Chapter 9: Tears

374 13 1
                                    

MY GIRLFRIEND IS A RETARD•

"Opo ate Gigi, wag ka pong mag-alala ihahatid naman po ako ni Hailey" pagsisinungaling ni Micah kay Gigi. Nagpaalam kasi itong hindi na magpapasundo sa driver dahil may lakad daw sila ni Hailey. Gusto sana ni Gigi na magsama ng bodyguard si Micah ngunit tumanggi ito. Ayaw pa sanang pumayag ni Gigi ngunit dahil nandiyan naman si Hailey at ang butler nito ay pumayag na din siya.

[Oh siya sige, basta mag ingat ka huh]

"Opo" Ibinaba na ni Micah ang tawag.
Napakagat siya sa ibabang labi. Ang sama ko na! T.T
Sambit nito sa sarili.
Ang totoo kasi nito ay naka-uwi na si Hailey sa bahay nila at si Blake ang talagang katagpo niya.

Naglakad na si Micah palabas ng malaking gate ng Dawson Academy. Na-upo siya sa isang bench doon at hinintay ang pagdating ni Blake.

Napalingon-lingon siya sa paligid. May mga kaunti pang estudyante ang naghihintay din ng mga sundo nila sa waiting area. Napako ang tingin niya sa babaeng kumakaway sa kanya habang papalapit.

"Ate Micah!!" Tili nito at niyakap si Micah.

"Claire, bakit ka nandito?" Tanong ni Micah at niyaya itong umupo sa tabi niya.

"I transferred here. Remember, nagpasama akong magpa-enroll sayo?" Napatango si Micah habang inaalala ang araw na iyun.

"Hala. Oo nga! Sorry iniwan kita"  bahagyang ngumiti si Claire.

"Okay lang ate" Tinapik nito ang balikat ni Micah.

Agad namang napako ang tingin ni Claire sa isang sasakyang pamilyar sa kanya. Nag park ito sa harap nila at bigla na lamang lumabas ang isang makisig na lalaki na naka polo ng blue, black pants at naka leather shoes. Awtomatikong kumabog ang dibdib ni Claire ng magtama ang tingin nila.

"Ate sundo mo?" Napalingon si Micah sa lalaking tinititigan din ni Claire

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ate sundo mo?" Napalingon si Micah sa lalaking tinititigan din ni Claire.

"H-hindi?" Nag-aalangang sambit nito.

"Im not here for her. Hindi naman ako ang boyfriend niya" Walang emosyong sambit ni Xion at walang pasabing hinablot ang bag ni Claire.

"A-ako?" Pag-aalinlangang sambit ni Claire at itinuro pa ang sarili.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon