare hik you to--" Magulo ang buhok, namumugto ang mga mata at susuray-suray na tumayo si Elise mula sa pagkaka upo sa gilid ng kama.

"It's me." I sighed.

"Claire?" Excited na sabi naman niya at patakbo na lumapit sa'kin na kamuntikan pang matumba.

"No, I'm Chloe." Pag agaw ko naman sa hawak niyang bote ng alak.

"Hey give that back! And what the hell are you doing h-here?!" She exclaimed.

"Look at you, look at what you did to yourself!" I sighed. Umupo siya ulit sa gilid ng kama at kinuha ang isa pang bote ng alak na agad ko din namang kinuha.

"S-Stop stealing my alcohol!" She asked na sinubukang bawiin ang bote ng alak.

"Elise! I'm not stealing anything, and can you please fix yourself?" I yelled.

"Wag mo na ako hik pakialaman Chloe! I deserve to be like this. To be miserable, to be left alone. All I need is Claire and I messed up so fvcking bad." She replied.

She Fell First (GirlxGirl)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu