Chapter 5: Miss Mataray

377 13 4
                                    

Nakatulala ang tahimik na si Hailey habang nakatanaw sa kawalan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakatulala ang tahimik na si Hailey habang nakatanaw sa kawalan. Kaninang umaga lang ng malaman niya ang pagkawala ng kanyang kaibigan na si Micah.

Huling klase na niya at hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa sarili. Nasa paaralan nga siya ngunit ang utak niya ay lumilipad.

Napabalik lang siya sa sarili ng tumunog ang bell ng paaralan, nagpapahiwatig na alas singko na ng hapon at ito na ang huling klase niya para sa araw na ito.

Wala sa sariling iniligpit ni Hailey ang kanyang mga libro at notebook. Inayos niya ito sa backpack niyang naka sabit sa kanyang armchair. Nang maisigurado niya ng nailigpit na ang lahat ng kanyang gamit ay tumayo na siya sa pagkaka-upo.

Lalabas na sana siya ng room ng marinig niya ang usapan ng kanyang mga kaklaseng babae.

"Micah's gone finally" mariing napapikit si Hailey at naikuyom ang kanyang kamay.

"Atlast! Sana hindi na bumalik ang sayad na yun!!"

"Yeah right, nakakapikon siya. Sana namata---"

Mabilis na humarap si Hailey sa mga kaklase
"SHUT UP!!!" Sigaw nito.
Tinitigan niya ang mga ito isa-isa.

"Na kidnapped na nga yung tao masaya pa kayo!!. Oo, may sayad siya, hindi matalaino kagaya ninyo ngunit mas pipiliin kung makasama siya kesa sa inyong mga walang puso!!!" Sunod-sunod na sambit nito bago iniwan ang mga kaklaseng nakatulalang nakatitig sa kanya na nag lalakad palayo.

Mga walang magawa sa buhay!

Padabog siyang nag lakad papalabas ng silid.

Halos hindi maitsura ang mukha nito habang naglalakad papalabas ng malaking building. Hindi niya kasa matiim na pinag-uusapan ang kanyang kaibigan ng ganoon. Kahit ba na minsan ay sinusungitan niya si Micah ay sa loob nito ay sobra ang paghahalaga niya dito.
Nag-aalala siya para sa kaibigan.

Yumuko ang butler ni Hailey na sumalubong sa kanya sa parking area. Agad siyang pinagbubuksan nito ng pintuan.

"How's your day, my lady?" Magalang na sambit nito. Pumasok si Hailey sa kotse.
"Not good, pwede huwag muna tayong umuwi?" Tanong nito sa kanyang Butler.

"Saan niyo po gustong pumunta?" Huminga ito ng malalim bago ibinaling ang tingin sa kanyang Butler.

"Alam mo na po kung saan" saad nito. Yumuko ang kanyang Butler bago isinara ang pinto ng kotse.















"HEY baby" ipinulupot ng babae ang kanyang mga kamay sa leeg ni Red. Umupo ito sa kanyang paanan at tsaka ito hinalikan sa pisngi.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon