Chapter One

259 150 67
                                    

Dream Chapter one..

Napabuntong-hininga ako habang pinapanood ang mga batang naglalaro ng patintero sa kalsadang natatanaw  mula dito sa pwesto ko. Anyway, andito ako ngayon sa maliit na balkonahe ng inu-upahan kong bahay kasama ang matalik kong kaibigan na si Me-anne.

By the way ako nga pala si Sharlaine Maine 20 years old, living with my best friend Me-anne.
Wala na akong mga magulang,
Ewan ko kung saan lupalop na sila naroroon o kung buhay pa ba sila  basta ng mamulat at magka-isip ako ang alam ko nasa bahay ampunan na ako kasama ang mga katulad kong inabandona ng kanya-kanyang mga magulang.

Madalas kong naitatanong sa sarili ko kung bakit nga ba may mga magulang na kayang-kaya itapon ang mga anak nila, matapos nilang magpakasarap sa paggawa.

"Parang may pinaghuhugutan yun friend ah lalim ng buntong-hininga naten e, may problema ka ba?"

saglit kong nilingon si Me-anne na naupo sa plastik na upuan sa tabi ko bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Buti pa sila no?" Tukoy ko sa mga batang naglalaro.

" Wala silang problema, hindi nila alam kung paano ma-deppress at ma-brokenhearted"

Tae! naiiyak ako.

"Nai-isip mo na naman ba si Ian?"

Tukoy niya sa ex-boyfriend ko na bigla nalang nawala. Katulad naming dalawa, lumaki din si Ian sa bahay-ampunan, hindi ngalang sa kinalakihan namin ni Me-anne.
Nakilala lang namin siya sa pabrikang pinagtrabahuan namin noong halos kalalabas lang namin ng bahay-ampunan. Isa siya sa mga taong naging malapit sa amin.
Palagi siyang naka-alalay sa amin ni Me-anne naging sandalan namin siya.
Kasama sa  lahat ng bagay.
Hanggang sa niligawan niya ako.
Naging kami for almost a year bago siya nawala nalang bigla ng parang bula. Tapos after a year biglang... Haist!

Napangiti ako sa kanya kahit ang totoo gusto ko nang maiyak sa bigat at paninikip ng dibdib ko.
Tumango ako.

"Naiinis ako sa kanya, gustong-gusto ko na siyang makalimutan. Kung pwede nga lang uminom ng pampawala ng memory katulad nung binibigay ng gream ripper sa napanood kong k-drama noon na Goblin. I will, iinom talaga ako makalimutan ko lang siya!"

Hindi ko na napigilan ang luha ko na bumagsak. Siguro ganun talaga pag subrang sikip at sakit na ang nararamdaman sa dibdib mo.
Kahit gaano mo pa kagustong pigilan hindi mo talaga mapipigil.
Muli akong humugot ng isang buntong-hininga at lumunok ng mailang beses upang ibsan ang pananakit ng dibdib at bara sa lalamunan ko.

"Kung meron lang sana, ipalalaklak ko talaga yun sayo para hindi kana nasasaktan ng ganyan pero alam naman naten na walang ganun at sa ngayon impossible mangyari yung gusto mo."

"Kaya nga eh, pero isipin mo friend, paano kaya kung meron?"

"Tapos totoo ding may robot na mukhang tao parang yung sa absolute boyfriend ganun ba?" Aniya, tumango ako
kaya napangiti siya pero agad ding nawala at bumuntong-hininga.

"Sa mga drama at movie lang nangyayari ang mga yun, malabo sa totoong buhay. Ikaw talaga kapapanood mo ng mga k-drama kung anu-ano na yang niisip mo."

"Malay lang naman eh!" Nakanguso kong sabi.
Nangingiting napakamot siya sa kilay niya.

"Putspa! at may pagnguso kana ngayon. Ganyan ba talaga pag broken hearted?"

"Siguro."  Tanging nasabi ko. Gustuhin ko man kasing ngumiti sa sinabi niya hindi ko magawa dahil sa bigat na nararamdaman ko. Tae talaga, naiiyak na naman ako.

DREAM ( COMPLETED )Where stories live. Discover now