Chapter Eight

197 114 62
                                    

Dream Chapter 8



"Beh, tikman mo yung tapa nila ang sarap," Naka-ngiting sabi ni Me-anne habang nilalantakan ang tapang nasa pinggan niya.
Halata ngang sarap na sarap siya grabe maka-subo eh, sunod-sunod.


"Ang takaw mo talaga hinay lang baka mabilaukan ka, " Nakangiting sabi ko. Tsaka nagsimula na din kumain. Nasa gitna kami ng kasarapan sa pagkain ng may lumapit sa aming waiter kaya napatingin kaming lahat, hindi sa waiter kundi sa bouquet of red and white roses with matching box of chocolates pa na nasa kamay nito.


"Sino po sa inyo si Ms. Sherlaine?" Nagkatinginan muna kaming lahat.


"Siya" Turo sa akin ng mga kaibigan ko. Dumako sa akin ang paningin ng waiter at ngumiti.


"May nagpapabigay po sa inyo" Anya sabay abot sa akin ng hawak niya. Nagtataka man kong kanino galing, tinanggap ko na din. Nakatingin na din kasi sa amin ang ibang bisita.


"Thank you! anyway, kanino po galing?" May naglalaro na sa isipan ko kung kanino galing ang bulaklak pero pinipigilan ko at pilit itinatanggi sa sarili. Alam ko naman kasing sasaktan ko lang ang sarili ko 'pag nagpadala ako sa iniisip ko.


"Sorry po pero ayaw niya ipasabi eh, basta kilala niyo daw po siya" Nakangiti nitong sabi bago nagpaalam at umalis.


"Ayiiee! haba ng buhok mo Laine putulin naten dali tapos idudugtong ko sa buhok ko." Nangingiti at kinikilig na sabi ni Joannie. Napangiti at napailing nalang ako.


"Ayiie may secret suitor ka ah, ayaw pakilala ikaw na talaga!" Si Angel naman na sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. Kinikiliti ako.


"Pero sino nga kaya yun?" Maya-maya ay sabi niya. Umiling ako at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw kong pagtuunan ng pansin kong sino man ang nagpabigay sa akin ng mga 'to, kasal ng mga kaibigan ko at dapat lang na mag focus ako sa kasiyahan tsaka na ako mag-iisip.







"Iniisip mo pa din ba kung kanino galing yang mga yan?" Tanong sa akin ni Me-anne ng makita akong naka-upo habang nasa mga bulaklak ang tingin. Nandito na kami ngayon sa boarding house.
Tumango ako.


Umupo siya at pinagmasdan din ang bulaklak na nilagay ko sa vase.


"Wag mo nang isipin pa, sigurado naman ako na galing yan sa isa sa mga manliligaw mo, ang ganda mo kasi friend." Nangingiti niyang sabi, nasa tono ang panunudyo.


"Pero in all fairness, ang galante ng secret admirer mo." Dagdag sabi pa niya na sinabayan ng pagtaas at baba ng kilay niya. Napangiti ako, para kasi siyang temang. 


"Hindi ka pa ba matutulog?" Aniya ng mapatingin sa oras. Mag a-alas dose na. Umiling ako.


"Hindi pa, hindi pa ako inaantok," Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin.


"Beh, ayaw kong isipin to, kaya lang baka kasi napa-praning ka na naman."


"Anong ibig mong sabihin? " Kunot-noong tanong ko. Napabuntong- hininga siya at seryoso akong tinitigan.


"Iniisip mo bang galing ang mg yan, " Tukoy niya sa bulaklak at chocolates  "kay Jay?" Napayuko ako at pasimpleng kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya dahil guilty ako.


Mali ba ako?

Masisisi niyo ba ako kung hindi ko mapigilan ang umasa?

DREAM ( COMPLETED )Where stories live. Discover now