[chapter thirteen]_date_

40 78 8
                                    

{Jenna POV}

Pagkadating namin sa Mall inalalayan niya ulit akong lumabas ng kotse pero di ko tinanggap yun.

"Sungit mo naman" nag pout siya, sa harap ko pa talaga.

"Hmmmp, ano ba talagang gagawin natin dito?" Pamewang na sabi ko.

"Kahit ano" sabay akbay sa akin, andito palang kami sa parking lot ng mall, ehh pano kaya kung nasa loob na kami ng mall mas lalong lalaki yung mga mata nila.

Bulagin ko kaya sila isa isa, ba ka pwede pa.

'Ang sweet naman nila, pero mas sweet kami kung maging kami' kinikilig na sabi nung babae.

(Putekkk pigilan mo ako, makakapatay ako ng tao)

Dumeretso kaming diary queen at nag order ng ice cream,yung ube ang keso yung sa akin at kay jayvee naman yung mango.

(Pati ba naman jan walang ka taste taste)

"Eto na" bigay ko sa kanya nung ice cream niya.

"Thank you jenna, ang ganda mo na nga ang bait mo pa, package diba" tingnan mo 'to ginawa pa akong balik bayan box.

"Ganun talaga" sabay subo ng ice cream ko.

"Ang sarap talaga ng keso at ube" sabi ko.

"Pang tayo ikaw yung keso at ako naman yung ube" ngiting sabi niya.

"Ang keso sa daga, ang ube, ay para sayo kasi, UBE-R CONFIDENCE" pangdidiin ko.

"Nagagawa ko lang naman yun, dahil kasama kita" tsk..dami niyang alam, inirapan ko nalang siya.

"Hi kuya pwede bang makuha number mo?" Kilig na sabi nung babae at tiningnan ko si jayvee hindi ko maintindihan yung expresyon ng mukha niya.

"May girlfriend na kasi ako, hindi mo ba nakikita" turo niya sa akin.

"Ay akala ko kasi yaya niyo" sabay tawa niya.

"Ahh, kukunin mo pa yung numner niya, sorry ka pero hindi siya pumapatol sa mga sugar mommy ehh" halata agad ang pagka-inis sa mukha niya.

"Jenna?" Sabi ni jayvee, at tinaasan ko siya ng kilay.

"What?, wag nalang kasi siyang mag salita para hindi siya mainis" irap ko dun sa babae at kinuha niya yung ice cream na nasa harap ko at binato niya sa mukha ko.

"HOW DARE YOU!" Sigaw ni jayvee at tumayo at sasampalin niya sana yung babae.

"Jayvee, babae pa rin siya" sabi ko sa kanya at hila niya nalang ako dun palabas.

Hinila niya ulit ako sa harap ng comfort room ng mga babae.

"Mag hugas ka bibili tayo ng damit" boossing tono ng boses niya.

"Uhmmm"

"Go!" Nakakatakot magalit ang tigre.

Pumunta ako sa loob at nag hilamos ng mukha ko.

"Alam mo ate ang ganda ganda mo, bagay ka maging model" sabi nang isang babae na mukhang koreana.

"Ahh, alam ko na yan" tawa ko.

"Pag gusto mong maging model, pumunta kalang ng korea at dito" May hinugot siya sa loob ng bag niya at binigay niya sa akin at umalis na siya.

Nilagay ko nalang yun sa loob ng wallet ko.

"Ang tagal mo naman jenna, pupuntahan na kita jan sa loob" lumabas agad ako dahil sa sigaw na yun ni jayvee.

"Eto na po ohh!" Tayo ko sa harap niya at hinila niya nanaman ako, hindi naman ako kaladkaring babae ahh!.

Pagkadating namin sa harap ng botique nila ate cara pumili agad ako kasi ang gaganda ng mga damit nila, siguro collection 'to ni ate cara.

Kinuha ko yung t-shirt na polka dots at lumapit sa akin si jayvee na may dala ring t-shirt.

"Yan na ba ang pili mo tara na" Kinuha niya yung damit na hawak ko at siya na yung nag bayad.

"Siya bo pa yung girlfriend niyo?" Turo sA akin nung sales lady "ang ganda po bagay kayo" nakakasuka naman ate.

"Tara na" tawag ko sa kanya at sumunod lang siya, pumunta kami ulit sa comfort room at ganun din si jayvee, sinuot ko yung damit na pili ko at bagay na bagay sa akin. Hehe!

"JENNA!" sigaw na nanaman ni jayvee, hindi ba niya mapigilan yung bunganga niya?, nakakahiya.

"Eto na nga oh-"napahinto ako ng mapansin ko yung damit niya kulay green siya na polka dots rin.

(Engot ka jenna)

"Uhh ang ganda tara na meron pa tayong pupuntahan" buling niya at hinila nanaman ako, sabi na ngang hindi ako kaladkarin.

"Saan na naman ba tayo pupunta?" Pagod na tanong ko.

"Basta, maganda yun" ngiti niya sa akin.

(Ang gwapo niya pala ngayon ko lang na realize)

Nagsisigawan yung mga babae sa paligid at titig na titig kay jayvee, inirapan ko nalang sila.

'Ay mukhang may kasamang girl, ang chaka' pag iinarte nung bakla.

Huminto kami sa pagbilhan ng mga wedding gown.

"Sinong ikakasal?" Kibit balikat na tanong ko.

"Ahh basta pumili ka nalang ng gown na gusto mo" pumasok nalang kami sa loob.

Pumipili ako pero wala akong mapili kahit magaganda yung damit.

"Eto po ma'am bagay po sa inyo eto, dahil po sa hubog ng katawan ninyo" pang-aalok ng sale's lady dito at sinukat ko lang yun para hindi naman siya mapahiya.

Ang ganda nga pa fish tail siya at bagay talaga sa akin dahil maputi ako, hindi naman sa nag-aasume ako pero nagsasabi lang talaga ako ng totoo.

"Yan po!, ang ganda ganda niyo na" tuwang tuwa yung sales lady.

"Salamat" sabi ko at nagbukas yung kurtinang sa harap namin at nandun si jayvee na naka american suit.

"Ang ganda mo" lumapit siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "Bibilhin naman 'to" sabi ni jayvee at may binigay silang box at kinuha naman yun ni jayvee.

Nagpalit ako ng damit, at umalis na kami dun dala dala yung mga box, at pumunta kami sa rooftop ng mall.

Gumagabi na pala, ganun na ba kami katagal dito sa mall, at buong mag hapon talaga.

"Jenna, alam mo na ba ito?" Niyakap niya ako sa mula sa likod at pinabayaan ko lang yun

"Ang alin?"

"Na mahal na mahal kita?" Hindi ako nakapagsalita dahil napanganga lang ako.
"Kaso" bigla akong kinabahan sa kaso niya kasi bigla rin siyang lumungkot.

Biglang may pumutok sa kalangitan at ang gaganda ng mga kulay at nasa rooftop pa kami ng mall kaya kitang kita dito ng parang malapitan ang ganda ganda talaga ng fireworks.

"Kaso" pag-uulit niya "kaso ipapakasal na ako"






-----
Itutuloy...

NO MORE SAD DAY'SWhere stories live. Discover now