[chapter twenty-three]_the wedding_

42 79 10
                                    

[Jenna POV]

"Jenna babangon ka jan? O sisirain ko tong pinto mo?!" Malakas na kalabog ng pinto ko at sigaw ni kuya ang gumising sa umaga ko.

'GOOD MORNING world!'

Kunot noo akong napatingin sa kisame at saka binuksan yung pinto ko.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko kay kuya na naka crossed arm sa harap ko.

"Pinapatawag ka na daw ni moris sa mansion nila Jayvee" halos napintig yung tenga ko dahil sa narinig ko.

"Ano ka ba naman kuya, pumangit na yung umaga" inirapan ko pa siya dahil sa sinabi niyang yun.

"Pag katapos netong event pupunta na tayong france" he said "so finish this day, may naghihintay sayo sa baba" umalis na siya.

'Ano bang problema nun?, pangit ang umaga niya?'

Pumasok agad ako sa loob ng cr ko at naligo.

Lumipas ang 30 minutes na pagligo ko, hindi pa sana yun yung totally na pagligo ko pero nagkamadali ehh, mahirap na masabihan ng pa-VIP

Bumaba na ako at ilang tao ang nakita ko nandun si mommy at kuya na naka fomal attire at ako nalang ata ang hinihintay.

"Lets go" agad na sabi ko.

"Dapat pala dun ka nalang natulog kagabi sa mansion nila-"

"Kuya!" Pagmamaktol ko kay kuya.

"Tara na po"sabi ng isang guard.

Sumunod nalang kami sa kanya at may sasakyan na sa harap namin na tinted na kulay itim.

-----(mansion)-----

Nasa hallway palang kami, may mga design na,pati lahat ng napupuntahan namin, siguro two days nila iyong ginawa dahil sa lawak ng mansion o baka hindi lang, napatingin ako sa swimming pool at nakita ko dun si jayvee na mukhang walang balak.

'Anong ginagawa niya? Kasal niya ngayon ah'

Bumaba ako para puntahan niya at tangunin narin kung bakit pa siya anduon?.

Umupo ako sa upuan duon na malapit lang sa kanya, at napangiti agad siya.

"Buti dumating ka, hinintay talaga kita" nagtaka agad ako sa sinabi niya at tumayo siya at akmang lalapit sa akin pero biglang dumating si Moris.

"Sir Jayvee kayo nalang po ang hinintay, tapos mo Ms. Jenna yung susuutin niyo daw po sabi ni Maam Moris ay nandun na sa kabilang kwarto niya sumunod nalang po kayo sa akin" Sabi nung maid at tiningnan ni Jayvee ng masama yung maid.

"Mauna ka na susunod na ako" sabi ko.

"Wag kang mag-alala pagkalipas ng isang bwan pupuntahan ko kayo sa france at makikipagdevorce ako kay Moris" sabi niya at naglakad na palayo sa akin.

'Kung ganun, kasama niya sa plano si kuya'

Tumayo na ako dun at pumunta dun sa sinasabi nung maid kanina, pero habang naglalakad ako sa hallway may narinig akong parang nagtatalo at may maliit na siwang sa pintuan at dahil sa curious ako sumulip ako dun, Si ate Tanya at ang Mommy at Daddy niya.

Dahil sa natakot akong mahuli ako umalis na ako dun.

Binuksan ko kaagad yung pintuan at bumungad sa akin ang puting damit na mahaba.

Pumunta ako sa harap nun at isinuot yun.

Pagkatapos ko mag bihis, pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Moris at sakto namang nasa harap si Moris ng full lenght mirror at bigla kong napansin yung wedding gown na suot.

'Magka parehas kami'

Halos manlumo ako dahil sa nakita ko, hindi naman sa pinagkakait ko na magkaparehas kami pero pati ba naman sa bigay niya dapat parehas din.

"Ang ganda nuh, pili ni Jayvee to para sa akin" sabi niya at humarap na sa akin.

'Pwede niya namang sabihin kung iniinsulto niya ako eh'

Ngumiti lang ako at nag nod.

Pumunta na kami ni Moris

Habang naglalakad kami , hindi kami nagkikibuan at kahit mag-usap, naka-sunod lang ako sa kanya.

Nasa harap na kami ng pinto kung saan, gaganapin ang kasal nila.

'Bakit kaya sa ganitong paraan pa kami pinagtagpo ni Moris ang matalik kong kaibigan?'

Minsan na yang sumagi sa isipan ko pero hindi ko paring masagot hanggang ngayon.

Binuksan na nila yung pinto at napagtanto kong ang daming tao sa loob, at halos lahat ay mahahalagang tao at mayayaman.

Bigla akong kinabahan, dahil parang may masamang mangyari.

Napatingin ako sa harap at nandun si Jayvee syempre siya yung groom, at nakangiti pa ito, inisip ko yung sinabi niya kaninang nasa pool area kami.

'Weird'

Naglakad nasa harap si Moris at sumunod lang ako sa kanya, nung makarating na kami sa harap sinalubong siya ni Jayvee at umupo lang ako sa tabi nila mommy at kuya.

"Magtiwala ka lang" sabi ni kuya at hinawakan pa niya yung kamay ko.

Kanina pa ako nagnghihinala sa kanila ah.

"Bago tayo magsimula sino ang tutol sa kasalang ito?" Sabi ng pari sa harap "kung ganun-" natigil yung pari dahil sa ginawa ni Moris.

"Pstt, pansinin mo ako hindi ako tutol na ikasal sa lalaking ito" sabi ni Moris pero mahina at sapat na para marinig namin na nasa harap

'Bakit siya?, siya yung bride ah?'

Nagbubulong na yung mga tao sa loob ng hall, at naptingin ako sa daddy ni Moris na naka-kunot noo.

"Anong ibig sabihin nito Moris?!" Napatayo yung Mommy ni Jayvee na kanina ay tahimik lang na naka-upo kanina.

"Sorry po tita pero pinilit kong subukang mahalin ang anak niyo pero sa tingin ko hindi sasaya sa piling niya kaya sorry po, sorry daddy, pasyensiya na rin po sa mga taong dumalo sa event na ito but now its over"






-----

Ipagpapatuloy

A/n
Two chapter to go...

Keep reading and please vote...

NO MORE SAD DAY'SWhere stories live. Discover now